John Estrada finds working with Sharon Cuneta a "wonderful experience"

by Rose Garcia
May 15, 2008
"Kung iisipin mo, itong Megastar namin, o, pero simple lang siya. Minsan madumi, wala siyang pakialam. So, I think, napakagandang traits yun para sa isang napakalaking artista na tulad niya," says John Estrada about Caregiver co-star Sharon Cuneta.

Lahat na halos ng magagandang salita ay nagamit na ni John Estrada habang inilalarawan ang bida ng pelikulang Caregiver na si Sharon Cuneta. First time kasi ni John na makatrabaho sa isang pelikula ang Megastar at mag-asawa pa ang role nila.

John told PEP (Philippine Entertainment Portal) how wonderful it was working with the Megastar.

"Wow, it's a wonderful experience! I think, it's every actor's dream to work with her. And I have fun. I have fun! Napakabait na tao. Napaka-simple. Napaka-down-to-earth. Walang kaarte-arte sa katawan," pahayag ni John sa presscon ng Caregiver kahapon, May 14, sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Ayon kay Sharon, maituturing niyang pinaka-torrid kissing scene ang ginawa nila ni John sa Caregiver kumpara sa past leading men niya. Pero sa huli, kahit si John ay natawa nang tanungin siya kung bakit nasabi ni Sharon na wala talaga siyang maramdamang malisya sa kissing scene nila.

"E, kasi nga, kung maaalala n'yo lang, ex kasi siya ng isa sa mga best friend ko, si Richard Gomez, yun. At ever since, maliit pa lang ako, nagkikita na kami. Honestly, Sharon was 23, 24 at that time, so you know, medyo matagal na, matagal na talaga. So siguro, she saw me when I was teenager at pagkatapos nakikita ko na siya, kaya siguro ganoon," paliwanag ni John.

Continue reading below ↓

SHARON'S LEADING MAN. Magkaganuman, hindi raw niya na-imagine na darating pala ang ganitong pagkakataon na gaganap siya bilang leading man ni Sharon sa isang pelikula ng Star Cinema na "napakaganda."

Bukod sa mga naunang nasabi ni John, nagbanggit pa rin ito ng ilang katangian ng Megastar na naka-attract sa kanya.

"You know what, she's such a sweetheart," sabi ng aktor. "Alam n'yo, ako kasi, hindi naman ako showbiz na tao, and I'm very transparent. If I don't like somebody, sa tingin ko hindi ko ibe-bend yung dignity ko at principle ko. But wow, unbelievably nice!

"At saka, ang masarap dito, nasa ibang bansa kasi kami kaya nakikita mo ang totoong pagkatao ng isang tao. Kasi doon, kanya-kanya, e. Hindi parang reyna. Pero doon talaga, she does her own thing. Kung iisipin mo, itong Megastar namin, o, pero simple lang siya. Minsan madumi, wala siyang pakialam. So, I think, napakagandang traits yun para sa isang napakalaking artista na tulad niya."

Continue reading below ↓

AWARD-WINNING PERFORMANCE? Ngayon pa lang, hinuhulaan nang pang-award or posibleng humakot ng awards ang Caregiver next year. Sa ginawang role ni John, posible rin kayang tulad ni Sharon ay mapansin din ang acting niya rito?

"Well, ang hirap naman kasi sa part ko na parang bubuhatin ko ang sarili kong bangko, di ba? Pero, well, all you have to do is to watch the movie and you'll find out. Pero definitely, you know, it's a Chito Roño movie.

"He [Direk Chito] wants everybody to shine. Alam n'yo, totoo yung sinabi ni Sharon na even alas-kuwatro ng umaga, alas-singko ng umaga, hindi papalampasin ni Direk Chito kung nakikita niya na medyo... Hindi siya puwede ro'n sa okey na ‘yan, puwede na ‘yan, alas-kuwatro na, pero hindi talaga. Talagang matindi nga sa director na ito, habang paumaga na ang shooting, habang tumatagal, mas lalong nagiging sharp, e. Ultimo puwesto ng ballpen, napapansin niya. So I think, everyone in this movie shines."

Continue reading below ↓

JOHN'S LOVELIFE. Aminado si John na dahil sa movie ay medyo nabago ang plano nila ng girlfriend na si Priscilla Meirelles. Sa kasalukuyan kasi ay umuwi at nagbabakasyon ang dating Miss Earth sa bansa nitong Brazil. Kasama dapat ni Priscilla si John sa pagpunta sa Brazil para makilala ang parents ng beauty queen.

"E, wala, e. Originally talaga, yun ang plano, sasama ako sa kanya. Kaso we still have to shoot pagdating dito [sa Pilipinas]. Plano rin sana pag-alis ng London, diretso na ako ro'n [Brazil]. Kaso, wala... Siyempre, medyo na-disappoint siya [Prisicilla]. Siyempre wala siyang magagawa, trabaho ‘to, e, kailangan niyang intindihin," saad ni John.

Ayon kay John, sa almost one year nilang magkarelasyon ni Priscilla, wala naman silang major adjustment sa isa't isa bagama't magkaiba sila ng nationality.

"Yung culture kasi ng mga Braziliano, kapareho natin, e. It's a Roman Catholic country. It's a tropical country. Si Priscilla, napaka-close sa pamilya niya. Grabe ang bonding nila, grabe! That's why whenever she talks about her mom, naluluha talaga siya," lahad ng aktor.

Continue reading below ↓

Taliwas sa mga lumalabas na write-ups na naipakilala na ni John nang formal ang bagong girlfriend sa ex-wife niya na si Janice de Belen, ayon sa aktor, hindi pa raw umaabot sa ganoong punto.

"Hindi pa, hindi nagkaroon ng chance," sabi niya. "Nagkataong nagkita lang kami, pero it's more on ‘hi and hello' lang. Kasi siyempre, graduation yun [ng anak nila ni Janice], di ba? Siyempre, nakita niyang [Janice] kasama ko. Tapos nakita niyang nagbeso-beso sa mga anak ko, so yun."

Proud si John na "very okay" raw si Priscilla sa mga anak niya. "Oh yes, as in, they are very happy."

Naitanong din ng PEP kay John kung okay na rin ba ang relasyon niya sa dating asawa na si Janice.

"Oo naman. I mean, you know, at the end of the day, ako naman talaga ang tatay ng mga anak niya. So I guess, it's about time for us to be okay. I mean, lumalaki na ang mga anak namin. Sixteen years old na nga ang panganay ko, college na nga. So, it's about time," pagtatapos ni John.

Continue reading below ↓

Trailer courtesy of Star Cinema.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung iisipin mo, itong Megastar namin, o, pero simple lang siya. Minsan madumi, wala siyang pakialam. So, I think, napakagandang traits yun para sa isang napakalaking artista na tulad niya," says John Estrada about Caregiver co-star Sharon Cuneta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results