Jackie Manzano reiterates Anjo Yllana's statement about filing for divorce

IMAGE 0


Jackie Manzano revealed in Showbiz Central she and Anjo Yllana had separated earlier, but they got back together and had a baby last year. Problems continued to plague their marriage until they both decided to file for divorce.


Hindi na nga itinago pa ni Jackie Manzano ang tungkol sapaghihiwalay nila nang tuluyan ng kanyang mister for 13 years na si AnjoYllana.

Sa isang ekslusibong panayam ng Showbiz Central kayJackie, nasabi nga nito na marami na raw silang hindi napagkakasunduan ni Anjoat last resort na raw ang maghiwalay sila at maging kaibigan na lang.

Nalaman pa nga na matagal na palang hiwalay sina Jackie atAnjo pero nagkabalikan sila kaya ito nabuntis last year sa pang-apat nilanganak.

Nagkaroon pa nga ng kumplikasyon sa pagbubuntis si Jackie namuntik na nitong ikamatay. Pero naging maayos naman ang panganganak niya saAmerika at inakala nga nila na iyon na ang magiging daan para maging maayos naang takbo ng samahan nila.

Pero hindi raw maiwasan na bumalik ang mga paulit-ulitnilang problema sa pamilya. Kaya nagdesisyon na ang dalawa na tuluyan nangmaghiwalay.

Unang umalis si Jackie at tumira pansamantala sa ina nito.Pero ngayon ay si Jackie at ang kanilang mga anak ang nakatira sa bahay nila saBF Homes Subdivsion in ParaƱaque City at si Anjo ang naghanap na ng sariliniyang tirahan.

Tuwing weekends daw, nakukuha ni Anjo ang mga bata dahilabala rin si Jackie sa kanyang trabaho ngayon bilang flight attendant sa CebuPacific.

Pinabulaanan din ni Jackie ang balita na ang vice governorng Batangas na si Marc Leviste ang sinasabing third party sa hiwalayan nila niAnjo.

Galing na mismo sa bibig ni Jackie na twice lang daw niyangnakita itong si Marc Leviste at hindi naman daw sila close friends tulad ngkine-claim ni Marc.

Pinagdiinan naman pareho ni Jackie at ni Anjo na walang thirdparty involved at mutual decision daw ang kanilang paghihiwalay.

Magpa-file na nga raw ng divorce ang dalawa sa Las Vegas,kung saan sila ikinasal noong 1996.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN