Piolo Pascual on upcoming projects and "love" at first sight

IMAGE 0


"I know naman God is preparing someone best for me, and Ibelieve in destiny. I believe that after so many years... I've waited, I deservenaman someone na talagang para sa akin," says Piolo Pascual who's head is inthe clouds as he relates the girl he met in the Victory Christian Fellowshipchurch yesterday.



Nagulat si Piolo Pascual noong marinig niya ang pangalan niGabby Concepcion na isa sa mga pinagpipilian bilang isa sa dalawang bagongcharacters na ipapasok sa second season ng teleserye nila ni Angel Locsin na Lobo.Pero huling balita, hindi na raw matutuloy si Gabby na ipasok sa Lobodahil mayroon itong bagong proyekto sa ABS-CBN.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolokung nanghinayang ba siya sa balitang ito?

"Napakaliit ng showbiz [para hindi magkasama sa mga daratingna proyekto sa ABS-CBN]. I thought I could never work with Albert [Martinez].Pero naka-love triangle ko siya sa Sa Piling Mo. Nakakatuwa, becausethese are actors you grew up watching. So, [it's] nice to watch them and see them again. You know, evento get the chance to work with them, magandang experience," pahayag ni Piolonang dalawin siya ng PEP sa taping ng Lobo sa Boys Town, Marikina City.

DOING MOVIES. Bukod sa Lobo, hinahanda na angsusunod na pelikula ni Piolo sa Star Cinema. Ngayon pa lang sisimulan angthree-picture contract na pinirmahan ni Piolo sa Star Cinema last year dahil narin sa sobrang kabisihan niya nung nakaraang taon.

"I'm supposed to do a movie with Angel, but I'm not surebecause I signed up with Star [Cinema] for three pictures. So, I'm supposed tostart anytime soon. I'm not sure lang kung alin [mga stories], sa rami ngino-offer nila."

Tuloy rin ba yung plano niya na mag-shoot ng isa niyangmovie sa ibang bansa?

"Yeah, yung Jerusalem po. It's a pilgrimage,kino-conceptualize pa rin. It's more of a family drama kaya baka wala akongleading lady doon. But there's one [movie] with Angel."

After that, nakalaan ang natitira niyang pelikula sapinirmahan niyang kontrata with KC Concepcion. Tatapusin muna ni Piolo ang Lobobago magsimula sa first movie project nila ni Angel to be directed by RoryQuintos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balita ring may bagong endorsement sina Piolo at Angel.

"Yes, kami ni Angel," kumpirma ni Piolo. "Hindi pa puwedengsabihin... Gagawin namin yung commercial next month. She shot her first frames,I'm doing mine next. So, hopefully, lalabas siya next month.

"Pero nag-shoot kami ng commercial ng San Mig [Coffee] for Lobolast week, coming out next week. And then we shot our Timex ad a few weeksago."

MEETING SOMEONE IN CHURCH. With his career doing verywell, wala naman ba siyang wish na makatagpo ng babaeng kukumpleto'tmagpapasaya sa kanya?

"Sana soon," napangiti si Piolo. "Seriously, you know I wasin prayer meeting yesterday and I saw someone and she's pretty. Sabi ko, ‘Wow!'She's from our church [Victory Christian Fellowship]."

In-introduce daw sila ng isang common friend nila sakanilang church and from there, sinimulan nang kilalanin ni Piolo angbackground ng babae.

"She's single. Wala siyang showbiz relatives. She's tall andher initials are A.L." Bigla niyang binawi yung huli niyang sinabi, yunginitials. Binibiro na pala niya kami sa parteng yun dahil the "A.L." initialsstand for Angel Locsin. Pero ayaw niya lang daw talaga ibigay ang buongidentity ng babae since she's not from showbiz.

Dagdag pa ni Piolo, hindi nga raw maalis sa isip niya angbabaeng ito na ka-church niya't kakikilala niya lang kahapon.

"Hanggang pag-uwi ko, pagtulog...hanggang ngayon iniisip ko siya."

"Sabi ko dun sa common friend namin, hook us up for at leasta dinner so we can get to know each other more. Hindi ko naman agad ipu-pursuena mag-court sa kanya right away. At least, get to know the person first, ‘diba?"

Ito na kaya ang babaeng hinihintay niya? Ito na kaya angbabaeng papakasalan niya?

"My doors are open. I know naman God is preparing someonebest for me, and I believe in destiny. I believe that after so many years... I'vewaited, I deserve naman someone na talagang para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I wouldn't wanna...parang, just try it out. Just for thesake of being with someone. Because, you know, I didn't wait this long just tofail. So, in few years time, I'll be able to settle down and have a differentlife," paliwanag ni Piolo na ang tinutukoy ay ang tuluyan nang paglagay satahimik o pag-aasawa.

Bago kami magtapos ng pag-uusap, nagbigay pa ng target agesi Piolo kung kailan niya balak mag-asawa.

"In a few years. Hopefully, before I turn 35. I'm 31 now,so, within four years."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN