Jeni Hernandez plans showbiz return after giving birth

by Rose Garcia
May 11, 2008
Jeni Hernandez with her baby girl Atheona Alice Morales.

Simula nang mabuntis, wala na halos nabalitaan pa sa dating Kapamilya star na si Jeni Hernandez. Una siyang nakilala sa afternoon show noon na Magandang Tanghali Bayan as one of the sexy co-hosts. She was last seen in the blockbuster movie Kasal, Kasali, Kasalo at dati ring isa sa characters sa tele-epiko ng ABS-CBN na Rounin.

Noong March 21 ay isinilang ni Jeni ang kanyang panganay, si Atheona Alice Morales.

Kahit hindi pa kasal, pangalan na ng boyfriend at ama ng kanyang anak ang gamit na apelyido ng batang babae.

Kuwento ni Jeni sa PEP (Philippine Entertainment Portal), her delivery went well at normal ito dahil aniya, natapat daw kasi na Good Friday mismo nang ipinanganak niya ang anak kung kaya't wala halos katrapik-trapik sa kalsada.

So far, engaged na raw sila ng kanyang boyfriend na si Renan Morales, a non-showbiz guy, pero wala pa raw silang plano kung kailan ang kasal nila. Malamang daw na next year na ito para mas makakapag-prepare at makapag-plano pa silang mabuti.

Continue reading below ↓

Jeni was managed by Dondon Monteverde, pero nang magpasyang magpahinga muna ay nagpaalam na rin daw siya sa manager. She was last seen in Quizon Avenue in ABS-CBN at madalas ay nagge-guest din daw siya sa Wowowee bago nga siya nabuntis at nagpahinga muna.

Ayon kay Jeni, plano raw niyang magbalik-showbiz either June or July of this year, not unless, of course, may magandang opportunity na raw na dumating sa kanya.

Siyempre pa, being less than two months as a mommy, napaka-espesyal at memorable raw para sa isang first-time mom tulad niya ang Mother's Day, na ipinagdiriwang ngayong araw na ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeni Hernandez with her baby girl Atheona Alice Morales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results