Lorna Tolentino and sons Ralph and Renz still trying to be strong after Daboy's passing

IMAGE 0


"We're all trying our best to be strong. Siyempre sa araw-araw,lalo sigurong sumasaya yung puso namin kapag nakikita namin ang lahat ng mgataong gustong makita si Rudy," said Lorna Tolentino who was very happy in seeingthe people who paid their final respects to her husband Rudy Fernandez.



Sa ikalawang araw ng wake ni Rudy Fernandez sa HeritagePark, Taguig City, kumpara noong unang araw, nagawa na ngang magpa-interview ngasawa't dalawang anak na naiwan ni Daboy na sina Lorna Tolentino at sinaRaphael at Renz sa Showbiz Centralhost na si Pia Guanio.

Sa pagkakataong ito, kasama na ni Pia ang manager nina Lornaat ng namayapang si Daboy na si Lolit Solis sa pag-i-interview sa mag-iina.Habang si Lolit sa pagitan ng interview ay nagbibigay ng ilang informationabout Daboy at sa mag-iina.

"Ang aking tatlong anak," ang naging pagpapakilala ni Lolitkina Lorna, Ralph, at Renz na natatawang ikinorek ni LT sa pagsasabing, "Apo mo na sila, ‘Nay," patungkol sa dalawang anak.

"Lorna, how are you doing right now?" ang pambungad natanong ni Pia sa biyuda ni Daboy na this time, halatang mas okey na. Sabi nga niLorna, "We're all trying our best to be strong. Siyempre sa araw-araw, lalosigurong sumasaya ‘yung puso namin kapag nakikita namin ang lahat ng mga taonggustong makita si Rudy.

"Lahat ng mga taong nakikiramay. Lahat ng mga tumutulong saamin. Lahat ng nagmamahal sa kanya, lalo na."

DABOY AS A HUSBAND. Ayon kay Pia, nakita ng publiko kung gaano kagaling naartista si Daboy noong nabubuhay. Kung gaano rin ito kabait na kaibigan. Tanongnaman niya kay Lorna, how was Rudy naman daw as a husband to Lorna?

"Wala naman...kahit naman sino, wala namang perpekto. Perosiguro, para sa akin, talagang kami ay para sa isa't isa. Mas marami kamingpinagdaanan na siguro...trials sa aming pagsasama. Pero palagi naming sinasabi na we're meant to be together and we are made for each other."

Marami rin daw little things that Lorna can consider thatmade her feel really special for her husband. Aniya, "Napakarami...kasi, si Rudynaman, kapag may mga time na alam mo na mababa ang loob mo, malungkot ka or medyomeron kang pinagdadaanan, palagi siyang nandiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, kaya maraming nagmamahal sa kanya dahil palagisiyang nandiyan to lift you up. His sense of humor, napakaganda. Yung pagbibironiya. Yung laughter niya, siguro yun ang hindi namin malilimutan dahil yungtawa niya, mahahawa ka, e."

A LONELY HOME. Kinumusta naman ni Pia ang panganay na anak niDaboy at LT na si Raphael.

"Natutuwa ako na marami ang nagpupunta rito," tugon niRalph. "Kasama ka na ro'n [Pia]. Masaya... masaya, ang daming sumusuporta. Angdaming nagmamahal sa kanya. ‘Tapos, nararamdaman ng pamilya yung pagmamahal ngibang taong nakikiramay."

Since Pia herself is very close din daw sa kanyang sarilingama, she cannot begin to imagine how it is nga raw to lose a loved one. So, sheasked Ralph how was it like for him during the first day?

Ralph said, "Mabigat siya. Usually may shock, e. Maynumbness. Feeling ko, papalo yung pain later on, pag-uwi. Nag-try akong umuwi,e...medyo malungkot sa bahay. So, nag-stay kami ritong lahat sa Heritage Park.

Sa puntong ito, nagsalita nga ang nanay-nanayan ng tatlo nasi Lolit at gusto raw niyang i-share sa lahat na si Ralph, kinunan talaga angpapa niya ng video since Raphael finished a filmmaking course at Ateneo deManila University.

MISSING DAD. Para sa bunso na si Renz, napakarami naman daw nilangginagawa ng papa niya na espesyal at hindi niya malilimutan.

"Marami, e. Almost lahat every time na kasama ko siya.Siguro ‘yung pinaka-favorite ko, kapag kasama ko siyang nag-e-exercise.Nagbo-boxing kami ng sabay. Almost lahat, e. Hindi ko masasabing lahat. Sigurobuong araw tayong magkukuwentuhan." Nanakangiting tila tinanggap naman ni Pia ang parang hamon ni Renz na, "Gawinnatin ‘yan ha," patungkol sa 24 hours na kuwentuhan about his bonding with hisdad.

Tinanong din ni Pia sina Ralph at Renz kung anong klasengsuporta naman ang ibinibigay nila sa kanilang ina na si Lorna who stood andtook care of their dad 24/7 during those trying times...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ralph, "Nagdadala ‘ko ng pagkain sa kanya galing dunsa tapat ng Ateneo. Favorite niya, yun, e. So, foods lang...ganoon. And I tried to be there."

SUPPORTING MOM. Sa unang araw, when Lorna was not yet ready to face the peopleafter Daboy died, tinanong ni Pia si Lorna if it's really true that it was hertwo sons who took care of everything?

Pero sagot ni Lorna, may bilin daw si Daboy na alam ngdalawang anak niya.

"Actually...kasi, alam nila na nagbilin sa akin si Rudy na anggusto niya, hanggang sa huli, nandoon ako. So, siguro nakita nila na baka hindiko makayanan, sumama sila sa akin doon sa embalming.

"They we're there and Ralph took video of his dad. Si Renznaman, kasama ko rin doon habang pinapanood kung ano ang ginagawa sa papa niya."

Ayon naman kay Lolit, during the last days na alam na raw niRudy na maysakit na ito, he made sure na lahat daw sila, nagba-bonding. Posibleraw na kaya na-miss ni Rudy ang bahay kung kaya't nagpa-discharge ito sa Cardinal Santos Hospital.

NOT HARD TO SAY I LOVE YOU. Sinabi rin ni Lolit na very expressive daw ang dalawang anaknina Daboy at LT sa kanilang love sa kanilang mga magulang kahit mga lalaki sila. Ayon nga kay Renz, when Pia asked kung naipakita ba niya ang pagmamahalsa ama when Rudy was still alive, "Since I was born, siguro ipinapakita na niyakung gaano niya ‘ko kamahal. ‘Tapos, ako rin, ipinapakita ko rin sa kanya bytrying to be the best for him."

Sinegundahan naman ni Lorna ang naging pahayag ni Lolit. Aniya,"Sa amin, hindi puwede. Sila—mula nang bata, kumbaga—yung yakap at halik saamin, kumbaga, ano yun, madali. Pati yung pagsasabi ng I love you, madali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pia asked Raphael kung merongibinilin ang kanyang daddy since panganay nga siya at tatayo na ngayong "manof the house."

"Noong nasa hospital pa lang, meron siyang mga sinabi...parangwarnings, ganoon...maging responsible. Ever since naman, nag-aalagaan na kami safamily. I hope, that doesn't change na ngayong wala na si Papa."

LORNA WISHED SHE WAS FIRST TO GO. Hiningan din ni Pia si Lorna ng prayers niya for Rudy atkung anumang mensahe ito na gustong sabihin kay Daboy ngayon. Sa puntong ito, medyonangiti si Lorna nang sabihing, "Actually, pinag-usapan din nga namin ‘yan. Minsannga, mahirap, pero talagang dumadaan kapag may nagkakasakit sa pamilya, hindimo maiiwasan.

"Minsan, kahit hindi pa nagkakasakit, napag-uusapan niyo na,paano..."

Ayon kay Lorna, may usapan pa raw sila noon ni Rudy na masgusto niyang siya ang maunang mawala. Hindi raw kasi niya alam kung paano anggagawin kapag wala na si Rudy at siya ang naiwan.

"Sabi ko nga, kapag nawala siya, mas mahihirapan ako. SiRudy, napaka-organized niya. Mas detalyado siya sa mga detalyeng dapat niyangalagaan. Pati mga papers niya...Pero sinasabi niya, matutuhan mo rin ‘yan. Atkung sakali man na mawala ako, iga-guide kita."

Dugtong pa ni Lorna, "I know in my heart, nandiyan siya, meronna akong anghel sa tabi ko."

Sinegundahan ni Lolit ang pahayag ni Lorna. Aniya, "patipapeles, he's very organized. Actually, para siyang librarian."

Sa huli, pinasalamatan ni Lorna ang mga taong walang-humpayang pagdagsa sa HeritagePark para magbigay ngkanilang last respects kay Rudy. Hindi nito itinangging, at first, nandoon angpangamba na baka wala raw masyadong magpunta dahil sa kalayuan ng Taguig. Peronagugulat nga raw sila at masaya dahil alam nilang maging si Rudy ay masaya nanatupad ang kahilingan nitong maging bukas sa lahat ang kanyang wake. Iba't ibang lugar ang pinanggagalingan ng mgataong dumarating—at ang karamihan ay nagbiyahe mula sa iba't ibang probinsiya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Lorna na mas madaling daan patungong Heritage Park ang C5 Road at may nakalaan din na shuttlepara sa maghahatid sa mga tao palabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN