Rudy Fernandez and Lorna Tolentino will return to U.S. for his therapy

IMAGE 0


Lorna Tolentino asked husband Rudy Fernandez, "Pagtiyagaan mo muna, Papa, ang nurse mo, ang caregiver mo, at ang iyong domestic helper."


Bumalik na ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino noong Huwebes, April 17, mula sa Amerika para sa patuloy pa rin na pagpapagamot ng aktor sa kanyang karamdaman na periampullary cancer.

Positibong hinarap ni Rudy ang StarTalk upang ibalita ang naging resulta ng Rexin-G therapy sa kanya. Ang Rexin-G ay ang leading tumor-targeted injectable gene therapy vector para sa metastatic cancer.

"Actually, yung Rexin-G is working very well with me. Doon sa pakiramadam ko, ha, dahil sa hindi pa naman ako napapa PET CT Scan so hindi ko pa masasabi kung ano talaga ang effect. Pero so far yung pakiramdam ko maganda," pahayag ni Daboy sa taped interview sa kanya ng StarTalk kahapon, April 19.

Bagama't naging mabuti ang pakiramdam ng aktor, hindi naman niya ikinaila na minsan ay nakararamdam siya ng panghihina. Ani Rudy, "Minsan may time na back pains and low batt, medyo parang nanlalambot ka at nanghihina. Pero may time naman na parang pagkagising mo, ang lakas-lakas mo."

Ang pagbabalik ng mag-asawa sa Pilipinas ay bakasyon lamang dahil kailangan din nilang bumalik sa Amerika upang ipagpatuloy ang nasabing therapy.

Ayon kay Rudy, "Bakasyon muna kami dito 'tapos balik kami roon para sa ano muna, yung PET CT [scan]. Malalaman na kung ano talaga, kung nagwo-work na mabuti. Then kung nagwo-work, itutuloy pa rin namin yung treatment."

Ang PET scan o positron emission tomography ay isang kakaibang uri ng imaging test para ma-detect ang cancer.

Sa huli, nagpasalamat si Rudy sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagdarasal para sa kanya. "Well, alam kong ipinagdadasal nila ako, salamat sa mga dasal. Sana pagpatuloy nila ang pagdadasal para patuloy din yung paggaling ko. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat."

TUMORS DECREASE. Sa kanyang pagbabalik sa bansa, nagbalik din si Lorna sa pagho-host ng StarTalk. Sa panayam sa kanya ng mga co-host niyang sina Lolit Solis, Butch Francisco, at Joey de Leon, muling ipinaliwanag ng aktres ang kalagayan ng kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Lorna, "Nagpa-PET CT scan siya. Maganda naman yung resulta. Meaning walang nadagdag, wala ring nabawas at mayroong decrease sa ibang tumors niya.

"Kasi ang resulta ng Rexin-G, parang namamaga yung palibot ng tumor and kapag habang nagpapahinga. Pagkatapos ng pamamaga at saka siya magde-decrease, yung size ng tumor.

"So far, yun nga, yung first time na PET CT scan niya, positive naman yung result. Kaya itong susunod, kung talagang magwo-work sa kanya nang husto, iko-continue yung cycle ng Rexin-G niya, hanggang six to eight months pa."

THE CAREGIVER. Sa April 28 ang nakatakdang pagbabalik nina Daboy at Lorna sa Amerika. Dahil sa dalas ng kanilang pamamalagi doon, natanong tuloy ng mga co-host ni Lorna kung ano ang ginagawa niya doon.

"Naglalaba, nagluluto, lahat!" natatawang sagot ni Lorna. "Sabi ko nga kapag kausap ko yung sister ko sa Chicago, 'tapos dumating siya, ‘O ngayon nararamdaman mo, Ate, kung gaano kahirap mamuhay sa Amerika.'

"Ramdam na ramdam ko dahil, siyempre, kasama ko pa yung mga bata. Hindi naman first time nilang makarating, alangan namang sabihin ko na, ‘Hoy, maglinis kayo, magligpit kayo. E, bakasyong-bakasyon yung feeling nila. Ako yung nag-aalaga. Naging size two ang aking pantalon. So, caregiver, dakilang domestic helper."

Bagama't ayos lamang kay Lorna ang pagpunta-punta sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang asawa, hindi naman ninanais ng aktres na manatili sila roon hangga't maaari.

Sa katunayan, panalangin ni Lorna, "Sana naman huwag [mag-stay for good sa Amerika]. Sana naman mag-work nang husto yung therapy ni Rudy para makabalik kami rito."

Bago matapos ang panayam, nag-iwan ng isang mensahe si Lorna para sa kanyang asawa. Aniya, "Kasi si Rudy napakasarap na alagaan. Kahit ngayon na minsan may mga... Siyempre dati sinasabi ko nga walang pain before, but now nagkakaroon siya ng back pains and siyempre, may loss of appetite, yung common side effect ng cancer, di ba? At least nandito kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan magpataba siya for 12 days. Pagtiyagaan mo muna, Papa, ang nurse mo, ang caregiver mo, at ang iyong domestic helper."

Sa huli, inihayag ni Lorna ang kanyang panalangin para sa kanyang asawa, "For him to heal completely."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN