FIRST READ ON PEP: Heart Evangelista now a Kapuso; signs 2-year exclusive contract

IMAGE 0


Young actress Heart Evangelista signed a two-year exclusive contract with GMA Network earlier this afternoon. GMA-7 President Felipe Gozon (right) personally welcomed Heart.



Eksaktong alas-kuwatro kaninang hapon, April23, pumirma ng two-year exclusive contract si Heart Evangelista sa GMA-7.Ang contract signing ay naganap sa board room sa 16th floor ng GMA NetworkCenter.

In full force upang batiin siya at maging saksi sa pagpirma niHeart bilang isang Kapuso ang mga big boss ng Network—Atty.Felipe L. Gozon, Chairman, President & CEO; Mr. Gilberto Duavit R. Duavit,Jr., Executive Vice President & COO; Ms. Wilma V. Galvante, Senior VicePresident for Entertainment; Atty. Annette Gozon-Abrogar, President of GMAFilms; and lady executives Ms. Marivin Arayata, Ms. Redgie Acuña-Magno, and Ms.Lilibeth G. Rasonable.

Kasama naman ni Heart ang kanyang mga magulang, sina ReyOngpauco at Cecilia Ongpauco, at si Annabelle Rama. Si Annabelle at ang ama ni Heart ang tumatayong co-managers sa pagpapalakad ng career ng young actress.

"Tunay nang Kapuso si Heart," sabi ni Atty. Gozon pagkatapos ng contract signing."Ngayon ko lamang nalaman na ganito pala kaganda si Heart. Kung alam kolang, noon ko pa siya kinumbinsi na lumipat dito. Yes, she's a prized possessionng ABS-CBN at natutuwa ako na pumayag na siyang lumipat dito sa GMA."

Sabi naman ni Mr. Duavit, "May positive effect sa GMANetwork ang paglipat dito ni Heart. Naroon ang excitement na makakatulong kamisa lalong pag-unlad ng career ng isang mahusay na aktres na tulad niHeart."

Ayon naman kay Ma'am Wilma, may two years nang sure projectssi Heart sa GMA-7. Ang una niyang proyekto ay ang Asero na pagtatambalan nilani Richard Gutierrez. May nakalaan na ring Sine Novela para sa kanya at isangadaptation ng isang Koreanovela.

Sa SOP, Sunday, April 27, magaganap ang formal welcome kay Heartbilang isang Kapuso.

STORY BEHIND THE TRANSFER. Si Annabelle ang nag-convince sa parents ni Heart nailipat na nila sa GMA Network si Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang malaman kong wala na palang kontrata si Heart kayAngeli Pangilinan-Valenciano at sa Genesis Entertainment, kinausap ko na si Heart,"kuwento ni Annabelle.

"Dalawang beses na akong nabigo na kunin si Heart, unasa Captain Barbell 'tapos sa Lupin. Pero nasa ABS-CBN pa siya kaya hindi puwedetalaga. Kay Raymond [Gutierrez, Annabelle's son] ko nakuha ang number ni Heartkaya tinawagan ko siya na mag-lunch kami sa Serendra.

"Hindi talaga kami naghiwalay hanggang hindi siya pumayag saoffer ko. Sinabi ko sa kanya na ito na ang chance na magkatrabaho sila niRichard at makasama ang iba pang artista sa GMA Network. Isang magandang careermove ‘yon dahil wala na siyang contract sa ABS-CBN kaya wala na rin siyangginagawa.

"Family friend naman namin ang family ni Heart,kaibigan ko ang daddy niyang si Rey at Mommy Cecilia niya. Kaya kinumbinsi kona silang ilipat na sa GMA si Heart. Pumayag na sila, pero kinabukasan, nagbagoang isip nila. Pero pagkatapos, nag-usap-usap na naman sila at ipinadala na rinsa kanila ang draft ng contract para kung may gusto silang baguhin sa contract,mabago before the contract signing nga this afternoon.

"Pero nagsiguro pa rin ako," patuloy ni Annabelle."Natakot akong baka hindi sila sa GMA pumunta. Naalala ko ang sabi niWilma na sigurado na raw ba, baka kami mapahiya, ang daming press namaghihintay sa contract signing. Kaya ang ginawa ko, sinamahan ko sila. Sakotse nila ako sumakay papunta rito."

Hindi ba nahirapang mag-decide si Mr. Ongpauco na ilipat saGMA Network si Heart?

"Nahirapan din," pag-amin ng ama ni Heart. "Dahil 13years, doon na lumaki si Heart sa ABS-CBN. Pero career move din ito for Heart.Ang contract ng GMA is very tempting. Saka sino ba namang magulang ang hindi mag-iisip kung saan mapapabutiang kanyang anak? Kaya naisip ko nakung mas mapapabuti si Heart sa kanila, bakit naman hindi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagtanong sa executives ng GMA-7 kung hindi raw bamagtatampo ang iba pa nilang talents sa pagpasok ni Heart sa Kapuso network.

Si Ma'am Wilma ang sumagot. Aniya, "Hindi naman. Lahatng talents namin dito, nakakontrata kaya lahat sila binibigyan namin ng trabaho.Hindi namin sila puwedeng pabayaan."

Dahil sa paglipat ni Heart sa GMA-7, hindi kaya masabihandin siyang "ingrata" gaya ng mga naunang lumipat ng network?

Sagot ni Annabelle, "Hindi puwedeng sabihan na ingratasi Heart dahil matagal na siyang walang contract sa Star Magic at wala namansiyang project na ginagawa nang umalis siya. Maayos siyang nagpaalam kay Mr. Johnny Manahan.

"Ang masasabi ko lang kayHeart, tumamlay ang kanyang career dahil gumawa siya ng kasalanan sa kanyangmagulang. Ganoon talaga ang nangyayari sa mga anak na naging suwail sa kanilangmga magulang. Kaya ngayon na bumalik na siya sa parents niya, gaganda na muliang kanyang career lalo pa at narito na siya sa GMA Network," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.

RICHARD'S RUMORED TRANSFER. Kinuha na rin ng entertainment press ang pagkakataon upangtanungin si Annabelle tungkol sa napabalitang ililipat na niya si Richard saABS-CBN.

"Totoong binalak ko ‘yon dahil ako, gustung-gusto kotalagang magkatambal sina Richard at KC Concepcion," pag-amin ni Annabelle. "Sincehindi naman sila puwedeng magkasama dahil nasa ABS-CBN si KC, si Richard namanay magtatapos na ang contract sa GMA-7, kaya puwede ko na siyang ilipatdoon.

"Nag-usap-usap kaming buong pamilya, nagbotohan. Pero lahatsila ayaw palipatin si Richard. Loyalty ang pinagbasehan nila. Kahit si Ruffa, ayaw.Isipin ko raw ay ang career ni Richard na ang ganda-ganda sa GMA-7, 'tapos kungililipat ko sa kabila, baka after one project, buburuhin na siya doon.

"Pinag-usapan na rin ang possibility na pagtatambal samovie nina Richard at KC. Kinausap ko si Annette kung pwedeng ipahiram ng GMAFilms si Richard sa Star Cinema, pero hindi siya pumayag dahil exclusive angcontract ni Richard sa kanila. Kaya hihintayin ko na lang kung magiging maayosang pag-uusap nina Annette at Malou Santos ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung pumayag ang GMA-7, noon pang 2004 kinukuha ngABS-CBN si Richard para makasama sa Hiram nina Kris Aquino, Anne Curtis, atHeart. Pero hindi pumayag sina Atty. Gozon at Mr. Duavit," lahad ng ina niRichard.

Dagdag ni Ma'am Wilma, "At ibinigay namin kay Richard ang Mulawin.At doon na nagsimula ang paglipad ng career ni Richard. Ngayon, matutupad naang pagtatambal nina Richard at Heart sa Asero."

Sa May 5 ang simula ng taping ng Asero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN