Alfie Lorenzo berates Juday's detractors who accuse her of being anti-poor

Jun 9, 2008
"Si Juday, hindi pulitiko. Kayo, pulitiko kayo, hinalal kayo ng mga nasasakupan n'yo. Pero kung maglalabas tayo ng mga lahat ng nagawa, para sa mahihirap since tinatawag n'yo si Juday na anti-poor, e, siguro, mas marami pang nagawa si Judy Ann Santos," says Alfie Lorenzo.

Habang kumakalat ang intrigang may pagbo-boycott na magaganap sa young actress na si Judy Ann Santos ang ilang sector ng lipunan dahil sa systems loss ad niya for Meralco, nasa ibang bansa naman ito kasama ang boyfriend na si Ryan Agoncillo para sa matagal na ring binalak na bakasyon.

Ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo ang humarap sa taped interview ng Showbiz Central para sagutin ang mga paratang ng ilan sa kanyang alagang si Juday.

Ayon kay Alfie, aware na raw si Juday tungkol sa mga bagong isyu sa kanya, kahit na nasa ibang bansa pa ito. Ang ina raw kasi nitong si Mommy Carole ang nag-inform sa kanya.

"E, itinawag ng nanay niya kung kaya naman na-spoil ang bakasyon. E, kasi hindi mapalagay ang nanay niya. Nasa St. Luke's ang nanay niya, tumaas ang presyon dahil sa isyu."

Kailan lang, naging vocal ang manager ni Juday na pakiramdam nito, nagagamit nga raw ang alaga niya para sa kapakinabangan ng ibang artist ng ABS-CBN Star Magic, particularly nga si Claudine Barretto na tinukoy niya.

Continue reading below ↓

So, feeling ngayon ng talent manager-columnist, baka raw sinadya talagang ibigay kay Juday ang naturang ad campaign ng Meralco, na as we all know ay pag-aari naman ng mga Lopez.

"Bakit siya ang pinili? Mukhang kapag sadyang ikapapamahak ni Judy Ann, inaamo nila...yung mga nagagalit na yun kay Judy Ann, baka inaano nila...baka raw anti-poor siya. O, sige, rich kayo...putulin n'yo ang kuryete n'yo ng Meralco at bumili kayo ng generator n'yo. O, e di napagmalakihan n'yo ang Meralco. Ganoon lang yun kasimple."

Tila hindi naman apektado si Alfie sa sinasabing gagawing pagbo-boycott kay Judy Ann.

"Gagawa pa kayo ng boycott e sa palagay n'yo naman, yung mga fans niya susundin kayo at magbo-boycott?"

Naniniwala rin ang manager ni Juday na malalampasan pa rin ng alaga ang bagong intrigang kinakaharap.

"Si Juday, hindi pulitiko. Kayo, pulitiko kayo, hinalal kayo ng mga nasasakupan n'yo. Pero kung maglalabas tayo ng mga lahat ng nagawa, para sa mahihirap since tinatawag n'yo si Juday na anti-poor, e, siguro, mas marami pang nagawa si Judy Ann Santos. Mas marami siyang natulungan kaysa sa inyo na nakaupo ngayon diyan. Na hinalal ng taong bayan. Kung katulad n'yo si Juday, sana, tumutulong din sa mahihirap, sana, magtulungan na lamang. Para maipakita talagang maka-mahirap tayo.

Continue reading below ↓

Dugtong pa niya, "Dapat hindi lang nga sarili yun. Desisyon ng tama, wala namang nangyayari, e. Gulu-gulo lang yun. Ipakita na lang natin sa gawa."

Nagbigay naman ng pahayag sina Mr. Dante Jimenez, Founding Chairman ng Volunteers Against Crimes and Corruption (VACC) and Congressman Bienvenido Abante Sr., Chairman of Committee of Public Information. Para sa kanila, the issue definitely is not that simple.

Pahayag nga ni Dante Jimenez, "Kami ay nanawagan na kung maaari, itigil na niya ang advertisement na ‘yan na nakikita naming hindi makatarungan sa ating mga kababayan. In fact, by next week, we will formally launch our boycott in all her advertisements, all her shows at lahat ng mga programa niya."

Nilinaw naman ni Congressman Abante Sr., na wala raw siyang personal grudge against the actress. In fact, aniya, " I don't have anything against Judy Ann Santos. Napakahusay niyang movie star. Ang sa akin lang, talaga bang nauunawaan ni Judy Ann yung kanyang binanggit na ilustrasyon? Na ito ay parang isang blokeng yelo, ‘di ba? Na natutunaw.

Continue reading below ↓

"If I will advertise, I would like to find out if that certain product is very good. Because I'm a good person, ‘di ba? Judy Ann is a good person and a good character. So, anything that she advertise, paniniwalaan ng marami. Marami siyang mga fans, e. Pero kinakailangan na bago niya tingnan ang professional fees niya rito, tignan niya muna yung produkto."

Sa naturang VTR, nagbigay na rin daw ng pahayag ang isa sa major stockholder ng Meralco na kinuha raw talaga nila si Juday upang mas maikalat ang impormasyon sa kanilang mga customers. At hindi raw nila pinilit ang aktress, bagkus, naniniwala raw ito sa mensaheng gusto nilang iparating.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Juday, hindi pulitiko. Kayo, pulitiko kayo, hinalal kayo ng mga nasasakupan n'yo. Pero kung maglalabas tayo ng mga lahat ng nagawa, para sa mahihirap since tinatawag n'yo si Juday na anti-poor, e, siguro, mas marami pang nagawa si Judy Ann Santos," says Alfie Lorenzo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results