Pokwang puts love life on hold while supporting her child's education

Apr 24, 2008
"Mas hinahanap ko kung saan may trabaho para may pang-tuition ako sa anak ko at may pambayad ako sa bahay," replies Pokwang when asked if she's looking for a man to love her.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa komedyanang si Pokwang kahapon, April 23, sa presscon ng sitcom na That's My Doc ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Aga Mulach, nilinaw niya na walang katotohanan ang nasulat na diumano'y nagsimula siya noon bilang dancer sa game show na Go Bingo na muling binalik sa ere ng GMA-7, still hosted by Arnell Ignacio.

Sabi ni Pokwang, "Muntik na akong maging dancer doon pero hindi natuloy kasi dumating yung visa ko na papuntang Abu Dhabi." Nakatrabaho na raw ni Pokwang si Arnell, pero hindi sa Gobingo kundi sa isang comedy bar.

"Si Kuya Arnell, nakatrabaho ko na. Ah, galing din siya sa Music Box kung saan din ako galing before. Hindi ko pa po talaga siya nakakatrabaho sa Gobingo," sambit pa niya.

Masasabi ba niya na blessing in disguise na hindi siya naging dancer sa game show ni Arnel dahil isa na siyang sikat na komedyana ngayon?

Continue reading below ↓

"Siguro po yun ang destinasyon ko sa buhay talaga. Kahit anong gawin nating iwas, ‘di ba? Kahit halimbawang ayaw mong maging pulis, kung magiging pulis ka, magiging pulis ka talaga."

ARID LOVE LIFE. Hataw man sa kanyang career si Pokwang ay hindi naman siya masuwerte sa kanyang love life.

"Tuyot ang love life ko ngayon, kasing-tuyot ko," sabi niya sabay tawa.

Bakit tuyot? Break na ba sila ni Paul Tieken, ang foreigner na nakilala niya last year nang magkaroon sila ng Canada tour ni Piolo Pascual?

"Hindi naman naging kami. Hanggang text-an lang kami. Sa London na siya nakadestino ngayon."

Pero may nangyari na ba sa kanila ni Paul?

"Wala! Wish ko lang! Wish ko, Lord!" sabay tawa ni Pokwang.

May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"Wala nga, e," sagot ng komedyana.

Hindi niya ba hinahanap ang pagmamahal ng isang lalaki?

"Hindi! Mas hinahanap ko kung saan may trabaho para may pang-tuition ako sa anak ko at may pambayad ako sa bahay," diretsang sagot niya.

Continue reading below ↓

NO "RETOKE." May mga nagsasabi na nagparetoke raw si Pokwang kaya gumanda siya ngayon. Ano ba ang ipinabago ni Pokwang sa kanyang katawan?

"Hay, naku. Gumaganda lang talaga ako dahil nakakain ko na yung mga gusto ko. ‘Chos!" tawa na naman niya.

"Wala pa akong pinaretoke sa katawan ko. Kung meron naman, sasabihin ko ng bonggang-bongga ‘yan. Ayokong magparetoke kasi takot ako."

PATIENCE AND HARD WORK. Marami na rin namang nagawang pelikula si Pokwang. Pero pawang second lead lang siya, to think na sikat na rin naman siya ngayon. Hindi ba nalulungkot si Pokwang na hindi pa rin siya nabibigyan ng pelikula na masasabing siya ang talagang bida?

"Hindi naman ako nagmamadali. Nakikita naman ng management yun. Hintayin na lang natin kung kelan nila ako lilingunin.

"Pero kuntento na naman ako sa career ko. At least marami akong trabaho, hindi ako nawawalan," aniya pa.

Aware ba siya na may mga taong pumipigil para sumikat pa siya nang husto?

Continue reading below ↓

"Alam ko yun, nararamdaman ko. Pero hindi na lang ako kumikibo. Ipagdasal na lang natin sila."

Read Next
Read More Stories About
Pokwang
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mas hinahanap ko kung saan may trabaho para may pang-tuition ako sa anak ko at may pambayad ako sa bahay," replies Pokwang when asked if she's looking for a man to love her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results