Sharon Cuneta narrates joys and sacrifices in filming "Caregiver"

May 15, 2008
"One thousand percent, sinasabi ko lagi ‘yan, ang increase ng respeto ko sa kanila [OFWs]. Walang panama ang hirap ng buhay ko sa hirap ng buhay na dinadanas nilang lahat. I was there [London] for three weeks. I did what they do every single day, several times a day for a few times lang, and I had a very hard time living for three weeks in an unfamiliar country and in conditions that my body is not used to," relates Sharon Cuneta about realistic acting i

Kasabay ng 30th year ni Sharon Cuneta sa showbiz, ipinagmamalaking inihahandog ng Star Cinema ang pagbabalik ng Megastar sa big screen sa pamamagitan ng Caregiver. Ang naturang pelikula rin na kinunan ang malaking bahagi sa London ang 15th year offering ng Star Cinema.

Apat na taon na ang nakalilipas nang ipalabas ang huling pelikula ni Sharon, ang critically-acclaimed na Crying Ladies mula sa Unitel Films. Kaya nanibago raw si Sharon sa paggawa ng pelikula.

"I didn't realize how much I had missed making movies hanggang ginawa ko ito. [Noong una] nga akong binigyan ng call slip, sabi ko, ‘Call slip!' Para kasing first movie ko since December 2003, since Crying Ladies.

"But thank God, nung umalis ako, hits naman yung iniwan ko—Walang Kapalit, Kung Ako na Lang Sana, at Crying Ladies. So parang ang bait ng Diyos after. Akala ko, 'May project pa ba na magagawa na hindi ko pa nagagawa?' Yun pala, may ganito pa," excited na sabi ni Sharon nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng pictorial niya para sa Caregiver last Tuesday, May 6, sa The Fort.

Continue reading below ↓

HEART & SOUL. Isa kami sa mga unang nakapanood ng full trailer ng maituturing na comeback movie ni Sharon. Kapansin-pansin na punung-puno ng puso at kaluluwa ang ibinigay ng Megastar sa kanyang pelikula.

"Di ba? I didn't expect that, e," sambit niya. "No, as God is my witness talaga, dati naman napa-proud ako sa movies. Pero hindi ako naiiyak kasi yung nagta-tighten yung chest ko kasi proud na proud ako sa pelikulang ito. Parang ang feeling, I'm not just an actress in this movie, I am representing all the OFWs [Overseas Filipino Workers], yun ang feeling ko.

"I made it my burden kahit hindi. Kahit ayaw nilang ibigay sa akin, aakuin ko para mabigyan ko ng justice at honor ang pelikulang ito. Mabigyan ko ng atensiyon na tama... Ang hilig nating magsabi ke 'bagong bayani', 'bagong bayani'...hindi naman natin dinidibdib.

"One thousand percent, sinasabi ko lagi ‘yan, ang increase ng respeto ko sa kanila [OFWs]. Walang panama ang hirap ng buhay ko sa hirap ng buhay na dinadanas nilang lahat. I was there [London] for three weeks. I did what they do every single day, several times a day for a few times lang, and I had a very hard time living for three weeks in an unfamiliar country and in conditions that my body is not used to. Kasi we live here in the tropics, di ba?

Continue reading below ↓

"I lived for a year in Boston, pero grabe ang lamig sa England!" patuloy ni Sharon. "Tsaka in one day, mae-experience mo halos four seasons, ganun ka-unpredictable. Kulang na lang snow every day.

"Tapos yung shooting schedule, the demands of the schedule... And understandable kasi London is a very expensive city. You have to understand na ang production, you're ambitious enough to mount a project na ganito kalaki and there's a project of course na allocated, di ba, na stressful. Pero you don't really know how it feels to really work within all those parameters na until you're going through the thing itself.

"So, yung lamig, yung lungkot, 'tsaka umutang kami ng tulog. I had one day- off in three weeks. And minsan, nakawan talaga ng tulog. Just two to three hours sleep a night. Masuwerte na maka-four hours. Kadalasan, sa van na yung tulog. Kapag may break, magna-nap ka muna. Natuto nga akong mag-catnap. Tapos, parang ang dikit-dikit ang pusod naming lahat—sina Rica [Peralejo], sina John [Estrada]... Grabe talaga, hindi madali ang mga eksena."

Continue reading below ↓

BRITISH CAST. "And for the first time in Philippine movie history, meron tayong non-Filipinos who actually have major roles in a Filipino movie. Kasi ayaw ni Direk Chito [Rono] nung ‘Aba, kung kayu-kayo rin naman pala ang mag-uusap at gusto mo lang magpakita ng postcard, excuse me!' Meaning, para kang travel show, di ba, huwag na tayong umalis. So, if you're going there, what did the caregivers do there? They take care of people who are based there, who have lived there all their lives. So, we have to incorporate.

"And they auditioned 20 to 30 actors for every role. And there are two major roles ng British actors. Yung alaga ko na si Mr. Morgan kunyari at yung anak niya na si David. Tapos may kapatid pa yun, si Margaret. Meron pang butler, meron pang housekeeper, tapos mayaman, marami... Magugulat kayo.

"Even our lines, yung mga dialogue, nagsasangguni kami sa kanila. Kasi ayaw ni Direk Chito na 'pag napanood ng mga British mismo, baka pagtawanan. Hindi naman ganyan magsalita. We were really dependent on them for dialogues, to make it sound more British. Ang katulong talaga namin ay mga caregivers talaga na Pinoy doon. Dalawang nursing homes ang pinagtrabahuan namin," mahabang kuwento ng Megastar.

Continue reading below ↓

May dalawang scenes sa trailer ng Caregiver kung saan ipinakita na kinagat si Sharon ng isang British actor at naghugas siya ng puwet.

"Oo, nasa eksena naman yun," sabi ni Sharon. "Lahat ng ginagawa, siyempre akting naman yun, hindi naman mangangagat. Kung meron man, hindi naman masakit. Parang nananakal ka sa pelikula, pero hindi mo naman tutuluyan yung sinasakal mo, yung ganun.

"These are real actors, itong mga kinuha namin. They were also auditioned. So they had roles. Everybody na umaakting doon, hindi biro yun. Kaya kahit yung pasyente ko, artista yun. Like yung nasa trailer, si ‘Lily, I'm going to take care of you from now on.' She appeared on several films. Nagta-talent siya like sa Bridget Jones' Diary, yung ganun. Meron silang ganun.

"Mga other co-stars sa movie na si Matthew, who plays the role of David, appeared in Kingdom of Heaven. He had speaking lines with Orlando Bloom. Kahit kapiraso lang, sabi ko, ‘But you are hundreds in the cast, you should not really...' Parang hindi dapat maliitin yung ilang segundo ka sa screen.' Dyusko, sa dami ng daang-daang tao doon! They are really working actors."

Continue reading below ↓

SHARON AS CAREGIVER. Paano ginawa yung eksenang naghugas siya ng behind ng British actor?

"Siyempre, may technique naman. May pang-pelikula naman talaga na technique. Siyempre, ayaw mo naman ma-expose ang ilang private parts ng pasyente, nung isang artista. Pero tastefully done lahat!" tawa niya.

Patuloy ni Sharon, "Funny to say tastefully done, pero necessity yun, e. It was necessary to show kasi kasama yun sa pinapaghirapan.

"Kasi ang role nung character ko, teacher siya, e. English teacher siya. Kaya marunong siyang mag-English, ‘no! English teacher siya sa Pampanga, kung saan ang asawa niya lumaki at nakatira. Tapos nauna ang asawa niya doon [London] na nurse na. So parang ano siya, ayaw niyang umalis dahil mapu-promote na siya as English Department Head. Kaso, gusto ng asawa niya sumunod siya doon. Napilitan siya mag-caregiving course dito tapos tumuloy doon.

"Tapos yung dynamics ng mag-asawa, nasa ibang bansa. O kung may nagbago ba, may nag-improve ba? Ang daming pangyayari... Yung anak ko naiwan, nakilala ko naman si Makisig [Morales] na ang mommy niya si Ima Castro, who is based there doing Miss Saigon, na kunwari nag-asawa ng isang British at pinababayaan siya [Makisig] dahil hindi naman siya tunay na anak kaya napapahamak. Kaya siya yung naging anak-anakan ko. Ang daming relationships ng character ko."

Continue reading below ↓

NO MEGASTAR TREATMENT. May Megastar ba sa mahusay na direktor niyang si Chito Roño?

"Ay, wala!" maagap na sagot ni Sharon. "Hindi uso sa kanya yun. Walang Star for All Seasons sa kanya, wala ang Mega-Mega. Actually, the truth be told, sa mga direktor natin, lahat ng direktor na nakatrabaho ko kapag nasa set kayo, it's understood that the director's... Not for anything, kahit si Rowell [Santiago] noon, direktor ng show ko, yung Sharon, and everybody knows that he was may boyfriend before, yung puwedeng-puwedeng pinakasalan ko...all those things. Pero 'pag trabaho na, pinu-po ko siya. You have to set limitations.

"Nung na-realize kong parang there was a time nung early on, parang masyadong familiar kay Rowell, nakakahiya pala. Baka hindi maintindihan nung iba. So then, I realized na there are other people here, hindi lang ako, nakakahiya kay Rowell. That's when I really started showing respect at nakikita nila 'pag trabaho, 'Yes, Direk. Opo, Direk.'

Continue reading below ↓

"Ganun din sa iba kong direktor, specially kay Direk Chito. Lovable siya talaga. Funny ‘pag off-cam. Pero ‘pag trabaho na talaga, para siyang teacher na terror. Lagi kong sinasabi na parang lagi kang manginginig, maiiyak ka. Pero kapag pumasa ka, ang fulfillment, ang yabang mo. 'Bakit, kaya ninyo yun?'" tawa ng Megastar.

"Pero may appreciation," dugtong niya. "One time, 'Uy, nahuli kitang nagka-clap, Direk.' Ginaganun ko siya. Tinext ko si Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director]. 'Clap, clap ang director ko. Nakita ko siya.' Tapos ‘pag titingin ako, itatago niyang ganun. Tapos tatawa lang siya, yung ganun."




Trailer courtesy of Star Cinema

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Chito Rono
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"One thousand percent, sinasabi ko lagi ‘yan, ang increase ng respeto ko sa kanila [OFWs]. Walang panama ang hirap ng buhay ko sa hirap ng buhay na dinadanas nilang lahat. I was there [London] for three weeks. I did what they do every single day, several times a day for a few times lang, and I had a very hard time living for three weeks in an unfamiliar country and in conditions that my body is not used to," relates Sharon Cuneta about realistic acting i
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results