Kristine Hermosa still friends with Jericho, still loves Diether, and still the same with Oyo

IMAGE 0


Kristine Hermosa is excited to work with former boyfriendand love team partner Jericho Rosales (inset, top). She also reveals she still lovesex-boyfriend Diether Ocampo (inset, middle) and says she's not yet ready to enter arelationship again with "special friend" Oyo Sotto (inset, bottom).



After Heart Evangelista and Jericho Rosales's controversialbreak-up, agad na umugong ang usap-usapan na isang teleserye daw ang hinahandasa ngayon ng ABS-CBN para sa comeback ng tambalang Jericho Rosales at KristineHermosa.

Proven to be one of the most accepted and well-supportedlove teams by fans, given the the success of their TV dramas Sana'yWala Nang Wakas and Pangako Sa ‘Yo, and their box-office films Forevermoreand Ngayong Nandito, siniguro na agad kaabang-abangang balik-tambalan ng dalawa.

EXCITED TO BE WITH ECHO AGAIN.In a PEP (Philippine Entertainment Portal) interview with Kristine Hermosa lastSunday in ASAP '08, inamin sa amin ng aktres na sobrang excited siyangmuling makasama ang dating kapareha't boyfriend. Hindi pa siyamakapagbigay though ng kahit na anong detalye tungkol sa gagawin nilang proyekto dahilkasalukuyang niluluto pa lang ng kanilang network.

"Hindi ko pa kayang magsalita ngayon, pero ang alam ko lang,may gagawin kaming MMK [Maalaala Mo Kaya] episode together. May sinasabi sila na mayginagawa daw na soap for us, pero ang hirap kasing magsalita ‘pag wala patalaga, ‘di ba?

"Dati pa naman sinasabi ko na gusto ko siyang makatrabahouli. Nae-excite lang ako kasi ‘pag magkasama kami nun ni Jericho, para kamingmga bata. Hindi nawala yung fun na, ‘Uy, magkakasama uli kami. Ano na namankaya ang mga mangyayari?' Kasi siyempre ang dami nang changes. Nag-mature nakami pareho."

STILL FRIENDS. Si Jericho ang unang boyfriend niKristine at kahit na nauwi sa breakup ang relasyon nila, Kristine assured PEPna magkaibigan pa rin sila ng aktor.

Aminado ang aktres na nung nakarating sa kanya na break nasina Jericho at Heart ay nakaramdam din siya ng lungkot para sa ex-boyfriend.

"Siyempre nagulat ako. Hindi ko alam kung totoo, and nungfinally nalaman ko na totoo na nga, siyempre I also felt sad for him kasi alamko they both want it to really work out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ever since naman, magkaibigan kami ni Echo. Although nawalasiya for a while kasi ganyan naman si Echo, ‘pag may mahal talaga siya, yun angpokus niya and naiintindihan ko yun. Saka mula nung naghiwalay kami, wala akongibang hiling kundi ang maging masaya siya. Mahanap niya yung right person forhim at saka yung tama din na tao na mag-aalaga at magmamahal sa kanya."

Since she also came from a broken relationship,hiningan din namin si Kristine kung ano kaya ang maipapayo niya sa mga taongnasa ganito ring sitwasyon sa ngayon, gaya nga ni Jericho.

"For me kasi I don't consider my relationships na ‘dinag-work out coz it did work out. Mayroon lang talagang mga aspeto sarelationship at sa dalawang taong nagmamahalan na minsan you have to work onsomething para mas mag-work out. ‘Di mo masasabing magwo-work out ‘yan omagagawa mo overnight. Sometimes you have to take time for yourself para makitakung ano yung mga things na nagkulang o nawala pero ‘di ibig sabihin nun that'sthe end of it."

STILL LOVES DIET. Consistent sa pagsasabing walangbalikang mangyayari sa kanila ni Diet pero kahit walang reconciliation sakanila, Kristine never denied na mahal pa rin niya si Diet.

"Mahal ko pa rin yun and alam ko ‘di na mawawala yun kahitmagkaroon siya ng ibang girlfriends o magkaroon ako ng ibang boyfriend. Di ko alam kung saan kami dadalhin ng panahon, pero alamko, hinding-hindi na siya mawawala sa puso ko."

NOT YET READY. Lagi ring sinasabi ni Kristine sa mgapast interviews niya na hindi pa siya ready to enter a new relationship. Itorin ang dahilan kung bakit kahit ganun ka-persistent sa panunuyo sa kanya siOyo Sotto ay hindi pa rin lumalagpas sa pagiging magkaibigan ang relasyon nilani Kristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun pa rin kami, wala pa ring nagbabago sa sitwasyonnamin. As long as hindi pa ako handa na magbukas ng puso at sarili ko, walangmagbabago. So far, we're still the same and masaya naman kami sa ganun.

"'Di mahirap mahalin si Oyo, napakadaling mahalin ng taongyun. Grabe siya magpakita ng pagmamahal, atensyon, affection, talagang all out.But right now, di ako nagmamadali, wala pa sa plano ko ang pumasok sa bagong relasyon,but tingnan natin pag dumating na yung time na."

WILLING TO WORK WITH DIREK ANDOY.Isa sa isyung pinukol kay Kristine noon ang matinding away raw sa pagitan nilang director ng Prinsesa ng Banyera na si Direk Andoy Ranay, dahilan ngaraw kung bakit napaaga ang pagkawala nito sa ere.

Sa tanong namin kung bukas pa ba siyang makatrabaho uli angnasabing director, positibo naman ang naging sagot sa amin ng aktres.

"Kung magiging maayos naman, kung maayos ang lahat, bakithindi? Kasi ako as much as possible, lahat ng katrabaho ko, gusto ko kasundo ko.Hindi lang sila ang nag-a-adjust sa akin, nag-a-adjust din ako sa kanila. So, Iprefer na family talaga yung treatment namin. Yung tipong ‘di ka nagwo-worry nabaka iba na yung sinasabi sa iyo o nami-misinterpret ka na pala. Siyempre masgusto ko yung kilala ako, yung mahal ako saka yung accepted ako at ganun dinsiya.

"Pag trabaho kasi sa akin, ‘di ko siya tinatrato na trabaholang ito, professional ako. Sige, perominamahal ko kasi ang mga katrabaho ko...Kumbaga, gusto ko silang maging parterin ng buhay ko. Ganun kasi akong klase ng tao at ganun ako magtrabaho kaya‘pag may nangyayaring ganun, naaapektuhan din ako nang sobra."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN