Tension was present at Faith Cuneta's "Celebrate Faith" concert

May 26, 2008
Faith Cuneta's Celebrate Faith concert was gripped by tension when two endorsers of rivaling skin whitening products crossed each other's turn to enter.

Maintriga pero masaya naman ang first personal appearance ni Gabby Concepcion sa birthday concert ni Faith Cuneta entitled Celebrate Faith noong May 25, Sunday, sa Teatrino, Greenhills, San Juan.

Ayon sa feedback ng mga manonood, maganda ang boses ni Faith at mas masarap pakinggan kesa kay Regine Velasquez. Hitsurang nasa hotel ang mga tao at tahimik na nanonood. Ninanamnam nila ang mga awitin ni Faith.

ENTER GABBY. Pero nawalan ng poise ang mga sosyal na nanonood at naging wild ang crowd nang lumabas na sa entablado si Gabby. Panay ang sigawan at tilian na worth talaga si Gabo na bayaran ng 5 million sa mga ini-endorse niya tulad ng Lucida-DS Glutathione, dahil makikita sa backstage na halos lahat ay gustong magpakuha ng photos sa kanya at magpa-autograph.

Parang '80s pa rin ang eksena na dinudumog siya. Nagpatulong na nga sa amin si Mommy Rose (Flaminiano) na i-pull-out na si Gabby pero hindi rin namin kinaya. Nagpasaklolo na lang kami sa isang malaki ang katawan para mailabas na si Gabby at hindi na maharang.

Continue reading below ↓

Bongga ang gimik ni Direk Bert de Leon sa pag-enter ni Gabby sa stage. Akala mo hindi siya darating dahil magpi-finalé na ang show pero biglang nagsasalita siya galing sa entrance.

LUCIDA PERFORMANCE, MET FLOWERS. Napulaan naman ang model-actor na si Andrew Wolff na mali raw ang entrance nito sa pag-abot ng bulaklak kay Faith. Galing kasi si Andrew sa table ng sponsor sa show na MET Tathione (na ini-endorso rin niya). Timing na habang cue na ni Gabby (who models Lucida-DS Glutathione) ay siya namang cue rin ni Andrew na pumasok.

Nagamit si Andrew ng maling sitwasyon pero wala naman siyang kasalanan kung mukhang sinasabotahe si Gabo. Nagmukha lang siyang kawawa sa stage dahil ang atensyon ng tao ay sa boses ni Gabby na kausap ni Faith at palingun-lingon sila para makita kung saan nga nanggagaling ang boses. Sumapaw tuloy ito habang nagsasalita si Andrew.

"Di ko kasalanan ang maling cue na ibinigay nila. RM [road manager] mismo ni Faith ang nagpapunta sa akin sa stage na yun kaya sila ang may mali. Di ako. Kung nasira ang performance ni Gabby, then production ang dapat sisihin dahil di yata inilagay sa script ang pag-abot ko ng flowers kay Faith," paglilinaw naman ni Andrew sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

TENSION IN THE CONCERT. Matindi ang tension nang gabing yun sa pagitan ng magkalabang whitening products na Lucida DS at MET dahil pareho silang represented doon. Sponsor nga ang MET habang nasa audience naman at nanonood ang United Shelter Health Products (makers of Lucida) President and CEO na si Mr. Ronald Raguero at Senior Vice-President na si Maribel A. Galindez.

Kinuha ni Gabby si Ms. Maribel mula sa audience at dinala sa stage habang kumakanta ito. Sa kalagitnaan, may pumasok na babae at kumanta.

Sino raw ang may pakana na pinapasok ang bababeng yun habang kasama ni Gabby si Ms. Maribel? Hindi rin yata raw alam ni Gabby na may susulpot na girl at kakanta kasama siya.

Bagama't may tension, matagumpay namang nairaos ang concert at naaliw sila sa duet nina Gabby at Faith na Bakit Ngayon Ka Lang.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Faith Cuneta's Celebrate Faith concert was gripped by tension when two endorsers of rivaling skin whitening products crossed each other's turn to enter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results