Lotlot de Leon opens up on feud with ex-mother-in-law Pilita Corrales

May 5, 2008
Finally and legally done with her marriage to co-actor Ramon Christopher, Lotlot de Leon addressed her parents, Nora Aunor and Christopher de Leon, on the sad turnout of her marriage. "I never wanted to be a disappointment to my parents and they know that I tried," said Lotlot to The Buzz host Boy Abunda when she sat as studio guest yesterday, May 4.

Ngayong officially annulled na ang kasal nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ay hindi ring maiwasan na muling maungkat ang matagal nang napapabalitang alitan sa pagitan ni Lotlot ang ng ina ni Monching (Ramon Christopher's nickname) na si Pilita Corrales.

Matatandaang bago pa man tuluyang maghiwalay ang mag-asawa ay matagal nang usap-usapan na hindi talaga in good terms ang magbiyenan bunga na rin diumano sa pagiging "overprotective" ni Pilita sa anak na lalaki.

Lalo pang umalat ang relasyon sa pagitan nina Lotlot at Pilita nang magdesisyon ang una na hiwalayan si Monching. Nakapagbitaw raw ng mga maaanghang na salita si Pilita laban kay Lotlot.

Sa isang taped interview na ipinalabas sa The Buzz kahapon, May 4, naging candid naman si Pilita sa pagsasabing hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap ni Lotlot.

"She hasn't spoken to me dahil galit talaga siya sa akin," diretsong pahayag ni Pilita. "I don't know why. Pero wala naman akong kagalit sa mundo, siguro siya lang ang may galit sa akin. Pero if it makes her happy, no problem."

Continue reading below ↓

Kaugnay naman sa ibinabang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court noong April 24, kung saan idineklarang null and void ang March 27, 1989 wedding nina Monching at Lotlot dahil sa pagiging underage ng huli, ay nagpahayag naman ng pagkagalak si Pilita.

"I'm very happy because now, finally Monching can move on and she can move on [Lotlot]. Monching is happy now and I hope that she's also very happy. I hope na she also finds her own happiness."

MAKING PEACE WITH MAMITA. Samantala, muli naman nagpahayag ng kanyang saloobin si Lotlot tungkol sa hatol ng korte. Naiintindihan din daw niya kung sakali mang maging malungkot ang mga anak nila ni Monching ngayong pormal na ang kanilang hiwalayan.

"Siyempre mahirap 'yan para sa mga bata. Kasi nga, ako ilang taon akong... Kahit noong medyo teenager na kao, nag-i-expect pa rin ako na sana maging maayos na ‘yong daddy ko [Christopher de Leon] ko at mommy ko [Nora Aunor], pero you come to realize na they're better off apart and they deserve so much more," paliwanag ni Lotlot kay Boy Abunda sa The Buzz.

Continue reading below ↓

Bagama't pinilit ni Lotlot na hindi umiyak ay bumigay din ito nang tanungin ni Boy kung may kinikimkim ba siyang sama ng loob kay Pilita.

"Hindi po ko galit sa kanya," sagot ng aktres kasabay ng pagbagsak ng luha nito.

"Nasaktan lang talaga ko kasi umalis ako ng bahay na walang dala. Umalis ako limang daan ang pera ko, P500, I rented a house, ang kasama ko si Matet [her younger sister]. Nangutang ako kay Tita Angge [Lotlot's manager] and para sabihin na... Siyempre, I practically grew up with Mamita [Pilita Corrales's nickname] and I know that whatever she says is because she loves Monching very much, and that I respect. Sino ba ang hindi magmamahal na ina sa anak?" patuloy nito.

Inamin ni Lotlot na labis siyang nasaktan sa mga binitawang salita ng dating biyenan at sa mga pag-aakusa diumano nito sa kanya noong kasagsagan ng hiwalayan nila ni Monching.

Continue reading below ↓

"I was expecting, since I was married to Monching for 13 years, kahit papaano kilala niya ako bilang tao. At para marinig ko from her na nanlalaki ako o gusto kong mag-asawa ng mayaman, masakit para sa akin ‘yon," kumpisal ni Lotlot.

"But you know, I have learned to move on. I have learned to accept the fact na mahal na mahal lang talaga niya si Mon. And because of that and because of the love that she gives my children, okay na sa kin ‘yon. Di bale na ako, okay lang ako, kaya ko naman, e. Okay lang."

Nilinaw ni Lotlot na wala siyang balak na pumasok ulit sa intriga lalung-lalo na ang kalabanin si Pilita in public, "It's just that para lang din siguro maintindihan ninyo why it pains me na naging ganoon ‘yong relasyon ko with Mamita."

Pero naniniwala pa rin si Lotlot na maaayos din ang lahat sa kanila ni Pilita. May panahon naman daw para sa lahat, 'ika nga ng aktres, "In God's good time."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Finally and legally done with her marriage to co-actor Ramon Christopher, Lotlot de Leon addressed her parents, Nora Aunor and Christopher de Leon, on the sad turnout of her marriage. "I never wanted to be a disappointment to my parents and they know that I tried," said Lotlot to The Buzz host Boy Abunda when she sat as studio guest yesterday, May 4.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results