Drs. Manny and Pie Calayan determined to fight former patient in court

by Nerisa Almo
May 5, 2008
"It's not the same. I have erection problem, it's uncomfortable pain, and it's swollen beyond belief." These were the complaints of Louem Martinez, a patient who had undergone penile enlargement surgery under Dr. Manny Calayan.

Tuloy pa rin ang usapin ukol sa kasong isinampa laban sa mag-asawang cosmetic surgeons na sina Dr. Manuel "Manny" Calayan and Dr. Rosario "Pie" Calayan.

Iniulat noong Biyernes, May 2, sa 24 Oras na isang pasyente ang nagreklamo laban sa dalawang doktor matapos magkaroon ng hindi magandang resulta ang isinigawang penile enlargement sa kanya ni Dr. Manny.

Nag-file ng P26-million lawsuit ang complainant, na nagpakilalang si Louem Martinez, laban sa dalawang doktor para sa kasong "commission of estafa and reckless imprudence resulting to serious physical injury as well as obstruction of justice."

UNSUCCESSFUL OPERATION? Ayon sa complainant, bagama't siniguro siya ng doktor na safe ang operasyon na gagawin sa kanya noong September 25, 2007, ang "aqua gel" na inilagay ni Dr. Manny sa maselang parte ng kanyang katawan bilang "derma filler" ay hindi nagresulta ng penile enlargement. Ayon sa kanya, nagdulot pa diumano ito ng sobrang sakit at deformity sa kanyang ari.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng Showbiz Central na ipinalabas kahapon, May 4, sinabi ni Louem na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na malaman kung anu-ano ang mga risk na kaakibat ng operasyon.

Aniya, "Yung sinasabi niya [Dr. Manny] na ini-inform niya ako ng risks, hindi. Ina-assure niya ako na na, ‘Ako'ng bahala. Ang dami ko nang ginagawa, walang mangyayari sa 'yo.' At saka yung waiver na sina-sign ko, hindi ko nga nabasa kasi minamadali na ako sa operation. Yung secretary niya ang nagbigay sa akin, sabi niya, ‘I-sign mo lang 'to.' Wala na akong time makabasa."

Pinabulaanan naman ito ni Dr. Manny sa kopya ng kanyang isinumiteng counter-affidavit na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ayon sa doktor, ipinaliwanag niya nang maayos sa pasyente ang gagawing operasyon sa kanya.

"I carefully explained to the Complainant the nature and effects of the operation as well as the risks, ramifications and complications involved in the surgical procedure, including the possibility of penile deformity in the event that the instructions of the surgeon are not carefully followed," pahayag ng cosmetic surgeon sa kanyang dokumento.

Continue reading below ↓

NO SEX ALLOWED. Matapos ang operasyon, ayon kay Dr. Manny, ipinaliwanag niya kay Louem ang mga bawal at mga dapat gawin sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Isa na rito ay ang pag-iwas sa pakikipagtalik sa loob ng isang buwan.

Inulit pa ito diumano ng doktor nang magbalik ang pasyente sa kanya noong October 1, 2007 upang tanggalin ang dressing at sutures sa inoperahang parte ng katawan ng pasyente.

Ngunit sumagot diumano si Martinez ng, "E, doc, naman! Tatlo-tatlo ang girlfriend ko. May Pinay, may Amerikana, at may Brazilian. Mahirap ang walang sex."

Ayon sa counter-affidavit ni Dr. Manny, "Despite the strong sexual urge of the Complainant, I strongly advised him not to engage in any sexual activity to enable his penis to completely heal and for the success of the surgical procedure. I also advised him to get in touch with me immediately in case of any problem and to go back to the clinic."

Continue reading below ↓

Ito na diumano ang huling pagkakataong nagkita sina Dr. Manny at si Martinez. Kaya naman, ayon sa doktor, "I was surprised to receive a letter dated November 19, 2007 from the lawyer of the Complainant informing me of his complaints on the outcome of the surgical operation and the alleged deformity on his penis."

SUING DR. PIE CALAYAN. Isa pang isyu na lumalabas sa kasong ito ay ang pagkakadamay ng asawa at business partner ni Dr. Manny na si Dr. Pie Calayan.

Mariing idinepensa ng doktora na hindi siya dapat kasama sa kaso dahil hindi naman niya nakita ang pasyente at hindi rin siya kasama sa mismong operasyon na isinagawa sa kanya.

Sa kopya ng counter-affidavit ng doktora na nakuha ng PEP, nakasaad dito na, "I have never met the Complainant nor did he ever approach to consult me on any of his medical concerns while he was at the clinic. Neither did I approach him to offer any of the services that the Calayan Surgicentre provides to its clients.

Continue reading below ↓

"In addition, I did not participate in any of the medical procedure performed on the Complainant. Nor did I give any opinion or medical advice to the Complainant in connection with his medical concerns."

Bunsod nito, inakusahan ni Dr. Pie si Martinez ng "crimes of perjury and unjust vexation."

Ayon sa affidavit, "The Complainant instituted this malicious criminal complaint knowing fully well that it is utterly bereft of any factual and legal basis."

NO MORE ADS. Kasunod ng pagsasampa ni Martinez ng kaso laban sa mag-asawa, kapansin-pansin diumano na nawala na rin ang advertisement ng nasabing operation sa kanilang operasyon.

Itinanggi naman ito ni Dr. Manny sa telephone interview niya sa Showbiz Central. Aniya, "Hindi ko inaalis 'yan at ginagawa ko pa rin hanggang ngayon kasi I know that the procedure is safe. And siya pa lang ang nag-complain ng ganyan sa lahat ng dinami-rami kong pasyenteng ginawan ng ganyan."

Continue reading below ↓

"SEE YOU IN COURT." Sa mga pangyayaring ito, nanatiling matibay ang magkabilang panig sa pagpapatuloy ng kani-kanilang mga naisampang kaso.

Paliwanag ni Dr. Manny sa Showbiz Central, "Ang masasabi ko lang, ginawa ko ang lahat ng aking magagawa as a doctor. Sinunod ko ang Hippocratic oath namin as a doctor at alam kong safe ang ginagawa ko.

"Sa tinagal-tagal ba naman ng practice ko, sa dinami-dami ko nang pasyente na wala naman akong naging problema. Basta lahat ng pasyenteng sinasabihan ko, ‘Huwag lang kayong matigas ang ulo, wala tayong magiging problema.' Bakit ako matatakot? I'll fight it all."

Ganito rin naman ang determinasyon na ipinakita ni Martinez nang makapanayam siya ng Showbiz Central. Bagama't may pagsisisi, handa naman diumano siyang lumaban para sa kanyang dignindad.

Ito ang kanyang mensahe para sa doktor, "Doctor Calayan, you know what happened, you know what I said. So, be a man, stick with the facts, okay, and stop the fiction. And I will see you in court, and I'm not afraid of you at all, not a single bit so I will see you in court."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's not the same. I have erection problem, it's uncomfortable pain, and it's swollen beyond belief." These were the complaints of Louem Martinez, a patient who had undergone penile enlargement surgery under Dr. Manny Calayan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results