Lovie Poe insists Jolo Revilla is not yet her boyfriend, although others say otherwise

by Rommel R. Llanes
Jun 2, 2008
"Magkaibigan lang kami ni Jolo, pero medyo umakyat lang yung level. Parang there's just this understanding, parang ganoon," says Lovie Poe about the status of her relationship with Jolo Revilla.

Kapag tinatanong ang young actress na si Lovi Poe kung ano na ang real score sa kanila ni Jolo Revilla, ang lagi niyang sinasagot ay magkaibigan lang sila ng binata nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado. Pero nang mag-guest si Jolo at ang kanyang kapatid na si Brian Revilla sa Sunday talk show ng GMA-7 na Showbiz Central, sa segment na "Don't Lie To Me" ni John Lapus ay sinabi ni Brian na sa tingin niya ay may relasyon na sina Jolo at Lovi. Sumang-ayon naman ng ang lie-detector test at "Truth" ang lumabas na resulta.

Si Jolo naman ay ayaw magsalita tungkol dito. Aniya lamang, "What you see is what you get."

Sa panayam naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi kagabi, June 1, sa birthday celebration ni John Fontanilla na ginanap sa Ten 02 Bar and Restaurant, nag-deny pa rin si Lovi na boyfriend na niya si Jolo kahit na nga binisto na sila ni Brian.

Continue reading below ↓

"Magkaibigan lang kami ni Jolo, pero medyo umakyat lang yung level," saad ni Lovie. "Parang there's just this understanding, parang ganoon. Natawa nga ako sa sinabi ni Brian. Feeling ko, gusto niya lang pagtripan si Jolo,"

Ipinaliwanag ni Lovi kung ano ang ibig niyang sabihin na "may understanding" na sila ni Jolo.

"Siguro I could say na kumportable akong kasama siya. Pero it doesn't mean that I'm closing doors for other guys. We're not exclusively dating naman, ganoon," paglilinaw niya.

So puwede pa siyang tumanggap ng ibang suitors?

"Yes," sagot niya.

REBEL DAUGHTER? Kung hindi pa niya boyfriend si Jolo, bakit may balitang nagrerebelde siya sa mommy niyang si Rowena Moran? Hindi raw kasi pabor ang ina ni Lovie kay Jolo para maging boyfriend ng anak.

"Hindi po ako nagrerebelde sa mom ko," giit ni Lovie. "In fact, I always try to be the daughter that she wants me to be. Kung may mga pangyayari man, she's just being a mother. And she will always be my mom kahit ano'ng mangyari. So it's not true na ganoon nga.

Continue reading below ↓

"Kung against man ang mom ko kay Jolo para sa akin, for that, I don't know what to say. Siguro it's not yet the right time for me to answer that question. Kasi parang maraming maaagrabyado, na ayoko munang may matapakan or may madamay lalo na for Jolo na naging malapit na rin sa akin.

"Naaawa rin ako sa kanya dahil marami ngang nagdya-judge sa kanya because of what happened in the past. But then we can't do anything about it kasi may opinyon ang bawat tao. Siguro lang, iba yung opinion ko. Nahihirapan lang ako dahil ayoko ding madamay yung family ni Jolo kasi malaki ang respeto ko sa kanila,"

Dahil nga raw sa pagrerebelde ni Lovie sa mom niya ay nasabihan raw ng young actress ito na napapagod na siyang magtrabaho para sa kanila at hindi siya isang robot na hindi napapagod at sunud-sunuran na lang. Gaano ito katotoo?

Continue reading below ↓

"No, it's not like that," mariing tanggi niya. "Ako, I love what I do. Kasi ako, hindi ako magtatagal ng ganito sa showbiz kung hindi ko gusto yung trabaho ko. I mean, mahilig akong magtrabaho, mahilig akong magpuyat."

Dahil ayaw ng mommy niya kay Jolo, may isang insidente raw na tinalakan ng mommy niya si Jolo. Gaano naman ito katotoo?

"Actually, I think it's a misunderstanding kung paano nangyari yun. All I can say, hindi niya tinalakan [si Jolo]. Well, actually, I really dont know what really happened. But then, ang masasabi ko lang, kung may nangyari man o may mangyayari man, my mom is just acting like a mother," saad ni Lovie.

May time ba na nagtampo na siya sa mommy niya o nag-away sila dahil kay Jolo?

"Tungkol diyan, I'd rather keep it to myself. Sorry," maikling tugon ni Lovie.

Read Next
Read More Stories About
Lovie Poe, Jolo Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Magkaibigan lang kami ni Jolo, pero medyo umakyat lang yung level. Parang there's just this understanding, parang ganoon," says Lovie Poe about the status of her relationship with Jolo Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results