Sharon Cuneta reveals that Gabby Concepcion never asked her forgiveness

IMAGE 0


During Sharon Cuneta's "tell-all" interview with BoyAbunda in The Buzz yesterday, she said that she hasforgiven Gabby, although he never asked for it. The Megastar acknowledges husband Sen. Francis "Kiko" Pangilinan forpicking up the broken vase that she was and fixing her when she was shattered to pieces by her pastfailed relationships.


Although ibinanderang isang "tell-all" interview, may mgaisyung hindi na pinanghimasukan pa o pinagpilitan pang ungkatin ng The Buzz host na si Boy Abunda sakanyang pakikipag-usap kay Megastar Sharon Cuneta kahapon. Edited ang interviewat malamang ay may mga off-the-record revelations si Shawie sa kanyangpakikipag-usap kay Boy.

Itinaon ang interview sa contract signing ni Sharon sa StarCinema noong April 2, Miyerkules, para sa Caregiver,ang pelikulang gagawin ni Sharon for the ABS-CBN film outfit's 15th anniversaryoffering. Sharon left for London noong Biyernes, April 4, para satatlong linggong shooting for Caregiver. At kahit na isang pormalna okasyon, ipinakitang nakikipag-usap si Boy kay Sharon in his shorts.

Unang pinag-usapan ang tungkol sa pagbabalik ng dating asawani Sharon na si Gabby Concepcion. Dumating si Gabby noong March 30, Linggo, saPilipinas after 13 years sa U.S. Ito'y sa kabila pa ngpagkakaroon niya ng mga kasong tulad ng falsification of public documents atbigamy. Nakatakda kasing gumawa ng mga proyekto si Gabby sa ABS-CBN, kahit naunang napalathala noon na gagawa siya ng pelikula sa GMA Films, ang movie armng GMA-7.

GABO IS BACK. Nagpakasalnoong 1984 sina Sharon at Gabby at naghiwalay noong 1987, matapos napag-alamang kasalumano sa ibang babae si Gabby, bago pa nagpakasal kay Sharon. Nakagawa pa rinnaman ng tatlo pang pelikula sina Gabby at Sharon kahit hiwalay na bilang mag-asawa.Hanggang sa tuluyang lumisan ng Pilipinas si Gabby noong 1996 at manirahan sa California, una bilangbusinessman at nang lumaon ay naging broker para sa isang real estate companyroon.

Dahil sa ingay ng muling pagbabalik ni Gabby, hindimaiiwasang magkaroon ng mga tanong sa dating asawang si Sharon. Sinimulan nga ni Boy na kunin muna angreaksyon ni Sharon sa pagbabalik-Pinas ng dating asawa.

"Well, there's a shortage of good actors and leading men inthe industry, and he is one of the best. And my daughter is happy that herpapa's here, that is all that matters to me. When the marriage [with Gabby]broke up, KC is all that matters to me," pahayag naman ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinunod na tanong ni Boy kay Sharon ay kung may tsansa bang makagawa ngpelikula ang dating mag-asawa. "Ang tagal na naming hindi nagkakatrabahotogether, pero yung following namin, hindi nawawala," sagot agad ni Shawie.

"Aside from acting kasi, siya ang kasama ko, e. Yung ganunba? Parang ang isasagot ko agad, ‘Sige shooting na tayo tomorrow, basta magandaang story, wala tayong problema.' Pero first of all, what matters to me morethan my career is my family."

Wala naman daw problema sa asawa niya ngayong si SenatorFrancis "Kiko" Pangilinan. In fact, ito pa nga raw ang mareklamo kapag walangkissing scene si Sharon sa lead actor sa kanyang pelikula. Ang ikinatatakotlang daw kasi ni Sharonay ang mapaglaruan sila ni Gabby, once magkaroon nga sila ng chance na magkatambal. Kahit pa marami ang nagde-demand at parehong malaki ang pinansiyalna makukuha nila sa pelikula.

"I've nothing left to prove, e. Ang ginagawa ko lang, angmga pelikulang gusto ko," sabi pa ni Sharon. Dapat daw ay irespeto naman silani Gabby dahil sa stage ng careers nila ngayon at edad, na-earn naman daw nilaang respect na 'yon.

Hanggang sa sundutin na ni Boy ang isa sa pinakahihintay natanong ng lahat: Kung napatawad na ba ni Sharon si Gabby?

"Oo. Nakapagpatawad ako, kahit na hindi humingi ng tawad.Siya, oo. Kasi at this point of my life, I'm too grateful for the blessings andI'm grateful that ...these things have to happen no matter how painful they wereso that I will meet Francis who really..."

Sharonwent on to say metaphorically kung paanong naging tagapagsalba ni Sharon siFrancis. "Kung ako ay isang flower vase na nabasag, kung ano ang puwede pangkunin dun na salbahin ‘tapos idikit pa..." si Francis daw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatawad na raw talaga ni Sharon si Gabby, kahit na hinditalaga ito humingi ng tawad sa kanya noon pa, personally o ng harapan.

Noon ngang nagkausap sila for the first time after somany years ng hindi pag-uusap, "Thank you" lang daw ang sinabi nito sa kanya. Angpagpapasalamat ni Gabo ay dahil daw sa pagpayag ni Sharon na puntahan ng anaknilang si KC si Gabby sa Amerika. Awkward pa noon ang pakiramdam niya saunexpected na pag-uusap nila over the phone.

"Oh, my God!" sambit nga raw ni Sharon sa sarili nang biglangpakausap ni KC si Gabby sa kanya. Panay angpasasalamat daw ni Gabby sa kanya at ang nasabi na lang daw niya pagkatapos ay,"You're welcome."

Habang binabati ni Boy Abunda si Sharon sa pagiging malihimnito at hindi masyadong pagbibigay ng mga detalye sa publiko tungkol sa buhayniya at ng mga taong involved sa kanya, sumingit ng tanong si Sharon, "Alam mo kung bakit kami naghiwalay?"

Sa puntong ito—dahil ba sa ‘di mapigilang habit ni BoyAbunda na sumingit o mag-cut habang may ire-reveal na mga detalyeng malaman anginterviewee para lang makapagsalita ng magaganda at mabulaklak na salita si Boy,o dahil edited nga ang interview, with respect to the little privacy Sharonwants to maintain—hindi na nasundan pa ang singit na tanong na iyon ni Sharon.

Kung inungkat pa sana ni Boy ang pagsingit na iyonni Sharon aytalagang deserving na sanang tawaging "tell-all" interview ang nangyari sakanila. Instead, binati na lang ni Boy ang Megastar sapagkakaroon pa ng mga personal na bagay sa buhay nito na hindi na for publicconsumption.

TALKING ABOUT KIKO.Nang mapunta naman ang pag-uusap nina Boy at Sharonkay Senator Francis "Kiko" Pangilinan, nilinaw ni Sharon ang mga isyung kinasasangkutan nito,tulad ng pagkakaroon umano ni Kiko ng "other woman" at baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In this age of email, mms, sms, everything that moderntechnology has to offer...kaming dalawa, pinag-uusapan namin na, ‘Ang tagalnaman, wala pa bang address, para mapuntahan na natin?' Sabi ko, ‘Ako rin, e. Para sabay-sabay na tayo. Sige, prepare na yung clothespara sa bata or whatever,' kasi hanggang ngayon, puro sila daldal. Wala namansilang mai-present na ebidensiya.

"Alam mo talaga, walang babae ang asawa ko. Kasi sabay-sabaynatin siyang iwanan, kapag may nalaman tayo. ‘Di ba sa totoo lang. Peroseriously, hindi ko kayang mag-pretend, ako pa? Hindi n'yo makikitang... ba't kosiya ide-defend? ‘Di ba? Sabihin n'yo nga sa akin, ba't ko siya ipagtatanggolkung ako ang sinasaktan niya?" pahayag pa ni Sharon tungkol sa rumor.

Nang tanungin ni Boy si Sharon kung takot pa bang maiwananito ni Kiko sa kabila ng mga pinagdaanan nang relasyon, naging makahulugan,malaman, at maramdamin ang sagot ni Shawie.

"You know, Kuya Boy, ‘di ba I think I [mentioned it] to you na? Na‘pag naghihiwalay ang isang couple, hindi ibig sabihin na ang galing mo kasiikaw yung umiwan, hindi, e. Ang masakit, ikaw ang umiwan kasi yung iba,nagpapaiwan na.

"Yung iba naman, sadsad na sa dami ng latay ang puso mo saginagawa nila over time, na tinitiis mo dahil mahal mo. But one day, you justhave to give up. Kasi siguro feeling mo hindi ka na mahalaga sa kanya.

"Hindi ako nang-iiwan dahil ayoko na...‘Ayoko na kasi, ayaw mona sa akin... Bakit tinatapon mo ako?'

PRAYERS FOR KC. Napuntaang pag-uusap nina Boy at Sharonkay KC Concepcion, ang anak ng Megastar kay Gabby Concepcion at kasalukuyangnagpu-pursue ng sariling showbiz career. Tinanong ni Boy si Sharon kung maytakot ba siyang maaaring pagdaanan ni KC ang mga pinagdaanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naalala ko nung maliit siya, ‘tapos nung nasira na angpamilya namin, kami na lang. Habang umiiyak ako, tinitingnan ko siya, angliit-liit niya, tulog siya. Ilang beses kong dinasal noon, e—ngayon dinasal kouli kay Frankie and Miel—ang sabi ko, Lord ang ibibigay n'yong... yung nakalaan napagdadaanan na pain nitong anak kong ito, kung puwede po, kung hindi puwedenglahat, ibigay na lang sa akin, bawasan man lang. Ibigay na lang sa akin. Butshe's already had a couple of relationships, I know that she also had that kindof pain na caused by someone ni-love mo in a romantic way."

Isa nga raw sa mga rason kung bakit pinag-aral ni Sharon abroad si KC aypara ihanda ito sa mas matitinding pagsubok sa buhay. "Kasi iba yungikinukuwento sa iyo na ang laki-laki ng mundo, hindi lang ito. Iba yung nakitamo. Lahat ng hindi ko na-experience, gusto kong ma-experience niya. Para buong pagkatao niya, pagpasok niya sa showbiz,kumbaga, punta kang giyera, dala mo na'ng lahat ng armas mo."

A movie with KC was the next question. "I would do a moviewith her in a snap. But ang sabi ko nga sa kanila noon, siya talaga angmagde-decide noon. When she wants, oh my God, I'll drop everything and do thatmovie with her."

Birthday ngayon ni KC (April 7) at hiningan ng wish si Sharon for her lovelydaughter.

"Oh, my God. Kristina is doing so very well, Alam mo masmaganda sa kanya ko na lang sasabihin," napatawa si Sharon pagkatapos. "But you know, I will askna lang everybody, as our birthday gift to her, yung mga nagmamahal po sa aminall these years, ipagdasal na lang po natin ang kanyang safety, protection, mgatamang desisyon...at isang masiglang-masiglang career na minamahal n'ya talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN