Katherine Luna claims she was physically abused by ex-boyfriend

May 19, 2008
"Hindi niya ako pinalayas. Correction, ako yung umalis, ako yung lumayas," clarifies actress Katherine Luna about a report that she was evicted by her ex-boyfriend from the condo unit.

Noong Miyerkules, May 14, ay iniulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagpapalayas diumano sa international award-winning actress na si Katherine Luna sa condo unit na kanyang tinitirhan sa Eastwood City, Libis, Quezon City. Ang nagpalayas umano sa kanya ay ang live-in partner niya na nagpakilalang "Mr. N."

Kasunod nito, nakakuha rin ng pahayag ang PEP mula kay Katherine sa pamamagitan ng phone interview. Sinabi ng aktres na hindi siya pinalayas, kundi siya mismo ang kusang umalis sa nasabing condo unit.

Ngunit mariing pinabulaanan ng dating boyfriend ng aktres na isang Fil-Am businessman ang mga pahayag ni Katherine. Sa pamamagitan ng phone interview ng Showbiz Central sa ayaw magpakilalang negosyante, sinabi nitong: "I wanna confirm, she keeps saying on the internet website that she got interviewed from, that she's still renting the condo and that she's paying for the condo. She is not paying for the condo and I'll keep fighting for this."

Continue reading below ↓

Bukod dito, lumabas din ang isyu ng third party na dimano'y lagi niyang nakikita sa tuwing magpupunta siya sa ibang bansa. Kuwento ni Mr. N, "Every time that this idea that there was a third party enters my mind, my blood boils. The clubs that she goes to... I paid people there to watch for her and what they told me was they see her hugging different guys almost every night. And I thought she's going to change, she never did change. She was the old Katherine. I felt so used and abused."

Samantala, hindi naman itinanggi ng negosyante na may mga pagkakataon na nag-aaway silang dalawa ni Katherine, ngunit hindi naman daw ito umabot sa pisikal na pang-aabuso.

"Fine, of course you guys would exchange words, right? When we fought, I found out that she was seeing this other guy, her friends were in the condo and her friends said, ‘Stop hitting him so he'll stop hitting you.' She first hit me so it was self-defense."

Continue reading below ↓

Sumunod dito, kinuwestiyon ng negosyante ang pagiging ina ni Katherine sa kanyang tatlong anak. "See, every time Katherine would go see a guy, she pays for everytyhing. But when her parents in Cavite asks for milk for her kids, she would throw a fit before she would send money. But she has money to pay for motels and hotels for the guys she's seeing."

At huling paalala pa niya sa dating girlfriend, "Wait till it's high time for you to become a mother to your kids. You're not going to find Mr. Right in the clubs. Love you're kids!"

KATHERINE SPEAKS UP. Kasunod ng phone interview ni Mr. N, isang live interview naman ang ginawa ng Showbiz Central kahapon, May 18, kay Katherine. Dito sinabi ng aktres na, "Hindi niya ako pinalayas. Correction, ako yung umalis, ako yung lumayas."

Nang tanungin siya ni Pia Guanio kung ano ang dahilan ng kanyang pag-alis, hindi na napigilan ni Katherine ang pag-iyak. "Kasi hindi ko na kaya, hindi ko na kaya lahat ng..." sambit ni Katherine hanggang sa tuluyan na siyang umiyak.

Continue reading below ↓

"Ano ba'ng ginagawa niya sa 'yo?" malumanay na tanong ni Pia.

"Lahat na lang ng klaseng pananakit ginawa niya sa akin," lahad ni Katherine. "Pinagsalitaan niya ako ng masakit, sinabihan niya ako ng masasakit na salita. Sinasaktan niya ako. Physically, sinasaktan niya ako, dinuduraan niya ako sa mukha.

"Unang beses, pangalawang beses, pangatlong beses... Pangalawang beses sabi ko sa kanya, ‘Huwag mo namang hintayin na humantong tayo sa bagay na kapwa natin pagsisisihan bandang huli.' Sabi ko sa kanya..."

Ayon sa Babae sa Breakwater star, wala naman daw dahilan upang saktan siya ng dating Fil-Am boyfriend. "'Yong lumabas ako, tumakas ako sa kanya, siguro mga last month ago. Kinukulong na niya ako, e. 'Yong condo na yun, parang bilangguan ko. Kapag pupunta ako sa pamilya ko, hindi siya papayag, nagseselos siya.

"Pinagseslosan niya yung pamilya ko, pinagseselosan niya yung mga anak ko, pinagseselosan niya yung mga kaibigan ko. Kailangan kong tumakas kasi sobra-sobra na yung nararamdaman ko."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Katherine, wala iyang ideya kung paano nagsimula ang kanilang away. "Hindi ko rin alam, e. Minsan na lang mag-uusap kaming dalawa, ewan ko, para siyang nasisiraan na hindi ko alam. Lagi siyang tamang hinala, hindi ko alam, e, hindi ko alam ugali niya.

"Wala, wala talaga. Lahat yung mga sinabi niya... Pinigilan niya pa nga yung mga gamit ko, e. Hindi niya pinalabas yung mga gamit ko sa condo para hindi ako makaalis. Until, nakikipagbalikan pa siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nilabas niya muna yung isyu na 'to at saka siya pumunta ng Guam. Bakit hindi niya ako hinarap?"

KEEPING SILENT. Sa kabila ng mga pisikal na pang-aabusong nabanggit niya, hindi raw nagawa ni Katherine ang magsumbong sa kinauukulan dahil sa tinatanaw niyang utang ng loob sa dating boyfriend.

"Malaki ang utang ng loob ko sa kanya, e," sabi ni Katherine. "Tumatanaw ako ng utang ng loob sa kanya. Akala ko naman hindi na hahantong sa ganito, e. Umalis ako doon sa condo, lumayas ako doon, para matigil na lahat kasi suko na talaga ako, hindi ko na kaya."

Continue reading below ↓

"Natutulungan niya ako. Natutulungan niya ako financially. Oo, aminado ako, natutulungan niya ako. Pero ayaw niyang tulungan ko ang pamilya ko, ayaw niyang tulungan ko ang mga anak ko."

Nilinaw rin ng aktres na hindi totoong hindi siya mabuting ina sa kanyang mga anak.

Sagot ni Katherine, "Bakit ko kailangan magtrabaho kung tinutulungan niya yung pamilya ko, yung mga anak ko? Bakit ko kailangan magtrabaho? Ako lang, kung selfish akong tao, mali na yung pinapakita niyang pagmamahal sa akin.

"Oo, mahal niya ako. Minahal ko rin siya, e. Pero sinabihan niya ng masakit na salita yung mama ko. Sinabi niya mamatay na sana ang mga anak ko, walang kuwenta ang tatay ko, may babae yung nanay ko. Lahat yun, lahat yun tiniis ko dahil kailangan pa ako ng pamilya ko, e. Pero noong huli na talaga, ayaw ko na."

NO MORE SECOND CHANCE. Nagbalik-tanaw rin si Katherine sa kanyang buhay noong hindi pa niya nakikilala ang Fil-Am na nagosyante. Naalala niya kung gaano siya katapang noon bilang isang babae.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, "Noong hindi pa siya dumadating sa buhay ko, nabubuhay ako nang maayos yung mga anak ko. Ang pagkakamali ko lang ngayon, minsan nagising lang ako isang araw, nasabi ko sa sarili ko na parang nagiging robot na ako dahil sa pera niya. Sabi ko, ‘Hindi naman ako 'to, e. Hindi ako 'to.'

"Noon nga nakikita ko malakas akong babae. Malakas akong babae kahit na magtrabaho ako, okay lang yun. Kahit na magtinda ako ng kung anu-ano, mabuhay ko lang yung pamilya ko. Pero nung dumating siya sa buhay ko, hindi lang naman pera yung hinangad ko, e. Minahal ko siya, e."

Nang tanungin ni Pia kung may pag-asa pang magkabalikan sila ng dating boyfriend, mariing sinagot ni Katherine, "Wala na. Kung makikipagbalikan pa ako sa kanya, siguro parang sisirain ko lang lalo yung kinabukasan ng mga anak ko. Baka paglaki ng mga anak ko, pagtawanan na lang sila."

Continue reading below ↓

Sa ngayon, balik sa pagiging single parent si Katherine sa kanyang anak. Siya mismo ang gumagawa ng paraan upang kumita ng pera para pangtustos sa pangangailan ng kanyang mga anak.

"Kaya ko naman, e. Marami namang paraan," positibong sagot ni Katherine. "Gumagawa ako ng mga movies, kaya nagpapasalamat naman ako na nakakatulong. Marami, marami naman akong napagkakakitaan ngayon kahit na may maliit ako negosyo, okay na."

Ang tanging kinatatakot ni Katherine ay ang pagbabalik ng kanyang dating boyfriend dahil pinagbantaan diumano siya nito.

"Yun [pagbabalik niya] ang ikinakatakot ko kasi pinagbantaan niya ako, e," nangangambang sabi ni Katherine. "Sinabi niya sa akin, ‘Kapag iniwanan mo ako, susunugin ko yung bahay ninyo, gagawa ako ng masama sa pamilya mo.'

"Yun yung mga sinabi niya sa akin, kaya siguro noong mga ilang buwan pa lang siguro nakalipas na gusto kong humiwalay ako sa kanya, pero hindi ko magawa kasi nakakadena ako. Parang natatakot ako para sa pamilya ko. Mapera siyang tao, e, lahat ng bagay kaya niyang gawin."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Showbiz Central
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi niya ako pinalayas. Correction, ako yung umalis, ako yung lumayas," clarifies actress Katherine Luna about a report that she was evicted by her ex-boyfriend from the condo unit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results