Katherine Luna defends herself against condo kick-out issue

May 14, 2008
In a phone conversation with PEP (Philippine Entertainment Portal) sexy actress Katherine Luna insists that she voluntarily left the condo unit she previously shared with an ex-boyfriend. "Pangit na ‘yong pagmamahal na pinapakita niya. Nananakit na siya," she said against her ex-beau.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress na si Katherine Luna sa telepono kagabi, May 13, kaugnay ng lumabas na balitang pinalayas raw siya ng ex-boyfriend, isang mayamang Fil-Am na negosyante, sa tinutuluyang condo sa Eastwood, Libis, Quezon City, .

"Niri-rent ko pa rin ‘yon," sagot sa amin ni Katherine. Una nang ipinarating sa amin ni Katherine na nasa Puerto Galera siya upang i-celebrate ang kanyang birthday, kasama ang mga kaibigan.

Silang dalawa raw ng kanyang ex-boyfriend ang naghuhulog sa nasabing condominium unit. Mariing itinanggi ni Katherine na pinalayas siya ng dating kinakasama. Siya na raw ang nagkusang lumisan sa dahilang hindi na niya makayanan ang pananakit ng negosyante.

"Pangit na ‘yong pagmamahal na pinapakita niya. Nananakit na siya," reklamo ni Katherine.

Kung susuriin ang mga pahayag ni Katherine, malinaw na tinutumbok nito na isang control freak at possessive ang nagrereklamong ex-boyfriend.

Hindi lang daw physical abuse ang inabot niya sa kanyang ex-boyfriend kundi pati verbal abuse kaya noong huli ay nagdesisyon na si Katherine na kumalas sa relasyon.

Continue reading below ↓

"Narinig ko na nga ‘yang balita na ‘yan," ani Katherine. "Masama lang ang loob niya kaya niya sinasabi ang mga ganyan against sa akin."

Dinagdag pa ni Katherine na kaya masama ang loob ng ex-boyfriend ay dahil sa ayaw na niyang tanggapin ang offer nito na magbalikan sila.

SPOILED LOVER? Ayon naman sa ex-boyfriend ni Katherine, sobrang na-pamper daw ang sexy actress kaya nagbago ang lifestyle nito at lumaki ang ulo.

Taliwas sa naging pahayag ni Katherine, sinabi ng mayamang negosyante sa interbyu ng PEP na siya mismo ang nagpalayas sa artistang girlfriend matapos niyang madiskubre na may iba pa itong karelasyon bukod sa kanya. Lalo pang sumama ang loob nito nang mabasa niya rito sa PEP ang sinabi ni Katherine na may hinuhulugan itong sariling condominium unit.

Kung dati raw ay puro tiangge clothes lang ang afford ni Katherine ay nagkaroon daw ng complete turnaround ang lahat simula nang maging sila.

Continue reading below ↓

"I don't even allow her anymore to buy her clothes in the department store. Tinanong ko siya noong una, ‘Ba't diyan ka bumibili?' and sabi niya ‘yon lang daw ang afford niya," kuwento sa amin ng negosyante.

Nalunod daw sa marangyang buhay si Katherine kaya wala na itong ibang ginawa kundi ang gumimik at gumastos gabi-gabi.

Bukod pa sa mga mamahaling damit ay nagbigay din ng breakdown ang former lover ni Katherine kung magkano ang binibigay niyang sustento buwan-buwan sa aktres.

"P20,000 monthly, that's for the condo," paliwanag nito. P7, 500 naman daw ang binibigay niya para sa pambayad ng kuryente, bukod pa ang P15,000 grocery money na binibigay niya sa kasintahan.

Noong pinalayas daw niya si Katherine ay wala na itong nagawa. Four hours nga daw na nag-iiiyak ang sexy actress sa ibaba ng condominium building dahil maging ang mga damit nito na gusto sanang iuwi ay hinarang ng mga guwardiya.

Continue reading below ↓

"I literally took her out from the slums and put her above me," galit na pahayag nito. Mula raw nang palayasin niya si Katherine sa condo ay hindi na niya ito nakausap. Kadalasan, ang mga balitang nakakarating sa kanya ngayon ay through friends na kilala din ng sexy actress.

Handa ba siyang balikan ang ex-girlfriend kung sakaling makipag-ayos ito?

"No way," mabilis na sagot nito habang umiiling, "I'm done with her."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a phone conversation with PEP (Philippine Entertainment Portal) sexy actress Katherine Luna insists that she voluntarily left the condo unit she previously shared with an ex-boyfriend. "Pangit na ‘yong pagmamahal na pinapakita niya. Nananakit na siya," she said against her ex-beau.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results