Advertisers not affected by Marian Rivera's controversial YouTube video

May 25, 2008
Marian Rivera thanks her fans and GMA-7 for their support and trust.

Nakita ng PEP (Philippine Entertaintment Portal) si Ruffa Gutierrez sa shooting ng My Monster Mom noong Sabado ng hapon sa Alabang Medical Center. Sinabi nito sa PEP na nabasa niya ang item tungkol kay Marian Rivera at ang napakaraming comments ng fans nito.

Hindi ini-expect ng PEP na aabot ng more than 70 pages ang comments sa controversial video ni Marian at hahaba pa ito, dahil muling nag-guest ang actress sa Showbiz Central at nag-guest naman sa The Buzz ang nakabangga nitong lalaki.

But as far as Marian's fans are concerned, tama lang ang ginawa ng actress na pagtatanggol sa kanyang sarili. Ang patunay nito ay ang overflowing support sa kanya na pati ang inbox ng PEP ay napupuno sa kanilang e-mails.

Nagpapasalamat din si Marianna solid pa rin ang tiwala sa kanya ng GMA-7 and as a matter of fact, kahit kasisimula pa lang ng Dyesebel, pinag-uusapan na ang susunod niyang teleserye na bawal pang isulat, ‘no!

Continue reading below ↓

Hindi rin nagpapataranta sa negative issues kay Marian ang advertisers, dahil tuluy-tuloy pa rin ang dating ng kanilang offers para siya ang maging endorser. Tama ang sagot nitong "July" nang tanungin ni Nora Calderon kung kailan lalabas ang TVC nilang magkasama ni Dingdong Dantes, dahil yun din ang alam ng PEP.

Pero, hindi lang ang endorsement nila ni Dingdong ang lalabas sa July, dahil five other endorsements ang lalabas sa nabanggit na buwan. Hindi pa kasama rito ang isang endorsement na kukunan abroad at sa abroad lang ipalalabas.

Sayang lang at bawal magbigay ng clue kung anong mga produkto ang ie-endorse ni Marian, pero hindi na mababawi ang mga yun, dahil nagkapirmahan na ng kontrata, maliban sa isa. Basta, hintayin na lang ninyo ang sunud-sunod na paglabas ng six new endorsements ni Marian.

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, `
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera thanks her fans and GMA-7 for their support and trust.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results