Karylle denies she snubbed Marian Rivera

by Ruel J. Mendoza
May 22, 2008
"It's not true because I find Marian a nice person. Wala naman siyang pinakitang hindi maganda sa akin kapag nagkikita kami," says Karylle about boyfriend Dingdong Dantes's Dyesebel leading lady Marian Rivera.

Proud na proud si Karylle sa nangyayari sa career ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes. Bukod nga sa may number one telefantasya ito sa primetime na Dyesebel, sunud-sunod pa ang mga nakukuha nitong mga commercial endorsements.

"Ang masasabi ko lang, Dong is the new King of Primetime TV," sabay ngiti ni Karylle.

"I am proud of his achievements and he has been working for this all his life. Nakita ko kung paano niya pinaghirapan ang lahat and now he's reaping all the success. I always tell him na dumating na ang matagal na niyang hinihintay na break and he should enjoy everything na dumarating sa kanya ngayon."

Nag-resign na si Dingdong sa SOP para nga mas mag-concentrate sa Dyesebel at sa movies na gagawin niya. Nami-miss ba ni Karylle si Dong tuwing Sunday?

"May 3G naman ang cellphone, ‘di ba?" tawa ni Karylle.

"Hanggang doon muna kami habang busy siya sa mga trabaho niya. Kami naman ni Dong, open ang communication namin kahit saan man siya naroon. He always calls me up or sends me a video message. Ganyan kami kakulit when it comes to communicating. Hindi napuputol ang ganyan sa amin.

Continue reading below ↓

"And since Sunday is Dong's rest day, nagkikita naman kami after ng SOP. We have time naman to go out for dinner and watch a movie. Or pupunta kami somewhere kunsaan we can relax and have time together. There is always quality time sa aming dalawa."

ABOUT MARIAN. Regarding naman sa leading man ni Karylle na si Marian Rivera, sinabi ni Karylle na hindi naman sila close pa nito. Pero hindi naman daw sila nag-iiwasan tulad ng mga naunang balita.

"Kapag guest naman si Marian sa SOP, nagbabatian naman kami. Marian is a sweet girl naman. Kahit saan naman kami magkita niyan, nagbabatian kami.

"Kaya nga nagtataka ako, saan nanggagaling ang balita na na-snub ko raw siya or na-snub niya ako. It's not true because I find Marian a nice person. Wala naman siyang pinakitang hindi maganda sa akin kapag nagkikita kami."

Dahil nga sa success ng team-up nila Marian at Dingdong sa Marimar at Dyesebel, hindi ba nagseselos si Karylle kahit minsan kay Marian?

Continue reading below ↓

"To be honest, hindi talaga," smile pa ni Karylle.

"Siguro nagseselos ako when it comes to time. Kasi nasanay kami ni Dong na we have so much time in our hands dati. Pero noong nag-hit ang Marimar, doon na nag-start yung pag-iba ng mga schedules ni Dong. Yung dating panahon na meron kami, naiba because of his work.

"Kung may pinagselosan man ako, yung trabaho niya iyon and not Marian. Happy nga ako sa team-up nila, e. I was very supportive sa kanilang team-up and up to now, masasabi ko nga na number one fan nila ako."

WANTS TO BOND WITH MARIAN. Kung mabibigyan ng pagkakataon si Karylle, gusto ba niyang maging close kay Marian o makipag-bonding dito balang araw?

"Why not?" ngiti pa ni Karylle. "For the reason na gusto ko siyang mas makilala pa, I would like to bond with her. Wala namang masama roon, ‘di ba?

"Ako naman, I like to get to know other people naman, lalo na si Marian who is working closely with Dong, gusto ko rin naman siyang makilala nang husto.

Continue reading below ↓

"Maybe someday mangyayari iyon. Nakikita n'yo naman na both Dong and Marian are busy at naging busy na rin ako with Pinoy Idol Extra. Who knows na baka one day biglang makita nila na magkasama na kami ni Marian, ‘di ba?

"Anything can happen kasi maliit lang naman ang mundo na ginagalawan natin. It's better na we all get along with one another," pagtatapos pa ni Karylle.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's not true because I find Marian a nice person. Wala naman siyang pinakitang hindi maganda sa akin kapag nagkikita kami," says Karylle about boyfriend Dingdong Dantes's Dyesebel leading lady Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results