Ogie Alcasid's wild days are over, can't cheat on darling Regine

May 7, 2008
"Hindi lang sa makokonsiyensiya ako, it's more than that. And sa ngayon, ang lagi kong kasama ay si Bitoy [Michael V.], hindi na si Janno [Gibbs]. Ha-ha-ha-ha! Hindi, biro lang iyon, biro lang," jokes Ogie Alcasid as he answers questions about his future projects, his being "naughty" and his girlfriend Regine Velasquez.

Bakas ang kasiyahan at fulfillment sa songwriter-actor na si Ogie Alcasid nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last night, May 6, sa Music 21. Isa siya sa mga bisita sa birthday celebration ng katotong si Archie de Calma.

ALBUM AND CONCERT. Bukod sa abala ang TV host-singer sa shows niya tulad ng Bubble Gang, SOP, Pinoy Idol, at The Big Show (every day bago mag-Eat...Bulaga!),inaayos na niya ang kanyang latest album at ang big concert niya sa Araneta Coliseum sa September 27.

"Sa last week of May ang labas ng album ko, sa UR [Universal Records] muna ‘yon. Na-request kasi ako ng UR. Hindi ko muna sasabihin kung anong klaseng album. Gusto nila surprise, e. But it's one album that I'm very, very proud of. Ang sarap-sarap niyang pakinggan. Malalaman n'yo na lang paglabas.

"Iyong concert naman, 20-20 ang title. Musical director si Gerald Salonga, directed by Rowel Santiago and my guests are Piolo Pascual, at... ito yung confirmed na so far, Regine Velasquez, Janno Gibbs, Jaya, and yung iba, hindi ko pa nako-confirm. But these are people that I've worked with, either I've written songs for or collaborated with," panimulang saad ni Ogie.

Continue reading below ↓

Bakit 20-20 ang napili niyang title for his concert?

"Kasi, 20 years na ako sa showbiz and hindi ba kapag sinabi mong 20-20, malinaw ang vision mo? Parang ganoon, e. Ngayon kasi malinaw na ang lahat," esplika pa niya.

SONG AFTER SONG. Bakit kaya mula nang maging sila ni Regine, mas sunud-sunod ang paggawa niya ng magagandang kanta?

"Naging inspirado rin tayo ngayon. Parang ang dali sa aking gumawa ng kanta. Ang problema ko lang, nahihirapan akong gumawa ng malungkot na kanta, pero nakakagawa pa rin naman.

"Happy ako na sunud-sunod yung mga ginagawa kong kanta, like, lumabas yung sa Lobo theme song. I like that one. And meron din akong ginawang kanta for Urduja [ang animation film na nagtatampok kina Regine at Cesar Montano]. Yung CD niyon, ilalabas namin sa I Music, the title of which is Babae Ako. Yun iyong theme song ng film. Ako ang gumawa ng music, ang lyrics naman ay kay Joey de Leon.

Continue reading below ↓

"And then, yung kay Judy Ann Santos na Ploning, ako rin ang gumawa niyon. Iyong kay Sharon Cuneta na film, iyong Caregiver, nag-submit ako ng dalawang kanta, hopefully ay ma-approve."

NO TOURS ABROAD. Gaano na ngayon ka-complete ang buhay niya with Regine?

"I cannot ask for anything more, hindi lang doon sa aspeto ng romantic life ko, kundi sa aspeto rin siguro ng personal life."

Nasabi rin niyang hindi muna magbibiyahe ngayon para sa mga shows abroad.

"Hindi muna ako aalis. Kasi ayaw ko rin, e. Dahil ‘pag umaalis ako, nami-miss ko talaga yung Philippines. Of course, nami-miss ko rin si Regine. At saka hirap ako sa aspeto na inaalala ko yung shows [S.O.P. Bubble Gang, Big Show], kung ano na ang nangyayari, you know. Although okey sa akin yung mag-tour, kasi iba rin yung audience sa abroad kapag nagpe-perform ka. Ang ganda ng pagtanggap sa iyo, and I've been going for the past four or five years. Kaya medyo tinigil ko muna para medyo ma-miss naman ako ng mga kababayan natin."

Continue reading below ↓

End of May ay magtutungo sa U.S. si Regine para sa dalawang linggong pagtatanghal doon. Inamin ni Ogie na nami-miss niya ang Asia's Song Bird kapag nagkakahiwalay sila.

"Ang ginagawa ko, isinusubsob ko na lang ang ulo ko sa trabaho. At saka minsan, lumalabas ako with the boys. Meron kasi akong mga barkadang nagpo-poker, isa riyan si Boy 2 [Quizon]. So, doon ko na lang dinadaaan, para hindi ko naiisip si Regine."

A WISER OGIE. Hindi ba siya natutukso sa iba kapag nagkakalayo sila ni Regine?

"Hindi na rin, pero sila ang natutukso sa akin– hindi joke lang iyon," pahalakhak na saad niya. "Wala na. Panahon na ng mga bagets ngayon, e. Minsan kapag nakikita ko yung mga bata, yung mga gimmick nila... alam mo ‘yon?

"Sabi ko nga, pagdating mo ng 40, you're wiser. You give more importance to what is really important. Hindi yung mga panandaliang kung ano man iyon. Hindi lang sa magulo yung ganoong bagay, it's not worth your time ‘di ba? And kasi yung karma, darating iyan kahit in a different form. Isa pa, kapag mahal mo kasi ang isang tao, ayaw mong saktan ‘di ba?" mahabang paliwanag niya.

Continue reading below ↓

"Aaminin ko, siguro in the years of my life... hindi naman tayo perpektong tao. Pero I mean, alam ko na walang kahihinatnang tama iyan e," dagdag pa ng singer-actor.

Nagkaroon ba siya ng wild days noon?

"Hindi naman yung wild talaga. Basta yung tipong...cute pa rin. Ha-ha-ha-ha!"

How about yung "naughty" side ni Ogie?

"Oo, definitely, may 'naughty' side din ako. Hindi ka naman magiging artista kung hindi ka naughty, ‘di ba? I think it's part of being an artist. Yung tipong kalog ka or medyo may kalandian ka, hindi rin maaalis iyon e."

Pero yung tipong naughty and adventurous sa opposite sex, naranasan din ba niya ‘yon noon?

"Paano? Yung sa sex? Nagpi-flirt and one-night stand?" sagot-tanong niya sa amin. "Siguro noong binata pa ako, ha-ha-ha-ha!" nakatawang pagpapatuloy niya. "Pero ngayon, definitely hindi na puwede talaga. Graduate na ako riyan. Hindi lang more careful, talagang hindi na. Kasi, kapag naiisip ko yung kabaitan ng aking darling [Regine], hindi ko magagawa yun, e.

Continue reading below ↓

"Hindi lang sa makokonsiyensiya ako, it's more than that. And sa ngayon, ang lagi kong kasama ay si Bitoy [Michael V.], hindi na si Janno [Gibbs]. Ha-ha-ha-ha! Hindi, biro lang iyon, biro lang," masayang paliwanag pa niya.

Kagaya ng iba pang mga nag-interbyu kay Ogie, tinanong din ng PEP kung kailan nga ba ang kasal nila ni Regine.

"Well, hindi ko masasabi dahil hindi ko hawak iyan. Inaasahan ko... ipinagdarasal ko, na sana ay maayos sa lalong madaling panahon. Hindi ko kontrolado ang situwasyon at hindi naman ako magsisinungaling sa nararamdaman ko. Siyempre, gusto ko na as soon as possible ay maayos na iyan. Pero may awa ang Diyos," nakangitng pagtatapos na niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi lang sa makokonsiyensiya ako, it's more than that. And sa ngayon, ang lagi kong kasama ay si Bitoy [Michael V.], hindi na si Janno [Gibbs]. Ha-ha-ha-ha! Hindi, biro lang iyon, biro lang," jokes Ogie Alcasid as he answers questions about his future projects, his being "naughty" and his girlfriend Regine Velasquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results