Jolina Magdangal's mobile home!

May 16, 2008
This is Jolina's Cevrolet BTouring Cruiser. A lean, mean, touring machine. (Hi! July 2007 issue)

Pitong taon nang driver ni Jolens si Mang Ramon at buong pagmamalaking sinabi sa amin ni Mang Ramon na si Jolens lang ang may sasakyang tulad ng minamaneho niya ngayon dito sa Pinas. Ang Chevrolet BTouring Cruiser 2004 edition. "Nakita yan ng mommy ni Jolina sa San Diego, California, nung 2003. May car show yata, o dinemo yan. 'Tapos, pinuntahan nung mommy ni Jolina at sister niya dun sa mismong planta, dun sa pagawaan. Ayun, um-order agad. Bumili ng 2004 edition. So, August 2003, na kay Jolina na yan," kuwento ni Mang Ramon nung tinanong namin kung ilang taon na ang sasakyan kay Jolens.

Kuwento pa ni Mang Ramon, pumalo ng kulang-kulang P5-million ang nagastos nina Jolens sa sasakyan which covered the purchase, shipping, and taxes paid. "Halos isang buwan kasi yan sa barko. Mga 28 days." Kaya nung dumating na, jump agad si Jolens sa kanyang bagong car at iniwan na muna ang kanyang Dodge Ram 350 Roadtrek.

Continue reading below ↓

Mula raw nang binili ang Cruiser, hindi pa raw ito nagpapakita ng problema o kahit na anong mahirap ipa-maintenance.

"Itinakbo na namin yan mula Manila hanggang Pangasinan. Malalay o na ang pinuntahan niyan, okey pa rin. Maski na yung mga gulong, yung original pa rin yan."

Bida pa ni Mang Ramon, bahay na bahay raw talaga ang dating ng Cruiser ni Jolens. Kumpleto sa amenities tulad ng kama, liguan, at kitchen. High-tech din dahil kusa itong nag-a-alarm kapag may kailangan nang palitan, dagdagan, may kulang, pag may 'di magandang nangyayari.

"Tas may nag-short [circuit] na wire, maga-alarm yan. 'Pag puno na yung toilet, sasabihin din niya sa iyo. Aalarm din 'pag wala nang LPG yung gas stove. 'Tsaka 'pag may usok na nakapasok sa loob [ng 'bahay'], aalarm yan at ilalabas yung usok. Hindi titigil sa alarm hangga't 'di nailalabas yung usok."
High-tech! Malayung-malayo sa kinagisnang ride ni Jolens during her Ang TV days na Toyota LiteAce van.

Continue reading below ↓

Today, hindi lang ang BTouring Cruiser ang sasakyan ni Jolens. Kuwento ng dad ni Jolens, si Mr. Gerardo Magdangal, pinapalit-palit din nila ng gamit ang mga sasakyang Dodge Ram 350 Roadtrek, Ford Clubwagon, Ford Explorer, Mercedes Benz E230, BMW Roadster, at ang latest nilang baby na Mercedes Benz Sprinter van na dalawa lang sa Pinas ang may may-ari. One, being Jolens.

Read Next
Read More Stories About
homes, Jolina Magdangal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This is Jolina's Cevrolet BTouring Cruiser. A lean, mean, touring machine. (Hi! July 2007 issue)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results