Genesis denies reported breakup of Jericho Rosales and Heart Evangelista

IMAGE 0


Genesis head Angeli Pangilinan-Valenciano (not in photo) denies a report that Heart Evangelista and Jericho Rosales have broken up. "Nang umalis si Echo for Malaysia, si Heart pa angnaghatid sa kanya sa NAIA [Ninoy Aquino International Airport]. In fact, I andHeart are planning na bisitahin si Echo sa taping niya sa Malaysia," says Angeli.



Ngayong araw, April 16, ay lumabas ang balitang naghiwalayna diumano ang magkasintahang sina Jericho Rosales at Heart Evangelista afterthree years. Ang balita ay mula raw sa isang very reliablesource, pero nang tawagan ng reporter ang GenesisEntertainment, wala silang ibinigay na statement.

Pinadalhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng textmessage ang business manager nina Jericho at Heart na si AngeliPanglinan-Valenciano ng Genesis, thinking that Angeli and husband GaryValenciano are already in the U.S. for a series of shows.

Instead of replying via text, tumawag mismo si Angeli sa PEP. Mamayang gabi pa pala ang alis nila dahil nagkaroon pa sila ng talk ni Gary sa isang symposium sa PICC for the Philippine Pediatric Society kahapon, April 15.

Itinanggi ni Angeli na break na sina Jericho at Heart.

"Nagulat din ako nang may tumawag sa akin thismorning, verifying the issue. Pero sabi ko, it's not true. Siguro may nakaisiplang na baka naghiwalay na sila dahil noon, Heart left with her mom to visither sisters sa U.S. for three weeks. ‘Tapos nang bumalik sila, si Echo namanang umalis for the States for three days. And now, nang makabalik naman siEcho, umalis siya ulit at nasa Malaysia na siya taping a teleserye there with aMalaysian actress.

"Nang umalis si Echo for Malaysia, si Heart pa angnaghatid sa kanya sa NAIA [Ninoy Aquino International Airport]. In fact, I andHeart are planning na bisitahin si Echo sa taping niya sa Malaysia," paglilinawni Angeli.

HEART OUT OF GENESIS. Sinabi rin ni Angeli na ang mommy na ulit ni Heart na siMrs. Baby Evangelista ang nagma-manage sa career ng young actress. Peromagkatulong pa rin daw sila sa pagkuha ng mga shows and endorsements forHeart.

"Nag-meet kami ulit ng mommy niya last week para sa mgacoming TV guestings niya, like sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya," banggitni Angeli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Angeli na hindi nakapirma ng managerialcontract sa Genesis Entertainment sina Jericho at Heart.

Paliwanag ni Angeli, "Kasi ayoko namang kung gusto na nilangbumalik sa Star Magic, hindi sila makabalik dahil may contract sila sa amin. Tumulonglang ang Genesis sa kanila habang hindi pa sila maayos sa Star Magic. Ngayongokay na sila, nandiyan lang kami to help, kung kailangan."

Tinanong din namin si Angeli kung sa bahay ng parents niyasa Carmona, Cavite, umuuwi ngayon si Heart since magkasundo na ang young actress at ang kanyang ama.

"No, nasa condominium pa rin niya si Heart,"sagot ni Angeli. "Hindi siya umaalis doon. Paminsan-minsan, kung may free timesi Heart, she stays with her parents during weekends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN