Malaking disappointment para kay Rafael Rosell ang nangyaring pag-disapprove ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isa sa significant scenes sa Maligno na magpe-premiere sa primetime TV this coming Monday sa ABS-CBN.
Ito pa naman ang nakapanghihilakbot na rape scene involving the heroine (being played by Claudine Barretto) and the devil (Rafael), na ayon nga sa aktor, matindi raw talaga ang effects ng director's cut nito.
RAPED CLAUDINE. "Medyo tame na nga yung ipinalabas sa preview," sabi pa ni Raf. "Pero, ito nga yung pinapanood sa MTRCB, and they disapproved ito.
"Naiintindihan ko naman dahil iba yung national television, na nakita talaga pati yung side ng pelvis ko, at talagang lumabas na hubo't hubad ako roon.
"Pero, hindi naman kasi yun ang point ng whole scene. Kailangang maipakita ang violence behind the rape, at kung paano mabubuo ang seed of Satan, yung impact should be jolting.
"Siyempre, nabawasan na 'yung impact. May blurred portions pa nga, as what was suggested by the MTRCB. Pero, talaga yatang ganoon," napapailing na sabi pa ni Raf nang makipagkita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) for this exclusive interview sa Grams Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.
"Doon sa uncut version, nang mapanood ko, kawawa talaga si Claudine," sabi pa ni Raf. "Talagang lumabas doon na pinahirapan ko muna siya. But, again, I should understand the MTRCB, na ayaw rin nilang mapanood ng mga tao yung sobra."
RAF'S BACKSIDE, MAKING ROUNDS IN THE NET. Nakarating na rin kay Raf yung sinasabing kumakalat na photos niya sa Internet, na obviously ay kuha sa taping lull ng Maligno.
"Ewan ko kung sino sa crew ang kumuha, 'tapos, kumalat sa Internet," natatawang sabi na lang ni Raf.
"Backshot daw yun, at nakahubad ako. Pero, okey lang. May nagsabi sa akin na okey naman daw yung behind ko. That's just okay.
"May nagsabi kasi sa akin na okey yung lighting, and it appeared, it's part of the taping of the series," dugtong pa ni Rafael.
Walang problema kay Raf kung lumabas ba ang butt niya. He has no qualms with nudity.
"Huwag lang frontal. Kasi, 'yung butt, parang sa cleavage lang 'yan," aniya.
"Bakit okey lang sa mga babae yung naglalabas ng cleavage. 'Tapos yung puwet, ayaw ipakita? Wala lang kasi akong nakikitang malice sa parteng 'yan," pahayag pa ng binata.
MALAYA NA! Humantad na rin ang girlfriend ni Raf na si Malaya Lewandowski, ang half-Polish, half-Pinay na star potential naman talaga, nang magkaroon ng presscon para sa April birthday celebrants na mga contract artist ng Star Magic.
"Matagal ko na siyang girlfriend, two and a half years na bale," sabi pa ni Raf. "Marami na ang nakakaalam ng tungkol sa kanya.
"Kaya lang siyempre, hindi pa siya formally pumapasok sa showbiz. She was just a VJ [videojock] for MYX North America. Ngayon lang siya nae-expose kaya marami na ang nagkakainteres sa kanya.
"Okey lang sa akin. I will be supportive. Kaya lang, nasa kanya yun, kung gusto talaga niyang mag-artista. Hindi ko naman siya pupuwedeng pigilan, kaya lang, gusto ba talaga niya?
"I also don't know. But, if she's decided on trying to do acting other than just being a VJ, that will be fine with me. Walang magiging problema sa akin," tuluy-tuloy na pahayag ni Rafael.
GETTING READY TO UNCOVER. Gumanda nang husto ang takbo ng career ni Raf mula nang matuto siyang magsalita ng diretsong Tagalog. Naghahanda na siya kasama pa ang ibang exciting hunks para sa Cover Boys Uncovered concert na gaganapin sa May 9 and 10, sa Music Museum. The other Cover Boys are Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Victor Basa, Jon Avila, John James Uy, Marvin Raymundo at Ron Morales.
Kasama rin siya sa cast ng When Love Begins kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong maka-close, kahit paano, ang aktor na si Aga Muhlach.