Dingdong Dantes defends Marian Rivera's outburst in YouTube video

May 24, 2008
"Dapat kasing isipin natin na si Marian, bilang tao, bilang artista, mas marami siyang nagawa para sa iba, para rin sa industriyang ito. So, hindi siya dapat husgahan dahil lang sa napanood sa YouTube video na yun," Dingdong Dantes stands by Marian Rivera.

Nagte-taping ang actor na si Dingdong Dantes sa Subic ng kanilang nangungunang primetime series sa GMA-7 na Dyesebel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at mahingan ng reaksyon hinggil sa recent issue na kinasangkutan ng kanyang leading lady at ka-love team na si Marian Rivera.

Ang kontrobersyal na YouTube video ni Marian ang tinutukoy namin ay naganap din sa mismong taping ng Dyesebel sa Subic ilang linggo na ang nakakalipas. Para kay Dingdong, naniniwala siyang tama lang ang ginawa ni Marian sa situwasyong iyon.

Aniya, normal reaction naman daw kasi ng kahit sinong tao ang ginawa ni Marian, lalo pa nga't tulad sa pagkakataong yun na may ginawang hindi maganda kay Marian.

Bagama't may taping din daw siya that day, nagkataon naman na patapos na ang pangyayari nang dumating siya.

"Noong dumating kasi ako, patapos na halos. But I believe, it also ended there. Para sa akin, natural na reaction ng tao yung nangyari kay Marian. Ang mahalaga, naayos din agad kung anuman yung naging problema."

Continue reading below ↓

Dugtong pa ni Dingdong, hindi rin dapat husgahan ng tao si Marian dahil sa nakitang YouTube video. "Dapat kasing isipin natin na si Marian, bilang tao, bilang artista, mas marami siyang nagawa para sa iba, para rin sa industriyang ito. So, hindi siya dapat husgahan dahil lang sa napanood sa YouTube video na yun."

Bilang leading man at kaibigan, ayon kay Dingdong, ay hindi mawawala ang suporta niya para kay Marian.

DYESEBEL IS JUST WARMING UP. Samantala, masaya si Dingdong sa magandang takbo ng kanilang primetime fantaserye at sa pagiging consistent nito sa taas ng rating. Natuwa rin siya nang makarating sa kanila na bukod sa Mega Manila rating ay masasabing may mga pagkakataong nangunguna na rin ang Dyesebel sa NUTAM (Nationwide Urban TV Audience Measurement) Ratings.

Okey rin kay Dingdong ang development ng mga character nila bilang si Sabel at si Fredo. Para sa aktor, mas maganda raw na slowly ang pag-develop ng love angle or romance sa pagitan nila lalo na't kung ang pagbabasehan daw niya ay ang mga naririnig na comments. Marami na ang kinikilig sa mga eksenang si Dyesebel pa lang ang nakakakilala kay Prince Fredo.

Continue reading below ↓

Ayon kay Dingdong, "Napakarami pang mangyayari. Halos simula pa lang yung napapanood ngayon, pero, sigurado, mas kakaiba yung mga character namin ni Marian dito. So, yun ang dapat na abangan!"

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dapat kasing isipin natin na si Marian, bilang tao, bilang artista, mas marami siyang nagawa para sa iba, para rin sa industriyang ito. So, hindi siya dapat husgahan dahil lang sa napanood sa YouTube video na yun," Dingdong Dantes stands by Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results