Sunshine Cruz strikes back at Cesar Montano's sister

IMAGE 0


"Kaya kongtiisin ang lahat ng 'yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin,dahil mahal ko siya. Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, dedma langat walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitongklaseng paninira sa akin," laments Sunshine Cruz about the hate e-mails allegedly being spread by her sister-in-law.



Kaninang umaga, June4, ay ginulantang kami ng isang text message mula sa aktres na si SunshineCruz.

Ang sabi sa message:"Hi friend... I'm issuing a written statement this Saturday for StarTalk.They are doing a story on what's happening and what is being done to destroy meand my family by my own sister-in-law with the help of my stepdaughter.

"Too much nafriend and what hurts is the fact that Cesar [Montano, Sunshine's husband] isnot protecting his family from his sister at all. I need to do something beforethey totally crush me.

"It's beenyears that I kept quiet for Cesar. I was told by someone that hate e-mails foryears about me were being sent to writers and TV stations. They now realize whois spreading the hate mails.

"From thesuicide death of Cesar's cousin pinpointing me to be the cause, to pocketingcampaign money of Cesar, to having an affair with another guy... Lahat yunkinakalat sa TV at press ng isang taong matagal nang gustong sirain angpagsasama namin ni Cesar at sirain ang kinabukasan ng mga anak ko..."

ENOUGH IS ENOUGH. Kumilos agad kami bycalling Sunshine. Actually, matagal na naming alam ang mga hinaing na ito ngaktres, pero naroroon pa rin kasi sa kanya ang kagustuhang maisalba angrelasyon nila ni Cesar.

"Kailan langkasi ako nag-log in uli sa Friendster," sabi ni Sunshine nang makausap na naminsiya sa telepono. "May mga kamag-anakan kasi ako sa ibang bansa nanagpi-Friendster, at marami nga silang nababasa tungkol sa akin. They gave mean idea about the bad things being circulated about me. Kaya I wanted to findout for myself.

"Hindi mapakialamanng sister-in-law kong si Ched ang Friendster account ko dahil banned siya. Noonko pa alam na siya ang nagkakalat ng mga paninira sa akin, pero pinagtitiisankong lahat yun, alang-alang sa asawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ng Diyoskung paano ko pinakisamahan ang pamilya ni Buboy. Iniisip-isip ko hanggangngayon kung ano ba ang malaking kasalanan ko sa kanila para gawan nila ako ngganito," himutok ni Sunshine.

Si Ched, sapagkakaalam namin, ay kasal sa isang foreigner at naka-base sa Italy.

Lalo raw na-shock siSunshine nang malaman niyang nakikipag-connive diumano si Angela Montano, anak niBuboy sa una nitong asawa, sa pagpapakalat ng kasiraang ito sa aktres throughFriendster.

"Kaya kongtiisin ang lahat ng 'yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin,dahil mahal ko siya. Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, dedma langat walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitongklaseng paninira sa akin," at tuluyang napahagulhol si Sunshine sapakikipag-usap sa amin sa telepono.

Lately, sa ganitongpagkakataon, sinabi ni Sunshine na nawawala ang asawa niya kapag mayroongganitong problemang dapat harapin.

"Basta, angnai-text pa niya sa akin, 'Kasalanan mo 'yan dahil nakipag-away ka sa kanila!' Masakitang balik ng mga salitang yun dahil hindi totoong nakikipag-away ako sa mgakamag-anakan niya. At kung may problema man kami, wala silang karapatangyurakan ng ganoon ang aking pagkatao, at kapag naaapektuhan ang mga anak ko ngganito, lalaban na ako," pahayag ni Sunshine.

RELATIVE'S SUICIDE. Tungkol naman saisyu na isang kamag-anak ni Cesar from Cebu na nagpakamatay, ang nangyari rawkasi ay nakautang ito ng milyones sa aktor.

"Nagingproblema rin namin ni Buboy ang tungkol diyan at pinag-usapan namin," lahad niSunshine. "Si Buboy mismo ang nagturo sa akin ng sasabihin sa pinsan niyang yun.Naging maingat naman ako sa pagpapaalala sa problemang yun sa pera.

"Besides, angalam ko, marami pa siyang ibang pinagkakautangan. Nagkapatung-patong na yun.Bakit sa akin isisisi kung nagpakamatay siya? Alam kong usap-usapan sa Cebu'yan noon at naisip ko na lang, na-blind item pa 'yan dahil nasagap lang angtsismis. Hindi ko na lang pinansin para hindi na lumaki pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero habangtumatagal yata ang pananahimik ko, parang sumosobra na sila, na kinakaya-kayana lang nila ako. I just find out, may deliberate efforts para sira-siraan akothrough hate emails," mariing sabi ng aktres.

POSSIBLE ANNULMENT. Sa paglantad na itoni Sunshine sa pamamagitan ng written statement sa StarTalk, ito na ang hudyatng mas matindi pang sigalot na kakaharapin niya na baka humantong na nga satuluyang paghihiwalay nila ni Cesar.

"Yun naman yataang gusto niya, e," sabi ni Sunshine. "Katulad niyan, paano ko masasabing mahalpa niya ako kung hindi siya gumagawa ng paraan para protektahan ako? Sino paang magtatanggol sa akin? Wala na ang papa ko. Ang mommy ko, matanda na at mahina, nakakadagdag pa ako ng sama ngloob.

"Alam ni Cesarna ipinaglaban ko siya sa mga magulang ko noon dahil ayaw nila sa kanya, peropinakasalan ko pa rin siya. Bakit hindi niya magawa sa akin yun ngayon sa mgakamag-anakan niyang sumisira sa akin?

"Nakikipag-usap na talaga ako sa lawyer ko.May nilapitan pa akong isa pang lawyer sa pagsasampa ko ng annulment case.Through these years, sinira nila ang buhay ko. I have to fight back, for thesake of my children," saad ni Sunshine at lalong napahagulhol siya ng iyak.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ni Cesar tungkol sa mga pahayag ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN