Heart Evangelista confirms breakup with Jericho; excited to work with Richard

by Erwin Santiago
May 2, 2008
New Kapuso star Heart Evangelista has finally admitted breakup with boyfriend Jericho Rosales (inset, top). She is now focused on her showbiz career and will, in fact, start taping her first soap with Richard Gutierrez (inset, bottom).

Sa ginanap na story conference para sa bagong action-drama series ng GMA-7 na Codename: Asero kahapon, May 1, inamin na sa wakas ng young actress na si Heart Evangelista na break na talaga sila ng boyfriend niyang si Jericho Rosales.

Matagal na kasing usap-usapan na break na o cool-off na sina Heart at Jericho, pero noong una ay itinatanggi pa ito ng young actress. Sa panayam nga sa kanya ni Nora Calderon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during her contract signing sa GMA Network last April 23, sinabi niya, "No, it's not true, kami pa rin ni Echo. Ako pa nga naghatid sa kanya sa airport when he left for Malaysia. Yun, hiwalay talaga kami kasi nasa Malaysia si Echo at nandito naman ako sa Pilipinas."

Pero biglang nag-iba ng tono si Heart sa panayam sa kanya ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central last Sunday, April 27. Nang tanungin siya ni Raymond tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jericho, ito na ang sagot niya:

Continue reading below ↓

"You know, si Jericho nasa Malaysia, I'm here in the Philippines, busy din ako. I'm going to do a soap with Richard [Gutierrez]. Right now, we're just doing our own thing. Yung career namin, inaasikaso namin. Kung magkita kami, magkikita kami. Pero I think matagal pa siya doon... More than two months yata siyang nandoon. Pagbalik niya, busy din siya, busy din ako. So, aayusin na lang namin, bahala na... Kung magkita kami, magkita kami. Kung hindi, then we'll just miss each other. But it's career first now."

Kahapon, sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel ng GMA News, inamin na nga nang tuluyan ni Heart na wala na sila ni Jericho.

Bagama't tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sa kanilang breakup, sinabi ng young actress, "There's a lot of things that we didn't get along with, a lot of things so..."

WORKING WITH RICHARD. Sa ngayon ay naka-focus sa kanyang career si Heart pagkatapos niyang pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7. Ang una nga niyang proyekto ay ang Codename: Asero kung saan makakatambal niya for the first time si Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

"Wala na akong ibang masabi kundi excited na ako talaga, e. So it's my first time to work with him and from the looks of it, mukhang okey naman siya," saad ni Heart sa panayam sa kanya ng GMA News.

Bago sila magsimula ng taping next week ay magkakaroon muna ng bonding time sina Heart at Richard para makilala nila nang husto ang isa't isa.

"Magkikita kami sa Batangas this Saturday [May 3]. There is a small event there. So we'll get to know each other before work," sabi ni Heart.

Sa susunod naman na linggo ay pupunta sila ng Dubai para sa ilang eksenang kukunan para sa Asero.

Ngayong parehong single and available sina Heart at Richard, malaki ang posibilidad na mahulog ang loob nila sa isa't isa, lalo pa't matagal silang magkakasama. Ano ang masasabi nila rito?

"I just wanna have fun, have a good time," nakangiting sagot ni Heart.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Richard, siya raw ang bahala kay Heart at nasa mabuting kamay raw ang dalaga.

"We'll make sure na sa set, masaya siya. Ang importante, makakalimutan niya lahat ng problema niya pagdating sa trabaho. Mag-e-enjoy kami, we'll be working hard," sabi ng young actor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso star Heart Evangelista has finally admitted breakup with boyfriend Jericho Rosales (inset, top). She is now focused on her showbiz career and will, in fact, start taping her first soap with Richard Gutierrez (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results