Pops Fernandez required two sons to give her gifts last Mother's Day

May 13, 2008
"Hay, naku, wala akong alam! Uunahan ko na kayo, wala akong alam. It's safe that way. Kunyari wala akong alam," answered Pops Fernandez when asked about ex-husband Martin Nievera's rumored new girl.

Nagmamadali ang Concert Queen Pops Fernandez right after her guesting sa The Buzz last Sunday, May 11. May dinner pa raw kasi sila ng mga anak niya na sina Robin at Ram to celebrate Mother's Day.

"Yeah, actually, hindi ko pa nakikita ang mga anak ko. Kanina pa ako wala. So, that's why hopefully, after this," lahad ni Pops sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting niya.

Of all days pa raw, noong Sunday pa nasira ang kanyang cell phone kaya hindi niya alam kung sinu-sino na ang bumati sa kanya.

"Tapos hiniram ko yung phone niya [personal assistant], ang daming nagti-text. Kaya lang, hindi ko alam kung sinu-sino sila. Ang pangit naman lahat na lang, ‘Hi! Who's this? Thank you,'" natatawang kuwento ng Concert Queen.

Sinabi raw talaga ni Pops sa kanyang mga anak na regaluhan siya noong Mother's Day.

"I really told them!" tawa ulit ni Pops. "So hopefully, may regalo sila sa akin. Kasi binati na nila ako kaya okay naman. Pero siyempre, gusto ko may regalo At sinabihan ko talaga sila, ‘I expect a gift. It's Mother's day.'"

Continue reading below ↓

Hindi kaya magulat siya kung ibang regalo ang ibigay sa kanya ng mga anak niya, especially ang eldest son nila ni Martin Nievera na si Robin?

"Okey lang yun. Actually, my kids and I are very open and very close. Alam naman namin yun. Tanggap ko naman yun," saad ni Pops.

Ipinakilala na raw sa kanya ni Robin ang kanyang girlfriend.

"Actually, medyo delayed na nga si Robin dahil medyo may edad na siya compared to the other kids. Nowadays, ang mga teenagers, they start at 14, 15, which I think is very, very young. But Robin waited till he's 21. I think it's due na ma-experience naman niya yung how it is with someone special."

But what if magpaalam sa kanya si Robin na he already wants to get married?

"Ay, hindi pa!" bulalas niya. "Kasi bata pa siya, and he knows. I think sa mga stories naman na narinig niya, siyempre when we get married early, no regrets. Pero siyempre, I want him to experience naman yung to enjoy his life, his single life first. 'Tsaka marami pa siyang puwedeng gawin, kasi studies, he has to finish that. Kailangan din niyang ma-experience yung work muna. To learn how to be responsible first."

Continue reading below ↓

Si Ram ba ay puwede na ring magka-girlfriend tulad ng Kuya Robin niya?

"Okey lang, kasi 18 na rin si Ram. Alam mo naman ako, nanganak ako mga four years old!" biro ni Pops.

"Tanggap ko naman yun basta they present them well. Okay naman sa akin. Pero wala pa, e. So far, Ram is definitely into his studies and video games. So, okay lang yun. When it's the proper time, siya rin mismo ang magsasabi na, ‘I found someone special.'"

Binati ba siya ni Martin nung Mother's Day?

"Ah, oo naman," sagot ni Pops. "I'll be lying pag sinabi ko na hindi pa. Yeah, yeah. The other day pa, actually. I think he knows... Nagpa-thank you naman ako. Pero walang gift."

Kumusta naman ang relasyon nila ni Martin ngayon?

"Okay naman. Actually, noon pa namin sinasabi... Anyway, I've decided na it's a brand new year. It's time to do other positive things, which is actually what I'm doing. Just focusing on my work and my kids especially," pahayag ni Pops.

Continue reading below ↓

Speaking of Martin, may bagong babae na natsitsismis ngayon sa Concert King. Ano ang reaksiyon dito ni Pops?

"Hay, naku, wala akong alam! Uunahan ko na kayo, wala akong alam. It's safe that way. Kunyari wala akong alam," nakangiting sabi ni Pops.

What about her boyfriend Jomari Yllana, binati ba siya nito ng Happy Mother's Day?

"Oo naman. Last year pa!" tawa niya. "Every day sinasabi niya sa akin, ‘Happy Mother's Day.'"

This year will be another busy year for the Concert Queen dahil magkakaroon ng provincial shows and concert niyang Divalicious.

What about regular show on TV?

"No, wala pa. I think they're still looking for a project na bagay daw. Ano ba ang bagay sa akin? Nag-isip din, di ba? Siguro naghihintay lang sila ng proper project."

May plano ba siya to do another big concert this year?

"For this year, we're really just doing Divalicious. So, for the whole year, puro province. Tapos yun na nga, I'm leaving for Middle East, part of Europe. Tapos sa States, towards the latter part. So puro Divalicious lang," pagtatapos ni Pops.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hay, naku, wala akong alam! Uunahan ko na kayo, wala akong alam. It's safe that way. Kunyari wala akong alam," answered Pops Fernandez when asked about ex-husband Martin Nievera's rumored new girl.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results