Inah Revilla and Vince del Rosario recount their "controversial" wedding

Jun 2, 2008
Although Vince and Inah del Rosario already got married and will have a baby soon, they still plan to finish their studies. Vince says, "Our main goal is to both finish our studies. We're gonna take a year off and then go back to school."

Sa kabila ng mga intrigang lumabas bago ang araw na kanilang pinakaaabangan, natuloy pa rin ang kasalang Vince del Rosario at Inah Revilla noong nakaraang Miyerkules, May 28, sa Manila Cathedral.

Isang emosyonal na kasalan ang naganap, ayon sa mga taong dumalo. Bukod sa di mapigilang pag-iyak ng ama ni Inah na si Sen. Bong Revilla, aminado din ang bagong kasal na kahit sila ay napaluha sa oras ng kanilang kasal.

Sa exclusive interview ng Showbiz Central na ipinalabas kahapon, June 1, naikuwento ni Inah, "I didn't expect to cry. While walking down the aisle I was sobbing."

Sa kabilang banda, todo naman daw ang pagpipigil ni Vince sa pagluha. Aniya, "I was about to cry, too, but I tried to keep myself together so I could, you know, calm her down."

PROMISE TO THEIR PARENTS. Matatandaan na ikinagulat ng lahat, lalo na ng kani-kanilang magulang, ang kanilang biglaang desisyon na magpakasal. Sa katunayan, si Bong pa nga ay sobra ang pag-iyak nang malamang buntis ang kanyang anak at magpapakasal na ito sa kanyang 24-year-old na boyfriend.

Continue reading below ↓

Gayunman, nakuha pa rin ng magkasintahan ang suporta ng kanilang mga magulang. Ano naman kaya ang kanilang maipapangako sa kanila?

Ayon kay Vince, "This is what I really wanted and that I wanna love Inah. And I will always put her and my baby before myself and that I will always love her, I will always think of her needs before mine."

Samantala, siniguro naman ni Inah na halos sapat na ang kanyang natutunan mula sa kanyang ina na si Lani Mercado upang mapangalagaan ang kanyang magiging unang anak.

Para kay Inah, isa sa mga natutunan niya mula kay Lani, "Yung pagiging hands-on niya, di ba, very multi-tasker yung nanay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yan. Like, she may not be organized but she knows where everything is."

ISSUES BETWEEN THEIR PARENTS. Malakas din ang naging usapin sa diumano'y hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Bong at ng ama ni Vince na si G. Jorge del Rosario.

Continue reading below ↓

Subalit iniwasan na itong pag-usapan pa ng bagong mag-asawa sa panayam sa kanila ng Showbiz Central. Ang tanging naging pahayag lamang ni Inah ukol dito ay, "Well, bago naman yung wedding naplantsa na 'yan, e."

Matapos nito ay nagbigay siya ng pasasalamat sa kanilang mga magulang para sa lahat ng suportang ipinagkaloob nila sa kanilang pagsisimula sa buhay mag-asawa. "Well, honestly, kung wala sila dito, this will never happen. Like, kung wala yung support nila, kung wala yung blessing nila, hindi ito mangyayari," pahayag ni Inah.

Si Vince naman ay nagpasalamat sa kanyang father-in-law sa mainit na pagtanggap sa kanya na maging parte ng kanilang pamilya. Aniya, "Thank you so much for making such a wonderful daughter and showing me your support and accepting me as a part of your family, that really means a lot. I love you."

EXCHANGING VOWS. Sa bandang huli, muling nagbigayan ng kanilang mga pangako sa isa't isa sina Vince at Inah.

Continue reading below ↓

Unang nagpahayag si Vince para sa kanyang asawa, "Inah, baby, I love you and this is the happiest day of my life, that you said, ‘Yes,' to become my wife. I will always be here for you and it will be nothing that could ever come between us."

Sinagot naman ito ni Inah ng, "Vince, I love you so much and that I'm always here for you. And I'm just here, isang kalabit lang. You know, whatever comes I will always support."
Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Lani Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Vince and Inah del Rosario already got married and will have a baby soon, they still plan to finish their studies. Vince says, "Our main goal is to both finish our studies. We're gonna take a year off and then go back to school."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results