Ara Mina admits new rift with sister Cristine Reyes

by Bong Godinez
May 12, 2008
Sexy actress Ara Mina would rather not divulge the reason behind her rift with sister Cristine Reyes (inset). Ara, who celebrated her birthday last May 9, revealed that Cristine never even bothered to greet her for the special occasion.

Aminado ang sexy actress na si Ara Mina na may gap na naman sila ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes, bagama't ayaw nitong i-reveal kung paano nag-ugat ang bago nilang alitan.

"Hindi na kami masyadong nagkakausap lately," sabi ni Ara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, May 9, sa photo shoot ng soon-to-be-launched afternoon soap ng ABS-CBN na Cattleya.

Pero bukod sa tampuhan blues ay pareho na rin kasing busy ang magkapatid. Kaliwa't kanan ang shows ni Ara sa abroad at magsisimula na rin ang taping ng Cattleya. Si Cristine naman ay busy sa taping para sa kanyang first soap sa Kapamilya Network, ang Eva Fonda, 16.

Hindi naman daw issue kay Ara kung si Cristine ay mapunta sa primetime at siya ay sa hapon lamang.

"It's okay," mabilis na sagot ni Ara. "Ang importante may trabaho ka at nagagampanan mo nang mabuti ‘yong trabaho and maganda ‘yong resulta at tinatangkilik ng mga tao."

Continue reading below ↓

THE GOOD IN PLAYING EVIL. Villain role ulit ang papel ni Ara sa Cattleya. Kung dati nga raw ay si Kristine Hermosa ang pinapahirapan niya sa Prinsesa ng Banyera, ngayon ay si Roxanne Guinoo naman.

"Siguro lang kasi naging sobrang effective lang ako, daw, sa pagiging evil na pa-sweet," nangingiting paliwanag ni Ara nang tanungin kung bakit siya nalilinya lately sa mga contravida roles.

Agree si Ara sa perception na kung minsan ay mas challenging talaga ang kontrabida roles. Malaking tulong din daw ang pagsubok ng iba't ibang roles para lalong mahasa ang isang artista.

"Kasi ‘pag artista ka, siguro wala ka dapat pinipiling character. Kailangan lahat alam mong gawin, kaya mong gawin. And siguro suwerte ako sa pagiging, hindi naman kontrabida, sabihin nating medyo black sheep o parang ganun na mga role. Kasi I remember sa Mano Po, salbahe din ako dun pero dun ako unang nanalo ng award. So parang siguro napapakita ko ‘yong galing ko, siguro kung medyo hindi sweet-sweet ‘yong role," paliwanag ng dalaga.

Continue reading below ↓

NEW FRIEND IN KRISTINE. Bagama't bitter rivals sa Prinsesa ng Banyera ay very opposite naman daw in real life ang relationship ni Ara at ng co-star nito na si Kristine Hermosa. Mami-miss nga raw niya si Kristine dahil magwawakas na ang soap na pinagbibidahan nito.

"Kami ni Kristine, on and off-cam, okay kami," sabi ni Ara. "Lately, siya ‘yong nakakasama ko, so nakaka-miss din."

Regarding naman sa kumalat na alitan daw ni Kristine at ng Prinsesa ng Banyera director na si Andoy Ranay, naging maingat si Ara sa pagsagot.

"Ayokong makialam kasi wala rin naman akong problema kay Direk Andoy. Wala din naman akong problema kay Kristine. Hindi ko talaga alam yung whole story," pag-iwas ni Ara.

Hindi naman daw kasi niya tinatanong ang kaibigan tungkol dito at hindi rin naman daw nagkukuwento si Kristine. Dagdag pa ni Ara, "Hindi ko lang alam kung ano'ng pinagmulan o ano'ng pinagtapos."

MEAN TO JEAN? May mga kumalat din na tsismis na tinawag daw diumano ni Ara ang aktres na si Jean Garcia ng "matanda na." Si Jean ay close friend ngayon ng ex-boyfriend ni Ara na si Polo Ravales.

Continue reading below ↓

Todo tanggi si Ara na nagbitaw siya ng masakit na salita laban kay Jean. Katuwiran nito, bihira na nga raw siyang magpa-interview lately at wala rin daw siyang karapatan awayin o makialam sa personal na buhay nina Jean at Polo.

"Wala akong sinasabi against Jean and Polo and kung sila man o hindi basta happy ako for them," defends Ara.

Dagdag pa ng sexy actress, "In the first place, hindi rin naman siya ang cause ng breakup namin. Hindi ko sinabi ‘yon. Kung meron may mga nagsasabi man ng ganoon, baka hindi ako ‘yon. Pero sa hitsura niya [Jean], hindi siya mukhang matanda.

"Wala sa age ‘yon, e. Age doesn't matter. Kung titingnan mo ang hitsura niya [Jean], talagang parang ‘yong dati pa rin. Maganda ang mukha ni Jean. No, wala akong sinabing matanda siya."

SINGLE AND STILL LOOKING. After Polo ay hindi na nga muling nabalita na nagka-boyfriend si Ara. Zero pa rin daw ang kanyang love life at still praying pa rin siya na sana ay dumating na ang right guy for her.

Continue reading below ↓

May mga nanliligaw naman daw sa kanya, mostly ay non-showbiz, problema lang ay "mga bagets," natatawang sabi ni Ara.

Hindi rin daw niya ugali ang magpa-asa. Kung hindi niya type ang isang suitor ay tinatapat na niya agad ito.

"Hindi naman sa manhater ako," paglilinaw ni Ara. "May mga nanliligaw naman, nagpaparamdam, pero ‘pag nakikita ko, feeling ko hindi magwu-work o parang walang potential, kinakaibigan ko na lang sila. Hindi ko masyadong ini-entertain ‘yong thought na, 'O sige, manligaw ka lang baka sagutin kita.'"

Muli ring nilinaw ni Ara na hindi siya exclusive talent ng ABS-CBN. Marami kasi ang nagulat nang mapanood ang sexy actress sa ilang program ng Kapamilya Network samantalang very identified ito before sa GMA-7.

"Kasi sa ‘kin naman, sabi ko freelance ako kung sino ang may offer. Kung sino'ng unang makapag-offer sa ‘kin ng trabaho, siyempre doon ako," paliwanag ng sexy actress.

Maayos naman daw ang pag-uusap nila ng GMA-7 nang magdesisyon siyang maging freelancer na lang kesa magpatali sa iisang network.

Continue reading below ↓

BIRTHDAY WISH. Dahil birthday niya noong May 9, hindi maiwasang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish.

"Alam naman ni Lord kung ano ‘yong hinihintay ko. Pero soon, darating ‘yon, which is love life. Pero ang birthday wish ko lang para sa mga kaibigan ko, like si Daboy [Rudy Fernandez], na sana patuloy ‘yong paggaling niya," sinserong pahayag ni Ara.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy actress Ara Mina would rather not divulge the reason behind her rift with sister Cristine Reyes (inset). Ara, who celebrated her birthday last May 9, revealed that Cristine never even bothered to greet her for the special occasion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results