Lotlot de Leon confronts rumored lesbian lover of her mother Nora Aunor

May 18, 2008
Actress Lotlot de Leon finally came face to face with Norie Sayo (inset) during the birthday party of Sylvia Sanchez's husband, Art Atayde. Norie is the rumored lesbian lover of Lotlot's mom, Superstar Nora Aunor.

Hindi na idinetalye ni Lotlot de Leon ang naging paghaharap nila ng manager at nabalitang pinakasalan ng kanyang inang si Nora Aunor na si Norie Sayo. Pero ayon sa ilang sources na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), naganap ang naturang paghaharap ng dalawa sa birthday party ng asawa ni Sylvia Sanchez na si Art Atayde.

Mabilis daw ang pangyayari at nalaman na lang daw ng mga bisita sa party na nagkaroon ng hindi magandang pagtatagpo sina Lotlot at Norie. Umabot nga raw sa punto na nakapagsalita si Lotlot ng hindi maganda kay Norie dahil sa mga bagay-bagay na matagal nang kinimkim ng panganay na anak ng Superstar.

Hindi naman itinatago si Lotlot na masama ang loob niya kay Norie dahil sa kumalat na balita na nagpakasal sina Norie at Nora sa Las Vegas. Ilang beses na raw humingi si Lotlot ng paliwanag mula kay Norie, pero dinededma raw ng huli ang mga tawag niya. Kung tutuusin ay may karapatan si Lotlot na alamin ang anumang nangyayari kay Nora dahil anak siya nito.

Continue reading below ↓

Marami raw ang nakasaksi sa hindi magandang engkuwentro nina Lotlot at Norie sa birthday party ni Art Atayde. Pero wala raw pagsisisi si Lotlot sa kanyang ginawa dahil matagal na raw niyang gustong ibuhos ang lahat ng sama ng loob niya kay Norie.

Nakausap ng PEP si Lotlot sa set ng Dyesebel sa Marilao, Bulacan, nitong weekend at kinumpirma niya ang pagtatagpo nila ni Norie. Pero nakiusap ang aktres na huwag na lang niya idetalye ang mga kaganapan dahil personal na bagay na raw ‘yon na dapat niyang ginawa noon pa.

"Hanggang doon na lang," sabi ni Lotlot. "Hindi na ako magbibigay ng details. Kumplikado kasi ang naging situation naming dalawa and it was bound to happen talaga. If I go into details, maraming tao ang masasaktan at madadamay. Kaya pabayaan n'yo na lang na sa amin yung pangyayaring ‘yon."

Read Next
Read More Stories About
Lotlot de Leon, Nora Aunor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Lotlot de Leon finally came face to face with Norie Sayo (inset) during the birthday party of Sylvia Sanchez's husband, Art Atayde. Norie is the rumored lesbian lover of Lotlot's mom, Superstar Nora Aunor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results