PMPC honors Rudy Fernandez as this year's Ulirang Artista awardee

IMAGE 0


Rudy Fernandez will be given the Ulirang Artista Award inthe upcoming 24th PMPC Star Awards for Movies in June.



Ang actor-producer na si Rudy Fernandez ang napili ngofficers and regular members ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc.ngayong taon, bilang recipient para sa isang natatanginggawad-pagkilala—ang Ulirang Artista Award.

Taun-taon ay ibinibigay ito ng nasabing entertainmentwriters' club tuwing sasapit ang kanilang Star Awards for Movies. It's Daboy'sturn to be recognized sa kanilang upcoming 24th PMPC StarAwards for Movies.

Mula sa iba pang mga naging nominado para sa Ulirang ArtistaAward (mga batikan at beteranong aktor at aktres), na-trim down angchoices of names for this year's awardee to a shortlist.

Hanggang sa nagkaroon na nga ng demokratikong delibrationamong the PMPC officers and members, just last week, at ang pangalan nga niDaboy ang nakakuha ng pinakamaraming boto.

Kabilang sa factors na kinu-consider ng Club taun-taon parasa mataas na karangalang ito ay ang body of work in film, credibility,various achievements as a film practitioner (actor or producer), good image,and reputation in local movie industry.

Ang past Ulirang Artista honorees ay sina Dolphy, EddieGarcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla, Armando Goyena, BootsAnson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, ArmidaSiguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon,Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Rosa Rosal, Mona Lisa, at Anita Linda.

DABOY'S FILMOGRAPHY. Lingid sa kaalaman ng karamihan,tatlong taong gulang pa lamang noong nagsimulang umarte sa pelikula si Daboy saLuksang Tagumpay (1956), na ang kanyang amang si Gregorio Fernandezang nagdirek.

Noong nagbibinata si Daboy, una siyang napanood sa SampaguitaPictures noon (isa sa early film contracts niya) sa pelikulang For YourMama (1970) at sinundan ng Sweet Matutina (1976).

Puro mga teenage parts ang ginawa niya after that, hanggangsa dumating ang pinakamalaking breakthrough niya bilang isang action star, ang Bitayin si Baby Ama (1976). Dito sumikat nang husto si Daboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwagi rin ang amang ito ni Mark AnthonyFernandez ng ilang Best Actor awards. Dalawa mula sa FAMASAwards para sa Batuigas: Pasukuin si Waway (1984 at VictorCorpuz (1987), at dalawa rin mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) para pa rin sa Batuigas at Birador noong 1998.

He also earned a number of Best Actor nominations sa FAMAS—Bitayin Si Baby Ama (1976), Anak Sa Una,Kasal Sa Ina (1981), Pepeng Shotgun (1981), Sumuko Ka,Ronquillo (1983), Lumuhod Ka sa Lupa (1987), Sandakot na Bala(1988), Ipaglalaban Ko (1989), Kaaway ng Batas (1990), TumbasanMo ng Buhay (1993), Matimbang Pa sa Dugo (1995), at Birador (1998).

Ang kanyang tatlong Gawad Urian Best Actor nominations namanay para sa mga pelikulang Pepeng Shotgun, Kaaway ng Batas, at Diskarte(2002). Sa huli ay nominado rin siya as Best Actor sa FAP.

Ang Diskarte at Hula Mo, Huli Ko ay mga last movies na nagawa ni Rudy, so far, dahil nga humina ang localaction films simula ng mga taong 'yon. Both films were released noong 2002.

Nakilala rin si Daboy sa pagbibigay-buhay sa pelikula ngilang controvesial figures. Ginawa niya ang Bingbong: The VincentCrisologo Story (1991), Markang Bungo: The Bobby Ortega Story(1992), Lagalag: The Eddie Fernandez (ama ni Pops) Story (1994),at Ping Lacson Story (2000).

Sa pag-lie low ng action films, nakalabas sa telebsiyon siRudy sa GMA-7 shows like Da Boy En Da Girl kasama si Rosanna Roces, TwinHearts, at ang telefantasyang Atlantika.

OTHER ACHIEVEMENTS. Remarkable din ang achievementsni Rudy bilang three-term president ng Kapisanan ng mga Artista ng PelikulangPilipino (KAPPT), at naging producer din ng ilang mga pelikula under his ownReflection Films, na nagbigay ng trabaho sa maraming taga-industriya.

Nito lang November 2007 ay ginawaran si Daboyng FAMAS ng Fernando Poe Jr. Memorial Award sa Le Pavillion, RoxasBoulevard, Manila.

The following month, December 2007 ay muling ipinagkaloob kay Daboy ang FPJ Lifetime Achievement Award, gayon din kay Director Celso Ad.Castillo, mula naman sa Luna Awards (bagong pangalan ng FAP Awards), sa ClubFilipino, Greenhills, San Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong 2008, it's PMPC's turn to honor RudyFernandez bilang recepient ng natatanging Ulirang Artista Award, isasa pinakamataas na karangalang iginagawad sa sinumang deserving na artista.

Produced by GARP Productions, ang 24th PMPC Star Awardsfor Movies ay gaganapin sa AFP Theater sa Quezon City this June.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN