Rhian Ramos "Haters" circulate e-mails and thread links petitioning against her

by Rose Garcia
May 22, 2008
Although talented, beautiful, and hardworking, Rhian Ramos is the target of a group of disgruntled, hateful showbiz fans.

Simula nang i-announce na along with Karylle ay si Rhian Ramos na ang napiling magho-host sa Pinoy Idol Extra, ilang e-mail na ang natatanggap ng PEP (Philippine Entertaiment Portal) na halos lahat ay protesta sa pagkakapili kay Rhian to be one of the hosts of the said show.

Some of the e-mails ay may mga provided links pa sa iba't ibang Internet sites kunsaan, may mga nauna nang petition para hindi matuloy si Rhian as host in Pinoy Idol Extra, na obviously, hindi naging successful dahil ang dalaga pa rin ang kinuhang co-host ni Karylle.

Ayon sa mga petitions na natanggap ng PEP, hindi deserving si Rhian na maging host ng PIE. Hindi raw porke't marunong itong mag-English, ay basehan na para masabing puwede na itong host. Katuwiran pa nila, marami pang ibang artists ang GMAAC (GMA Artists Center) na mas deserving.

Isa pang pinepetisyon ng tinatawag ngayong "Rhian Haters" ay ang pagkakasali ni Rhian sa Pinoy version ng Korean series na Full House. Bagama't hindi pa naman ito gaanong napag-uusapan dahil sa December 2008 to January 2009 pa naman ito masisimulan, ngayon pa lang ay nag-iingay na ang mga Haters.

Continue reading below ↓

Kung matatandaan, ang Full House ang isa sa mga sumikat na Koreanovela sa bansa na pinagbidahan ng Korean actress na si Song Hye Kyo.

Naungkat din sa forum thread ng ibinigay na link ng mga nagpadala ng e-mail sa PEP—ang mga previous projects pa ng young actress sa network. Kahit daw hindi natuloy si Rhian sa ibang mga projects na noong una'y nabanggit na ang pangalan niya, may nahahanap pa ring rason ang mga Haters kung bakit hindi nga natuloy si Rhian for a certain project at saka nila ikino-connect naman sa ibang project pang ginagawa nito.

Hindi rin pinalagpas ng mga nang-iintriga kay Rhian ang pagkakasama niya sa 3rd Asian Super Model Contest sa ginaganap hanggang ngayon sa China. Ayon sa mga Haters, resulta raw ng pagkakapili kay Rhian para mag-represent ng Pilipinas sa naturang contest ang pagiging malakas diumano nito sa GMAAC. Originally raw, dalawang young actress ng GMAAC ang dapat na kasama sa mga sasali sa model contest, pero napalitan daw ito ng dalawang diumano'y mas may "kapit."

Continue reading below ↓

Idinidiin pa ng haters ni Rhian na may favoritism daw sa GMAAC dahil pamangkin nga si Rhian ng head ng GMAAC na si Ida Henares. Kaya nga raw halos lahat ng projects ni Rhian ay sinasabing dahil lang sa pagiging pamangkin ni Ms. Henares o isang kaso umano ito ng nepotism.

Sa pagre-research pa ng PEP, nalaman naming matagal na ring may mga umiikot, at hindi tumitigil na pagpapadala ng e-mails sa iba't ibang publications na pawang hate mails against Rhian. Hindi lang sigurado ang PEP kung ang nagpapasimuno ba ng mga e-mails at petition threads against Rhian ay the same group din ba na nagpakalat ng mga pang-iintriga sa young actress noon.

Kung tutuusin, napaka-unfair sa young actress ng mga nangyayari at bintang ng ilang galit na showbiz fans sa kanya na nagsasabing sikat lang siya because of favoritism or nepotism.

Nakikita rin naman kasi that she's one newcomer na may potensiyal at hardworking. Pero yun nga lang, dahil sa naturang connection niya, lahat halos ng gawin niya ay tila nabibigyan ng kulay o malisya.

Continue reading below ↓

Minsan na rin sinagot nina Rhian at Ms. Ida ang isyu ng favoritism sa ginanap na press conference for GMAAC image plug, at ayon sa kanila, wala raw katotohanan ang mga bintang na pagkakaroon ng favoritism among their artists.

Mukha rin namang nasanay na si Rhian sa mga negative feedback sa kanya every time na may bago siyang show or movie. Hindi na lang ito pinapansin ng Kapuso star kundi trabaho na lang talaga ang inaatupag.

Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although talented, beautiful, and hardworking, Rhian Ramos is the target of a group of disgruntled, hateful showbiz fans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results