Alfie Lorenzo to Judy Ann Santos’s detractors: "Huwag naman si Juday ang pag-initan nila!"

by Bong Godinez
Jun 6, 2008
Judy Ann Santos's long-time manager Alfie Lorenzo once again came to his ward's defense in response to the criticisms earned by Juday in the wake of the Meralco system's loss infomercial. "In-explain lang niya yung system loss, sa paraan na mas madaling maintindihan ng mga fans niya. At saka, para sa mga fans niya yung ginawa niyang explanation na 'yon. Sa mga fans niya na nagagalit sa Meralco. Para naman mabawasan ang mga nagagalit sa Meralco," wrote Alfie

Ginagawa diumanong scapegoat ng ilang kritiko ang aktres na si Judy Ann Santos para lamang lalong painitin ang Meralco system-loss issue. Ito ang pananaw ng equally controversial manager ni Juday (Judy Ann's nickname) na si Alfie Lorenzo.

Naging mainit na usapin kasi lately ang paglabas ni Juday sa isang infomercial ng Meralco upang ipinaliwanag niya ang system loss. Ang system loss ay ang panibagong issue na kinasasangkutan ngayon ng Lopez-owned power company, kung saan muling inaakusahan ang nasabing kumpanya ng "overcharging" sa mga consumer.

Sa paglabas ni Judy Ann favoring Meralco ay marami ang nagalit at nag-react. Hindi na raw inisip ng aktres ang tunay na laman ng nasabing isyu at ang implikasyon nito sa taong bayan.

Noong Martes, June 3, ay nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa pangunguna ng lider nito na si Dante Jimenez, sa publiko na i-boycott and lahat ng pelikula at TV shows ni Juday bilang tugon sa diumano'y pagkatig nito sa Meralco.

Continue reading below ↓

WHAT CONGRESS? Sa latest na pahayag ni Alfie na nailathala ngayong araw, June 6, sa Abante Tonite, matapang na sinabi ng beteranong talent manager, "E, ilang ulit ko bang sasabihin na hindi naman in-endorse ni Juday ang Meralco, na wala naman siyang sinabi na magpakabit na kayo ng Meralco?"

Ipinaliwanag lang naman daw ng kanyang alaga ang system loss sa paraang mas magiging madali itong maintindihan ng publiko. Nauna na ring sinabi ni Alfie na sinunod lang naman ni Juday kung ano ang nakalagay sa script. Kumbaga ay talent lang naman daw si Juday kaya hindi raw fair na idawit ito sa kung anumang hinaing meron ang marami laban sa Meralco.

"Hindi po niya ginawa ‘yong pagpapaliwanag na ‘yon para sa mga tao na gusto siyang i-boycott o para sa mga congressman o sino mang politician na gustong maki-ride on," wika ni Alfie na lantarang pinapatutsadahan ang ilang indibidwal na diumano'y "nakikisawsaw" sa usapin.

Continue reading below ↓

"Huwag naman si Juday ang pakialaman at pag-initan nila! E, si Juday pa ang pakikialam nila, e, alam ba nila kung gaano kalaki ang ibinabayad ni Juday sa Meralco?"

Kinuwestiyon din ni Alfie ang posibilidad na ipatawag si Juday sa Kongreso para magpaliwanag.

"Bakit naman siya ipapatawag?" tanong ng manager, "Ano ba ang nilabag niyang batas?"

Patuloy ni Alfie, "Hindi siya puwedeng ipatawag dahil wala naman siyang nilabag na batas. May nilabag na batas na ba yung nagbasa ka ng script at nag-explain ka lang?"

FOR THE FANS' SAKE. Sa interview niya sa radio program ni Mike Enriquez noong June 3 ay maraming nabigla nang sabihin ni Alfie na hindi siya aware na may offer pala kay Juday para gawin ang Meralco infomercial.

Paano daw mangyayari ang ganoong scenario samantalang manager siya ni Juday at imposible namang makalusot ang mga offer nang hindi dumadaan sa kanya? Ang dating tuloy sa ilan ay naghuhugas-kamay si Alfie samantalang nasa Europe ang sikat na alaga.

Continue reading below ↓

"E, totoo naman na hindi nagdaan sa akin ang infomercial na ‘yon. Ang secretary ni Juday na si Jane dela Cruz [ang nakipag-usap para sa project]."

Sa ngayon daw ay nais malaman ni Alfie kung paano napapayag si Juday para gawin ang ad. Theory niya, "Baka naman sinabi nila kay Juday na para sa mga fans niya ‘yon, kaya ginawa naman ni Juday, o nabola siya."

Alam na raw ni Judy Ann ang gulo na idinulot ng kanyang patalastas dahil tinawagan na ito ng ina niyang si Mrs. Carol Santos. Hindi raw mapakali ang ina ni Juday dahil sa lahat ng nababasa at naririnig nito. At nang malaman nga raw nito na ang sekretarya ang nakipag-negotiate ng ad in behalf of Juday, "Hayun ang nanay ni Juday, nasa ospital ngayon," kuwento ni Alfie.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Alfie Lorenzo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos's long-time manager Alfie Lorenzo once again came to his ward's defense in response to the criticisms earned by Juday in the wake of the Meralco system's loss infomercial. "In-explain lang niya yung system loss, sa paraan na mas madaling maintindihan ng mga fans niya. At saka, para sa mga fans niya yung ginawa niyang explanation na 'yon. Sa mga fans niya na nagagalit sa Meralco. Para naman mabawasan ang mga nagagalit sa Meralco," wrote Alfie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results