PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon decides to get over issue with Norie Sayo

Lotlot says she wasn't even contacted by her mom's manager and rumored lover Norie Sayo when the latter arrived here from the U.S.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 23, 2008
"Ayoko na ring mag-dwell na doon. Tapos naman na iyon. Nilabas ko na kung ano man ang sama ng loob ko noon sa taong ito. Tao lang naman ako to react that way. Hindi nila ako masisisi because yun talaga ako," says Lotlot de Leon about Norie Sayo (inset), the manager and rumored lover of her mom, Nora Aunor.

Hindi na itinatago ni Lotlot de Leon ang kanyang saloobin tungkol kay Norie Sayo, ang manager ng kanyang inang si Nora Aunor.

Sinabi ni Lotlot na hindi raw sila nagkausap ni Norie noong umuwi ito sa Pilipinas kamakailan. Wala naman daw siyang natanggap na tawag mula rito.

"Hindi ko po siya nakausap because wala naman akong na-receive na tawag from her," diin ni Lotlot.

"Okey lang naman sana kung magkakausap kami because gusto ko ring makibalita tungkol kay Mama. Alam naman niya kung saan ako mako-contact. E, kasi dati, nagkakausap kami. Hindi ko alam kung bakit hindi niya nagawang matawagan ako. Anyway, hindi ko naman din inaasahan na gawin niya iyon."

Kailan lang nga ay naglabas ng sama ng loob si Lotlot tungkol nga kay Norie. Pero ngayon ay parang wala na ang kinikimkim na sama ng loob ni Lotlot dahil tinapos na raw niya iyon.

"Ayoko na ring mag-dwell na doon. Tapos naman na iyon. Nilabas ko na kung ano man ang sama ng loob ko noon sa taong ito. Tao lang naman ako to react that way. Hindi nila ako masisisi because yun talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa mga taong close sa akin at nakakakilala sa akin, alam nila na may rason akong magpakita ng gano'ng klaseng emotion. Isa rin akong ina at may mga anak ako. I know that kind of feeling na sana ay hindi mapagdaanan ng mga anak kong babae."

Nang kumustahin namin ang Mama Guy niya, ani Lotlot ay wala siyang balita rito dahil matagal na raw silang hindi nagkakausap.

"Last year pa kami huling nagkausap ni Mama and since then, hindi pa kami nagkakausap ulit. Hindi ko na rin kasi alam kung nasaan siya. Pero may nagpaparating naman sa akin na marami raw siyang shows sa U.S. ngayon. That's good at sana nga balang araw magkausap ulit kami."

May balita ngang lumabas na nag-part ways na raw sina Norie at Nora. Nakarating ba ito kay Lotlot?

"Like what I said, wala akong alam na tungkol sa nangyayari kay Mama. Not unless makausap ko siya, doon lang ako makakasagot. Lagi ko namang pinagdarasal si Mama. I just hope na okey ang lahat na nangyayari sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama si Lotlot sa GMA telefantasya na Dyesebel at gumaganap siya bilang ina-inahan ni Dyesebel na si Banak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayoko na ring mag-dwell na doon. Tapos naman na iyon. Nilabas ko na kung ano man ang sama ng loob ko noon sa taong ito. Tao lang naman ako to react that way. Hindi nila ako masisisi because yun talaga ako," says Lotlot de Leon about Norie Sayo (inset), the manager and rumored lover of her mom, Nora Aunor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results