Rhian Ramos prays for success in supermodel competition in China

May 16, 2008
"Nakakakaba because lots of people daw will be watching, and we're competing with groups from different Asian countries. Kaya please pray for us na sana we will be successful in representing our country," says Rhian Ramos.

Umalis ngayong araw, May 16, ang grupo nina Rhian Ramos papuntang Guangxi, China, para sa 3rd Asian Supermodel Contest. Kasama ni Rhian na umalis ang pinsan niya at VJ sa QTV 11 na si Steph Henares, ang StarStruck graduates na sina Arci Muñoz at Rhea Nakpil, at ang beauty queen na si Abigail Cruz.

Silang lima, na pawang contract artists ng Artist Center ng GMA-7, ang napili ng Chinse Fashion Association to represent the Philippines sa naturang model search na gaganapin from May 16 to 25.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian sa GMA Network Center bago sila umalis, sinabi ng young actress na nagulat siya na silang lima ang ipadadala sa naturang contest sa China. Ilang weeks lang daw ang naging preparation nila para sa contest.

Kuwento ni Rhian, "Pinadala lang ang mga pictures namin sa organizers in China. Kinunan kami ng mga close-ups, full body shot. Nakasuot kami ng mga gowns and all that. Tapos may napili na nga para sa group na pupunta, and it just so happened na napasama ako. I'm happy kasi it's my first time to join something like this. I hope na may magandang mangyayari sa amin."

Continue reading below ↓

Pagdating daw nila sa China ay itu-tour sila sa iba't ibang magagandang lugar ng China. Hindi pa raw alam ni Rhian ang mga categories na paglalabanan nila ng mga kasama niya sa group.

"Iba-iba kasi ang mga categories doon," sabi niya. "Ang alam ko lang, I will walk on the ramp na suot ang national dress natin na Maria Clara. May gano'n silang category, e. Hindi ko rin alam ang mga categories nila Steph, Arci, and the rest. Doon lang namin malalaman when we arrive sa China."

Nilinaw ni Rhian na hindi ito ang same competition kung saan nakakuha ng recognition si Iza Calzado last year.

"Yung kay Iza, that was in Korea. Iba naman ‘yon from this one that we are competing. May kinalaman din sa modeling. Pero kami, rarampa talaga kami wearing different clothes yata. Kaya nakakakaba because lots of people daw will be watching, and we're competing with groups from different Asian countries. Kaya please pray for us na sana we will be successful in representing our country," pahayag ni Rhian.
Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakakaba because lots of people daw will be watching, and we're competing with groups from different Asian countries. Kaya please pray for us na sana we will be successful in representing our country," says Rhian Ramos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results