PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado wants baby girl: "Siyempre, mas masarap. Mas may inaayusan."

Even without the father of her baby by her side, Jennylyn says she feels good with the love and support of the people around her.
by Rose Garcia
Published Apr 14, 2008
Jennylyn Mercado says although she has been talking to Patrick Garcia lately, she's not ready yet to see him. "Sa ngayon, siguro, hindi muna. Parang, after all, ganoon lang kadali, ‘di ba?"

Kung hindi mo alam na buntis, hindi mo agad mahahalatang five months pregnant na si Jennylyn Mercado. Bukod kasi sa hindi ito matabang magbuntis, nakakapag-suot pa rin ng mga seksing outfit tulad na lang nga nang mag-guest siya sa Showbiz Central noong Linggo na seksing-seksi pa rin sa kanyang kasuotan.

Ayon kay Jen, sana nga raw ay hindi na siya talagang tumaba pa.

"Sana talaga huwag na ‘kong tumaba!" nakatawa niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka, ano naman, e, nagda-diet din naman ako. Yung mga tamang pagkain lang talaga yung kinakain ko para hindi talaga ‘ko masyadong tumaba or lumaki masyado yung baby. Mga healthy vegetables and fish ang kinakain ko, pero walang rice."

Kuwento rin ng PEP kay Jennylyn na nakita namin sa Facebook account niya ang mga sexy pictures niya sa Boracay. Kahit buntis ay naka-two-piece pa rin siya at very fashionable pa rin.

Natatawa si Jen dahil, aniya, sinubukan niya talagang mag-two-piece pa rin dahil bukod sa mga malalapit niyang kaibigan ang kasama, gusto rin niyang magkaroon ng remembrance through photos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLOWING. In fairness to her, ibang-iba na rin ang ipinapakita niyang disposisyon sa buhay at halatang mas naggo-glow at mas masaya siya ngayon. Mabilis ang naging sagot ni Jen na, "Siguro ano, wala nang problema kasi."

Dugtong pa niya,"Tapos na kasi ang mga problema. Tapos na ang mga stress."

Ayon kay Jen, simula raw ng mga intriga sa pagitan nila ng ama ng dinadala na si Patrick Garcia, hindi pa raw sila nagkakaroon ng chance na magkita. Pero hindi nito itinatangging minsan ay nagkakausap sila kapag tumatawag ito or nagte-text.

So, PEP asked her, kung wala na ba yung love na dating nararamdaman niya for Patrick?

"Siguro ano...siguro kailangan ko na lang talagang maging nice sa kanya. Kasi, siya yung tatay ng anak ko. Pero anything else, wala na...Wala na talaga. Siyempre yung sa feelings, sa love...hindi naman mawawala yun completely. Nababawasan lang, pero, hindi naman totally nawala na."

Kung magkita raw sila, hindi raw niya alam what to expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa kami nagkikita talaga, kaya nga sabi ko, hindi ko yata alam ang gagawin ko kung magkita kami or makasalubong ko man siya. Kung magkausap man kasi kami, it's ‘hi, hello,' yun lang."

IT'S MERCADO, NOT GARCIA. Noong makorner ng PEP si Patrick sa presscon ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, isa sa tila request lang nito ay ang makasama man lang daw sana siya tuwing may check-up si Jennylyn sa ob-gyne.

May pagkakataon na ba na nangyari ang hiling ni Patrick?

"Hindi naman niya sinasabi, e. If ever man, okey lang naman sa akin. Pero siguro kapag ready na rin ako na nandyan sila...nag-usap naman kami, e. Sinabi ko naman sa kanya na, ‘Anytime na maging ready ako na makita kayo ulit, sasabihin ko naman, e.'

"Sa ngayon, siguro, hindi muna. Parang, after all, ganoon lang kadali, ‘di ba?"

Hindi itinatanggi ni Jen na nang makapagdesisyon siyang tapusin na ang lahat sa kanila ni Patrick at makapag-move-on, mas um-okey na talaga ang lahat sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

As of now, wala pa siyang nakahandang pangalan para sa magiging anak niya, mapa-boy or girl man ito. Pero ayon kay Jen, kung siya raw ang masusunod, mas gusto raw sana niyang girl ang maging gender ng anak.

"Siyempre, mas masarap. Mas may inaayusan," nakatawa niyang pahayag.

Kung dati-rati ay nalungkot siyempre ang mga kinikilala niyang magulang sa biglaang pagbubuntis niya, ngayon daw ay mas excited pa ang mga ito sa isisilang niyang anak.

"Sobrang excited na sila. Gusto na rin nilang makita talaga. At saka, siyempre, first apo kasi nila. ‘Tapos, sa father's side ko naman, ako rin yung unang nagka-baby. Kasi, yung mga cousins ko, matatanda na rin sila, pero hindi pa sila nagkakaroon ng anak."

When it comes to the baby's surname naman, diretsahang sinabi ni Jen na Mercado talaga ang ibibigay niyang apelyido ng bata, contrary sa kagustuhan ni Patrick na isunod naman sa apelyido nito ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mercado...Mercado po talaga," may diin niyang sabi.

GOING BACK AFTER GIVING BIRTH. Hangga't kaya niya raw at hanggang may kumukuha pa rin sa kanya, tuluy-tuloy pa rin daw siya sa pagtatrabaho. Like yung mga ginagawa niya ngayon na guestings sa iba't ibang Kapuso shows.

"Tuluy-tuloy pa rin po siguro hanggang seven, eight months. Kung hanggang saan yung kaya ko pa po. At siyempre kung gusto pa rin nila kong kuhanin. Siyempre po, after ko na manganak, magpapahinga muna. Ayoko naman pong lumabas na ang laki pa rin ng tiyan ko, maga pa ang mata ko," natatawa niyang sabi.

Sa lahat, umaasa raw siyang pagkapanganak ay makakabalik pa rin siya sa showbiz.

"Sana...kasi, mahirap din namang mag-isip. Marami na rin namang situation na ganito na nabuntis, nanganak, ‘tapos, hindi na makabalik. Siguro po, kung bibigyan pa rin nila ‘ko ng opportunity."

NO REGRETS. Sa huli, sa kabila naman daw ng mga pinagdaanan niya dahil sa pagbubuntis at naisakripisyo niya in a way ang kanyang career, wala raw siyang nararamdamang anumang pagsisisi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang blessing kasi sa akin ang nangyari. Noong una, mahirap, pero after a month or two, makaka-move on ka talaga. Kasi, ang daming nagmamahal sa ‘yo. Mari-realize mo na mas marami ang nag-aalaga sa ‘yo kahit wala yung tatay, okey lang.

"Ngayon mo na-prove na yung mga kaibigan mo, yung mga taong nagmamahal sa ‘yo, nand'yan lang sila kahit na anuman ang mangyari."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado says although she has been talking to Patrick Garcia lately, she's not ready yet to see him. "Sa ngayon, siguro, hindi muna. Parang, after all, ganoon lang kadali, ‘di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results