Nagsalita na ang dating beauty queen na si Carlene Aguilar tungkol sa isyung balikan at pang-iisnab sa kanya nina Dennis Trillo at Cristine Reyes.
Noong April 13 sa The Buzz ay inamin ni Cristine ang panonood nila ng sine ni Dennis kasunod ang hindi inaasahang pagtatagpo nila ni Carlene sa Shangri-La Edsa Mall. Earlier that day ay nanggaling si Dennis sa bahay ni Carlene upang dalawin ang anak nila na si Calix Andreas. Pagkatapos ay pumunta sa isang mall ang dating beauty queen kasama ang kanyang ina. Dito niya nakita si Dennis kasama si Cristine na katatapos lamang manood ng sine.
Para raw nakakita ng multo ang dalawa kaya hindi nito nagawang pansinin si Carlene at ina nito.
"Kasi nabigla talaga kami. Hindi namin talaga alam ang gagawin namin. Ayun, hindi ko talaga alam, as in na-stunned ako. Wow! Hindi ko alam. Nakakagulat pala yun," pahayag ni Cristine sa The Buzz.
Last Sunday, April 20, si Carlene naman ang nagbigay ng kanyang pahayag sa The Buzz.
"Actually, yung pagkatingin ko, medyo magkalayo sila ng konti. ‘Tapos hindi ko na tiningnan kasi nakita ko na sila together. So dedma," umpisang kuwento ni Carlene.
Pinatotohanan naman ni Carlene ang balita na galing sa bahay nila si Dennis at dinalaw si Calix.
"So, sabi ko [kay Dennis], ‘O, sa'n ka na punta?' Tapos parang sabi niya, parang may pupuntahan siyang sponsor or something. May meeting sila with Popoy [Caritativo, Dennis's manager]."
Pero it turned out, hindi pala si Popoy ang kasama ni Dennis kundi si Cristine.
"Sa totoo lang, okay lang na nakita ko sila together," sabi ni Carlene.
Iginiit ng dating Bb. Pilipinas-World na walang kaplastikan ‘yon.
"Hindi, promise," diin niya. "Kasi wala, e. Okey lang naman. At least, nakita ko na inuuna ni Dennis si Calix above everything or anything else. And okey na yun sa akin. Kasi mas importante sa akin na binibigyan niya ng importansiya yung baby namin."
Okay na raw si Carlene na magkaroon ng karelasyon si Dennis whether it is Cristine or ibang babae.
"Kahit sino pang babae yun. Basta mag-ingat lang siya," ani Carlene.
Wala na raw siyang emosyon ngayon na nagsasabi sa kanya na magbalikan ulit sila ni Dennis.
"Hindi ko talaga maisip ngayon ‘yon at di ko ma-feel."
Naikuwento naman ni Kris Aquino habang ini-interview niya si Carlene sa The Buzz na nakausap niya ang manager ni Dennis na si Popoy. Ayon kay Popoy, dumiretso sa bahay nila Carlene si Dennis pagdating nito mula sa Europe para ihatid ang pasalubong sa kanyang mag-ina.
"Yeah, dumalaw siya tapos binigyan niya ako ng mga chocolates. Kasi alam niya mahilig ako sa chocolates," kumpirma ni Carlene.
Itinanggi naman ni Carlene na may boyfriend na siya kaya madali na niyang matanggap ang situwasyon nila ni Dennis.
"Happy ako kasi yung baby ko, nasa akin, e. So, happy na ako that way."
Pero inamin niya na merong lalaking nagpaparamdam sa kanya ngayon.
"Oo naman, ine-entertain ko naman. Para mas masaya ang life, di ba?" paliwanag niya.
Ano ang wish niya for Dennis?
"Basta ang wish ko kay Dennis, maging good example lang siya to our son and be responsible enough," mensahe ni Carlene.
Sumingit si Kris at sinabing, "He has been naman."
"Yes, continue to be responsible," dagdag ni Carlene. "Tapos kay Cristine, just be true to yourself. Yun lang ang masasabi ko sa kanya.
"And kay Dennis and Cristine? Ingat," makahulugang mensahe ni Carlene sa dalawa.
