Mauling case against Borgy Manotoc dropped

IMAGE 0


The mauling case against model-TV host Borgy Manotoc was dropped by Taguig's Fiscal Office because of insufficient evidence. The complaint was made by Carlo Pardo de Tavera Brown on May 9, 2007.



Isang taon pagkatapos maghain ng reklamo ni Carlo Pardo de Tavera Brown, ibinasura ng Taguig Fiscal's Office ang reklamong serious physical injuries laban sa model-TV host na si Borgy Manotoc at sa kaibigan nitong si Ronald Pasion o DJ Malaya. Isinampa ang reklamo ni Brown dahil diumano sa pambubugbog nina Manotoc sa Embassy Cuisine Bar & Restaurant sa The Fort, Taguig City noong April 10, 2007.

Sa reklamong inihain ni Brown noong May 9, 2007, sinabi niya na nagalit sa kanya si Manotoc nang makita siya nito na nakikipag-usap sa girlfriend ni Borgy na si Ornusa Cadeness sa loob ng Embassy.

Ayon kay Brown, binugbog siya ni Manotoc at ng iba pang kalalakihan sa parking lot at binasag ang isang basyong bote sa kanyang ulo. Naospital si Brown sa Makati Medical Center at sumailalim sa isang operasyon dahil sa mga natamo niyang sugat sa ulo.

Nakasaad sa resolusyon ni Fiscal RicardoEstrabo na hindi raw napatunayan ni Brown na sina Manotoc ang nasa likod ng pambubugbog sa kanya. Wala raw kasing testigo na naiharap si Brown. Hindi rin daw tugma sa medico- legal report ang akusasyon ni Brown na wala siyang awang pinagbubugbog nina Manotoc.

"The medical certificate should have shown the hematoma or concussions were inflicted on him, on his face, on the different parts of his body. However, none appears," saad ni Taguig State Prosecutor Estrabo sa panayam sa kanya ng GMA News.

Bukod dito, may testigo rin daw na nakakita sa insidente at nagsabing hindi sina Manotoc ang direktang sangkot sa pambubugbog.

"She [the witness] stated that Borgy was not the one who inflicted the injuries on Pardo de Tavera," sabi ni Fiscal Estrabo.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang ina ni Carlo na si Mrs. Mara Pardo de Tavera. Bukas pa raw sila makakapagbigay ng pahayag tungkol sa kinahinatnan ng kanilang kaso laban kina Borgy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa ina ni Borgy na si dating Representative Imee Marcos, natutuwa siya sa desisyon ng piskal na ibasura ang reklamo laban sa kanyang anak.

Si Borgy ay apo ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos at dating Unang Ginang Imelda Marcos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN