Onemig Bondoc to open maritime school for local seafarers

Jun 5, 2008
"I want to help produce better generations of Filipino seafarers by elevating the standards and the quality of maritime education so they can be globally competitive and highly competent, if not the best in the world," says former actor Onemig Bondoc.
May magandang proyekto na gustong ipatupad ang dating actor na si Onemig Bondoc. Nais niyang makatulong sa maraming Filipino seafarers through better education and proper training.

Sa isang radio interview ni Onemig, ito ang kanyang sinabi:

"I want to help produce better generations of Filipino seafarers by elevating the standards and the quality of maritime education so they can be globally competitive and highly competent, if not the best in the world."

Noong October 2007, Onemig founded the Seamanship International Training Academy (SITA) na ang pinaka-aim ay maging isa sa leading maritime training centers sa Pilipinas. Magpo-focus ang SITA sa pagbigay ng world-class education to maritime professionals and companies in a global environment.

Magbubukas na nga ang bagong headquarters ng SITA on June 7, 2:00 pm sa 3rd floor, BF Condominium Building, Andres Soriano corner Solano Streets, Intramuros, Manila. Ang inauguration ay pangungunahan nina Sen. Chiz Escudero, Manila Mayor Alfredo Lim at Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista.

Continue reading below ↓

Para sa pagbubukas ng SITA, ang first 50 students na papasok ay bibigyan ni Onemig ng 50 percent off sa tuition.

Devoted na nga ang dating DepEd Spokesperson for the Youth sa kawang-gawa at pansamantalang kinalimutan muna ang kanyang showbiz career.

Nakilala si Onemig sa paglabas sa ilang mga TV and print ad commercials bago ito maging ganap na celebrity via the youth-oriented series na TGIS ng Viva Television, kung saan sumikat din ang mga kasabayan niyang sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Red Sternberg, Raven Villanueva, Michael Flores, at Ciara Sotto. Naging bahagi rin siya ng GMA-7 soap drama na Villa Quintana.

Gumawa rin ng ilang movies sa ilalim ng Viva Films si Onemig, kabilang na rito ang TGIS: The Movie, Takot Ka Ba Sa Dilim, Dahil Ba Sa Kanya, Silaw, I'm Sorry My Love, Sumigaw Ka Hanggang Gusto Mo at marami pang iba. Huli niyang naging TV shows sa ABS-CBN 2 ay Labs Ko Si Babe, Pangako Sa ‘Yo, Buttercup at Marina. Nag-host din siya ng Chowtime Na sa IBC-13.

Continue reading below ↓

Kamakailan lang ay bininyagan ang anak ni Onemig named Armelle Janelle Christine. Anak niya ito sa kanyang girlfriend and live-in partner na si Valerie Bariou.

Read Next
Read More Stories About
Onemig Bondoc
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I want to help produce better generations of Filipino seafarers by elevating the standards and the quality of maritime education so they can be globally competitive and highly competent, if not the best in the world," says former actor Onemig Bondoc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results