Glaiza de Castro dismisses rumored gap with Lovi Poe

May 23, 2008
"Kasi hindi kami palaging magkasama sa eksena. So, minsan kapag nagkikita kami, ‘hi' and ‘hello' lang. Sa ibang unit naman ako," says Glaiza de Castro as she denies the rumor that she and Kaputol ng Isang Awit co-star Lovi Poe has been snubbing each other.

Maging ang bida ng Kaputol ng Isang Awit na si Glaiza de Castro ay nagtataka kung bakit may mga nasusulat recently na hindi sila okey ng co-star na si Lovi Poe, as in nagdededmahan daw sila.

"Nakarating nga sa akin, may ganoon daw isyu sa aming dalawa ni Lovi.

"Ewan ko, natatawa na nga lang ako, e. Kasi naman, obvious naman sa lahat...kahit itanong n'yo pa kay Jolo [Revilla] or kaya kay Marky [Cielo], okey naman kami ni Lovi," simula ngang pahayag ni Glaiza nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) isang araw na na-pack-up ang taping nila ng Kaputol dahil daw may sakit ang co-star nilang si Snooky Serna.

Feeling ni Glaiza, kaya siguro may mga ganoong intriga sa pagitan nila ni Lovi ay sa dahilang hindi sila madalas na nagkakasama sa location tapings nila.

"Siguro yun. Kasi, hindi kami palaging magkasama sa eksena. So, minsan kapag nagkikita kami, ‘hi' and ‘hello' lang. Sa ibang unit naman ako."

Continue reading below ↓

Dugtong pa ni Glaiza, "At saka, ako pa ba naman ang mangdededma? At saka, si Lovi pa? ‘Di ba?

"Friend na naman kami even before pa namin gawin ang Kaputol. Pero siyempre, mas nagkakilala kami ngayon nang husto. Para sa akin, si Lovi ang tipo ng taong hindi mo kakainisan."

Alam daw niyang marami ang puwedeng mag-isip na baka gumigimik lang sila para magkaroon ng panibagong ingay ang malapit na ring magwakas sa ere na Kaputol ng Isang Awit, pero, itinanggi na ito agad ni Glaiza.

"Ako kasi, hindi ako yung taong gumagawa ng ganoon para panoorin lang. Siguro sila sa paligid, kung yun ang nakikita nila, pero kami talaga, hindi. Wala kaming problema ni Lovi."

Bagama't next month pa magwawakas ang drama series nila sa hapon at may three taping days pa raw sila, nasisiguro na raw niyang mami-miss niya nang husto ang show at mga nakasama niya.

"Ito kasi ang first big role na ginawa ko. So, dun pa lang, ‘di ba? At saka sa set kasi, although ang ginagawa namin, drama talaga, hindi namin napi-feel ang pressure. Lahat kami, okey."

Continue reading below ↓

BECAUSE OF KAPUTOL. Kung meron man daw pagbabagong naibigay pa sa kanya ang Kaputol, yun ay ang makilala na raw siya ng mga tao bilang siya.

"Tingin ko kasi dahil sa Kaputol, mas nare-recognize na nila ako bilang ako. Siyempre, nakakatuwa talaga. Although may mga nagsasabi pa rin kapag nakikita ako na, ‘Kamukha mo si Angel [Locsin],' at least, hindi na po yung, ‘Ay, si Angel!' Kahit paano, nare-recognize na nila ako as Glaiza talaga," natatawa pa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "At saka, nakikita nila na kahit paano po, nakakakanta po pala ako. ‘Tapos sa pag-arte ko naman po, mas nahasa pa rin po ako," pahayag pa ni Glaiza na isa sa nominado for Best Performance by an Actress in a Lead Role-Drama sa 5th Golden Screen Awards for Movies ngayong taong ito para sa indie movie na Still Life.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang magiging follow-up project niya sa GMA-7, pero, ever since naman daw na pumirma siya ng kontrata sa network, ibinigay na niya nang buo ang tiwala rito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi hindi kami palaging magkasama sa eksena. So, minsan kapag nagkikita kami, ‘hi' and ‘hello' lang. Sa ibang unit naman ako," says Glaiza de Castro as she denies the rumor that she and Kaputol ng Isang Awit co-star Lovi Poe has been snubbing each other.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results