Dingdong Dantes and Angelica Panganiban, new endorsers of shoe brand

by Rose Garcia
May 6, 2008
Kapamilya leading lady Angelica Panganiban and Kapuso heartthrob Dingdong Dantes work together for the first time as the newest celebrity endorsers of Mario D'Boro.

Sa June pa ang official launching ng dalawang bagong celebrity endorsers ng shoe brand na Mario D' Boro—sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban. Pero nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isa sa mga litrato sa ginanap na pictorial para sa unang pagsasama ng prized talent ng GMA-7 na si Dingdong at isa naman sa top leading ladies ng ABS-CBN na si Angelica.

Nagawa ngang pagsamahin ng naturang shoe brand ang dalawang exclusive stars ng magkalabang TV networks sa isang endorsement. Mukhang ang imposible noong mangyari na pagsamahin ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 dahil sa network war ay nagiging posible na ngayon dahil na rin sa advertisers. Magaling na strategic move ito ng mga advertiser dahil nakukuha nila ang audiences ng dalawang network.

Ang pictorial nina Dingdong at Angelica ay ginanap last month sa studio ng photographer na si Ronnie Salvacion.

Aminado ang dalawang young stars na nagka-ilangan sila sa umpisa since first time nga nilang magkasama. Pero hindi nagtagal ay naging kampante rin ang dalawa at naging close sila. Hindi raw akalaian nina Dingdong at Angelica na darating ang pagkakataong magkakatrabaho sila sa isang proyekto.

Continue reading below ↓

Kagabi, May 5, ay nakausap ng PEP si Dingdong. Nabanggit ng young actor na starstruck siya kay Angelica nang magharap sila sa pictorial. Nagkikita na raw sila noon sa ilang showbiz gatherings, pero noon lang daw niya nakita nang malapitan at nakausap nang personal si Angelica.

Samantala, pareho namang in demand si Dingdong at ang leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera sa mga advertiser. Last week ay ni-launch si Marian bilang endorser ng isang spa, kasama ang top leading man ng ABS-CBN na si Piolo Pascual.

Bukod sa mga endorsements ngayon nina Dingdong at Marian, marami pang naka-lineup na product ads ang magkapareha. In fact, sa part ni Dingdong, sa June ay hindi lamang ang Mario D' Boro with Angelica for print and billboard ang lalabas sa kanya. May isa pa siyang endorsement with TVC (television commercial) na lalabas next month.

Balitang halos every month, may bagong product endorsements si Dingdong na siguradong ikakagulat ng marami. Kung napakarami na nga raw nabonggahan sa Bench campaign ni Dingdong, nakarating sa PEP mas bongga pa raw ang mga susunod na endorsements ng actor. Pero yun nga lang, hangga't hindi pa official na lumalabas ay hindi pa puwedeng banggitin.

Continue reading below ↓

Pero kasama raw sa endorsement ng young actor ay ang isang produkto ng isang malaking kumpanya na dating ini-endorse ng isa pang hottest young actor ngayon.

Kung si Dingdong ay may Dyesebel, si Angelica ay malapit na ring mapanood sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, kung saan kasama niya sina Gabby Concepcion, Claudine Barretto, at Diether Ocampo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya leading lady Angelica Panganiban and Kapuso heartthrob Dingdong Dantes work together for the first time as the newest celebrity endorsers of Mario D'Boro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results