Rica Peralejo refuses to comment on Piolo Pascual's new "inspiration"

May 1, 2008
"The reason why I don't want to answer anything about Piolo is because Piolo is a big person. Hot item! Natural, kahit na ano ang sabihin ko about Piolo, magiging malaki. So, mas mabuti na lang na tumahimik," explains Rica Peralejo about refusing to comment on Piolo Pascual's new inspiration.

Maituturing si Rica Peralejo na siyang pinakamatagal na na-link sa matinee idol na si Piolo Pascual. Marami rin ang nag-isip na mauuwi sa isang romantic relationship ang friendship nila.

But as we all know, up to now, tahasan pa ring sinasabi ni Piolo na for several years ay wala talaga siyang nagiging girlfriend. Same goes with Rica na still single pa rin and, as much as possible, hoping na whoever will be her next boyfriend would be her last.

Sa pangyayaring nagpahayag kamakailan si Piolo tungkol sa isang fellow church goer na natitipuhan diumano ng aktor, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ni Rica.

"Alam mo, sa totoo lang, tinanong din ako... TV crew, hindi na lang ako sumagot. Sa totoo lang, sumasagot ako ngayon if it concerns my life. But if it's concerning others, hindi na talaga," pag-iwas ni Rica.

Kibit-balikat lang ang isinagot ni Rica sa amin when we asked her kung aware ba siya sa sinasabing bagong girl na natitipuhan ngayon ni Piolo.

Continue reading below ↓

"Ewan ko!" sabay tawa ni Rica. "Siya ang tanungin n'yo, di ba? E, alam n'yo naman ako, hindi naman talaga ako showbiz."

Nasagot na rin daw ni Rica noon kung bakit hindi nauwi sa romantic relationship ang naging closeness nilang dalawa ni Piolo, aside from the fact marami ang naniniwala na siya yung "Princess" na tinutukoy noon ng aktor.

"Unang-una, the reason why I don't want to answer anything about Piolo is because Piolo is a big person. Hot item! Natural, kahit na ano ang sabihin ko about Piolo, magiging malaki. So, mas mabuti na lang na tumahimik," saad ni Rica.

SCHOOL LIFE. Hinggil naman sa kanyang career, talagang napagdesisyunan na raw ni Rica na hindi na maging kasing-busy tulad dati, simula nang magdesisyon siyang mag-aral sa Ateneo. Kaya ibang blessing daw nang dumating sa kanya ang pelikulang Caregiver ng Star Cinema. Bukod dito, ang morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda na talaga ang pinagkakaabalahan niya other than her schooling.

Continue reading below ↓

"It's definitely my choice," sambit niya. "Actually, after ng Pangarap na Bituin ko na-decide na I can't do it, kasi hirap talaga ako. Parang ano rin... More than the hirap if I do not focus on something, I will not achieve anything also. Magsa-suffer lang ang lahat."

Kinorek ni Rica ang PEP when we asked her kung inspirasyon ba niya ang nakababatang kapatid na si Paula Peralejo—na nagtapos kamakailan na magna cum laude sa University of the Philippines—sa kanyang pagbababalik-eskuwelahan.

"Like I've said, not an inspiration but an encouragement. A big factor dahil siya talaga yung nagpalakas ng loob ko na mag-aral."

Biro ni Rica, kung ang kapatid daw niya ay nagtapos bilang magna cum laude sa UP, siya naman daw ay ga-graduate ng: "Suma ako...suman!" tawa niya

"Hindi, sabi ko nga, now that I tell everyone that she's magna, everyone expects na we'll be the same. Although hindi naman ako nape-pressure, pero I just want everybody to know na hindi naman porke ganoon ang kapatid ko, ganoon din ako.

Continue reading below ↓

"Unang-una, nagtatrabaho pa ako," patuloy niya. "Siya hindi. Completely mag-aaral siya at ako na ang nagsasabi na mahirap ang working student. Kaya sa lahat ng working student sa buong mundo, sobrang bilib ako. Ang hirap talaga!

"Kaya ako, alam n'yo yung every time na mag-excel ako in something sa school, sobra-sobra ang pasasalamat ko. Parang, ‘Lord, kung wala ka, paano ko ito gagawin?" pahayag ni Rica who is an incoming second year student ng Creative Writing course sa Ateneo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The reason why I don't want to answer anything about Piolo is because Piolo is a big person. Hot item! Natural, kahit na ano ang sabihin ko about Piolo, magiging malaki. So, mas mabuti na lang na tumahimik," explains Rica Peralejo about refusing to comment on Piolo Pascual's new inspiration.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results