Jake Cuenca still mum about reported "final breakup" with Roxanne Guinoo

by Rose Garcia
May 3, 2008
"Siguro sa tamang panahon, sasagutin ko rin po ‘yan. Ako ang lalaki, so tama lang na ako ang sumagot. I will not give this responsibility to Roxanne na siya ang mahirapan," says Jake Cuenca when asked about the status of his relationship with Roxanne Guinoo (not in photo).

Pinabulaanan ng young actor na si Jake Cuenca ang balitang hindi siya tumutulong sa promotion ng concert ng kinabibilangan niyang all-male group na Coverboys, na gaganapin sa Music Museun on May 10. Wala kasi si Jake nang magkaroon ng presscon ang grupo.

Paliwanag ni Jake, natapat lang daw na may natanguan na siyang event ng kanyang uncle na si dating MTRCB Chairman Manoling Morato sa Bicol noong mismong araw na 'yon. In fact, after that, nag-stay pa rin daw siya ng ilang araw bago bumalik ng Manila para makapagpahinga na rin.

"Siyempre, tumutulong ako sa promo ng Coverboys concert, kami yun, e," sabi ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Concert namin yun and after that, magkakaroon pa kami ng series of shows sa Amerika naman. Nagkataon lang talaga na ngayon, kailangan ko rin buweluhin ang oras ko.

"After kasi ng Coverboys, magsu-shoot na ako ng movie for Star Cinema. Bale fast-track pa nga kasi after ng shooting, by June, ipapalabas na rin daw yata. Pero hindi muna ko magdedetalye about the movie. Siyempre, hangga't hindi pa nag-i-start, mahirap naman magsalita. Mas maganda kapag nandiyan na, yung siguradong-sigurado na."

Continue reading below ↓

Bagama't hindi nagbigay ng detalye si Jake, napag-alaman ng PEP na ang first movie project na gagawin niya sa Star Cinema ay isang suspense-thriller. Ibang Kapamilya young actress na rin ang magiging kapareha niya rito.

NEXT PROJECT AFTER PALOS. After ng Palos, may sinasabi raw na bagong series na gagawin ni Jake. Although tulad sa kanyang movie sa Star Cinema, ayaw muna raw niyang magkuwento about his next soap unless sure na sure na.

"Sabi, after ng movie, yung series naman ang susunod na gagawin ko. Siyempre, I'm hoping na matuloy lahat. Hindi naman kasi ako naniniwala hangga't hindi pa talaga nagro-roll [ang mga camera], ayokong nagse-set ng expectations," pahayag niya.

Aminado si Jake na nami-miss niya ang taping at ang mga nakasama niya sa Palos. Hindi raw niya iniisip na dapat ay mahigitan ng bagong project niya ang nakaraang series niya dahil lahat naman ng ginagawa niya ay kinu-consider niyang kakaiba.

Continue reading below ↓

"Sa akin naman kasi, lahat ng project ko, gusto ko na palaging humihigit," saad ni Jake. "Iba lang ang Palos. Ang saya-saya ko nang makuha ko yung project. Alam ko na whatever project I have in the future, lahat yun, nagsimula dahil sa Palos at maging sa Natutulog Ba ang Diyos."

Tiwala naman daw ang young actor sa ABS-CBN sa kung anong character or bagong project na ibibigay sa kanya. Dahil nakapag-drama at action na naman daw siya, gusto lang daw niyang talagang ma-prove ang versatility sa kahit anong field.

"FINAL BREAKUP." Siyempre, hindi na pinalampas ng PEP ang pagkakataon para itanong kay Jake ang tungkol sa napapabalitang "final breakup" nila ng ka-love team at girlfriend na si Roxanne Guinoo.

Aniya, "Well, basta po ang sa akin, ang alam ko, sinagot na naman niya ‘yan sa The Buzz a few Sundays ago. Sa ngayon, okay naman kami. Basta ang focus lang namin, trabaho."

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng PEP kay Jake na sawa na ang press at maging ang mga PEPsters na palagi niyang sinasabi na okay sila ni Roxanne. Tinanong namin si Jake kung bakit tila mahirap para sa kanyang direktang aminin kung totoo o hindi na break na naman sila.

Halatang nag-isip muna ito bago makaapuhap ng tamang sasabihin.

"Siguro sa tamang panahon, sasagutin ko rin po ‘yan. Ako ang lalaki, so tama lang na ako ang sumagot. I will not give this responsibility to Roxanne na siya ang mahirapan," pahayag ni Jake.

Nabalitang ang nag-trigger daw sa "final breakup" nina Jake at Roxanne ay nang magkasama sila sa Boracay noong Holy Week. Ayon sa report na lumabas, hindi na raw nakayanan ni Jake ang pagiging selosa ni Roxanne, to the point na pati ang mga fans ay pinagseselosan ng dalaga.

Pero mariiin itong itinanggi ni Jake. Aniya, "Hindi naman po dumating sa ganoon... Well, sa totoo lang, karaniwan na po sa babae, kahit sa lalaki, normal na nagseselos. Pero sa amin ni Roxanne, hindi naman major reason yung selos sa amin.

Continue reading below ↓

"Napakarami naming blessing sa trabaho, opportunity na ibinibigay ng ABS-CBN na dapat bigyan namin ng focus at atensiyon. Marami ring artista ang ABS-CBN, so it's really up to the actor to prove his worth. Kaya para sa akin, trabaho muna pong talaga," paliwanag ng young actor.

Recently, na-link kay Jake ang 2007 Bb. Pilipinas-World na si Margaret Wilson. Nakita raw silang magkasama sa Embassy bar at masaya raw ang binatang kasama ang actress-beauty queen. Ano'ng totoo rito?

"Oo nga, na-isyu nga raw yun. Pero sa totoo lang, ang daming tao sa Embassy that time. Pero alam n'yo, hindi lang ako at si Maggie ang nandoon. Kasama rin namin si Victor Basa. At saka si Maggie, dati pa naman kaming nagkakasama, dati pa kaming magkakilala dahil iisa lang ang manager namin. Para na kaming magkapatid. I think, everything was blown out of proportion lang.

"Inamin ko rin naman sa isang interview ko na I enjoyed that night. Minsan lang akong nakalabas at kasama ko ang mga old and new friends. Pero kahit ganoon, hindi ko naman planong gawin ang paglabas-labas on a regular basis. The issue with Maggie is not true. Tagal ko nang kaibigan yun at para ko na siyang kapatid," pagdidiin ni Jake.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jake Cuenca, Roxanne Guinoo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro sa tamang panahon, sasagutin ko rin po ‘yan. Ako ang lalaki, so tama lang na ako ang sumagot. I will not give this responsibility to Roxanne na siya ang mahirapan," says Jake Cuenca when asked about the status of his relationship with Roxanne Guinoo (not in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results