Riza Santos overwhelmed by upsurge in her career

May 10, 2008
"Sobrang kinakabahan ako. You know when I was in the house, everything was different. But now, medyo nasanay na ‘ko at sobrang grateful sa mga opportunities na dumarating sa akin," says Riza Santos.

Sa lahat ng Coverboys, masasabing bukod-tanging si Will Devaughn lang ang may special guest sa audience na nanood sa kanya sa first night ng show nila. Nasa unahan kasi ang nali-link dito na si Riza Santos. Naging housemates sila sa nakaraang celebrity season ng Pinoy Big Brother at mula noon ay patuloy pa rin silang nali-link sa isa't isa.

Nang makausap si Riza ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng concert ng Coverboys sa Music Museum kagabi, talaga raw plinano niya at ng mga kaibigan niya to watch the group's concert.

"Actually, sumama ‘ko sa mga kaibigan ko. They are also fans of the Coverboys. It's not just Will. He's not my only friend in the Coverboys. I mean, of course, Jon [Avila] was also my housemate in the Big Brother House. And I've worked with John [James Uy] and Rafael Rosell. I'm friends with the other Coverboys," may diin pa nga niyang sabi.

Continue reading below ↓

Masasabi niya ba in spite of all the rumors na sila na naman talaga ni Will ay wala pa rin silang romantic relationship?

"Well, he's really my closest friend among the Coverboys."

PEP also asked Riza kung sino naman sa palagay niya ang sexiest among the Coverboys after niyang mapanood, especially sa solo performance ng bawat isa.

"The sexiest Coverboy? Well, I think, they are all sexy!" nakangiti niyang pahayag.

"They all have unique qualities, definitely, that's why they we're all being shown differently. And it's the reason why I watch kasi sa ASAP, medyo bitin ang pinapanood ko sa ASAP," natatawa pa niyang pahayag sa PEP.

On the other hand, after having a small role in the recent movie of Star Cinema's When Love Begins as Christopher de Leon's girlfriend, Riza Santos is now the leading lady in Dolphy and Vic Sotto's movie.

Aside from being overwhelmed, Rica can't help na kabahan sa lahat ng mga nangyayari sa kanyang career right after her stint sa bahay ni Kuya.

Continue reading below ↓

"Sobrang kinakabahan ako. You know when I was in the house, everything was different. But now, medyo nasanay na ‘ko at sobrang grateful sa mga opportunities na dumarating sa akin. With the movies, shows and hopefully, I'll be doing an album in the next few month."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobrang kinakabahan ako. You know when I was in the house, everything was different. But now, medyo nasanay na ‘ko at sobrang grateful sa mga opportunities na dumarating sa akin," says Riza Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results