Raymond Gutierrez reveals brother Richard's long-time crush on KC Concepcion

May 22, 2008
"It happened in a beach party where we were all invited. KC was invited to sing. E, that time nasa CR si ‘Chard at naliligo, pero nang marinig niyang kumanta si Kayce, talagang halos tapusin na niya ang pagligo. Kahit may sabon pa ang katawan, tumakbo talaga siya para live niyang mapanood at marinig si Kayce," relates Raymond Gutierrez about how madly infatuated his twin brother Richard was with KC Concepcion.

Masayang-masayang ibinahagi ni Raymond Gutierrez ang kanyang emosyon sa pagtatambal na gagawin nina KC Concepcion at Richard, ang kakambal ni Raymond.

"Who is not excited?" ganting tanong nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang kapanayamin mismo ang dalawa para sa Showbiz Central ngayong Linggo.

Ayon sa kuwento ni Raymond, matagal na niyang alam na supercrush ng kakambal ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

"We were still in high school...ay, grabe na kung kiligin iyang si ‘Chard kay KC," kuwento ng Showbiz Central host sa PEP.

Nag-umpisa nga raw ang lahat sa isang soirée (evening party) kung saan isang common friend nila ang nag-introduce kina KC at Richard.

"Since then, hindi na nakalimutan ni ‘Chard si Kayce [isa pang tawag kay KC ng mga kaibigan niya]," hirit pa ni Raymond.

Natatandaan pa nga ng TV host kung paanong halos kabaliwan daw ng kapatid ang mga commercials ni KC at kung paano itong kiligin every time na nakikita niya ang mga ito sa TV man o sa mga billboards.

Continue reading below ↓

At dahil laglagan na rin lang ang naging paksa ng usapan para sa naturang Showbiz Central interview, ibinuking na ni Raymond kung paanong at one time ay halos magkandarapa ang kapatid para madaliin ang paliligo para lang maabutan ang pagkanta ni KC.

"It happened in a beach party where we were all invited. KC was invited to sing. E, that time nasa CR si ‘Chard at naliligo, pero nang marinig niyang kumanta si Kayce, talagang halos tapusin na niya ang pagligo. Kahit may sabon pa ang katawan, tumakbo talaga siya para live niyang mapanood at marinig si Kayce. Pero yun nga, sad to say, hindi niya ito naabutan," kuwento ni Raymond.

Kaya nga raw looking forward siya sa mga pelikulang pagsasamahan ng dalawa under Star Cinema at GMA Films, dahil tiyak niyang sa promo ay matutupad din ang dating wish ng kakambal na mapanood umawit nang live si KC.

At bilang karagdagang trivia, may isang stipulation pala sa pinirmahang kontrata ni Richard sa GMA Films na sisikapin nitong "kumanta" along with KC if the time comes na kailangan na nilang mag-promote ng When I Met You, ang 2009 Valentine movie nila sa nasabing film outift, na isusulat at ididirek ni Jose Javier Reyes.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It happened in a beach party where we were all invited. KC was invited to sing. E, that time nasa CR si ‘Chard at naliligo, pero nang marinig niyang kumanta si Kayce, talagang halos tapusin na niya ang pagligo. Kahit may sabon pa ang katawan, tumakbo talaga siya para live niyang mapanood at marinig si Kayce," relates Raymond Gutierrez about how madly infatuated his twin brother Richard was with KC Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results