PBB Big Winner Ejay Falcon on intrigue he used to be call boy: "Diyos na ang bahala sa inyo."

IMAGE 0


"Ako, parang napakita ko na yung lahat sa loob ng Bahay niKuya. Kung hindi siya totoo, yung mga naglalabasang intriga, hindi ko papansinin.Kasi yun nga, nandun na hindi totoo. Wala na po sa akin yun. Kung totoo naman, so totoo, okey lang po. Tanggap ngtanggap. Alam ko na po yun," says PBB Teen Edition Plus Big Winner Ejay Falcon.



Overwhelmed pa rin ang Pinoy Big Brother Teen Edition PlusBig Winner na si Ejay Falcon nang humarap siya sa presscon para sa Big Four noong June 10 sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.Ipinagkatiwala raw niya ang napanalunang P1-M cash prize sa kanyangstepfather na si Ka Erning, na nanalo rin ng P500,000 among the guardians sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Si Papa na po ang bahala doon. Pagsasamahin po namin. Puwede rin po yung joint accountkami," banggit ng 18-year-old binatang taga-Mindoro.

Pero noong si Ka Erning na ang tinanong, sinabi niya na angperang napanalunan ni Ejay ay para sa kinabukasan ng anak at pagkakaroon ngsarili nitong pamilya sa darating na panahon.

TWO FATHERS. Ngayong may pera na si Ejay, wala ba siyang balak paramakilala ang kanyang tunay na ama na nasa France?

"Sana po siya yung lalapit sa akin. Pero hindi ko na po siyahahanapin kasi kuntento na ako ngayon sa buhay ko ngayon," sagot ng binata.

Hindi raw alam ni Ejay kung nasaan ang tunay niyang ama naisang foreigner. Noong umalis daw kasi ang Mama niya sa kanila, si Ka Erning naang nagpalaki sa kanya. Kay Ka Erning din ang Falcon na apelyidong ginagamit niya.

"Dati na po maganda ang relasyon namin ni Papa simula sapagkabata," saad ni Ejay. "Hanggang ngayon, ganun pa rin po. Family po talaga.Nandun ang love, kumpleto. Pero nung nawala si Mama, na-broken [family]talaga."

Paano niya nalaman na hindi si Ka Erning ang tunay niyangama?

"Nung pumunta po ako ng Manila, mga 15 years old ako. Sinabipo ng mama ko at mga kapatid niya," lahad niya.

TRUE PROMDI. May mga kumukuwestiyon naman sa pagiging probinsiyano niEjay. Hindi naman daw ito totoo dahil tumira raw siya sa Manila ng maramingtaon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Three years po ako sa Manila," pag-amin ni Ejay. "Peroevery three months, umuuwi po ako sa amin [sa Mindoro]. Nagtatagal po ako saprovince. ‘Tapos ‘pag nandito sa Manila, hindi ako lumalabas ng bahay.Lumalabas, pero paminsan-minsan lang po. Kasi isa na po doon ay dahil walaakong pera."

Ano ang masasabi niya sa mga nag-aakusa sa kanya na hindinaman siya probinsyano?

"Para sa akin po, promdi pa rin ako. Yun nga po, nandito akosa Manila. Pero pabalik-balik ako sa province."

Mas gusto ba niyang makilala bilang probinsiyano o Manileño?

"Kung saan po yungtotoo, kasi promdi naman po talaga ako. Proud naman po ako na promdi ako. Perogusto ko ring maging Manileño," sagot niya.

MANILA BOY. Bakit siya nagpunta ng Manila?

"Isinama po ako ng Mama ko dito. Mga fifteen po ako noon, fourthyear high school. Nag-transfer po ako dito," lahad niya.

Saan nakatira ang mama niya dito sa Manila?

"Sa Pandacan, Manila po."

May iba na raw pamilya ang kanyang ina at may isa siyangkapatid dito. Ang kanyang ina raw ang umalis sa bahay nila sa Mindoro atpumunta ng Manila.

"Dito ako nagtapos ng high school sa Carlos P. Garcia [HighSchool] po sa Pandacan. ‘Tapos umuwi ako sa province, one year ako doon. Then,bumalik ako ulit dito," kuwento ni Ejay.

Malayo pa raw sa Calapan, Mindoro, nakatira sina Ejay at Ka Erning. Pagkatapos niya ng highschool, umuwi raw agad siya sa Mindoro para magbakasyon.

"After two months bumalik po ako dito [sa Manila], nag-college. Thennung nawalan ng trabaho ang mama ko, umuwi ako doon [Mindoro]. One year po ako doon. Kasihindi na po ako nakakapag-aral."

Ano sana ang kukunin niyang kurso?

"HRM po sa University of Manila."

Bakit siya bumalik ng Manila?

"Kasi po naisip ko na gusto kong maiahon sa kahirapan siPapa. Kasi kapag nakikita ko siya na nagbubuhat doon, naawa po talaga ako. Maymga pangarap po talaga ako," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST TASTE OF LIMELIGHT. Year 2007 nang bumalik ng Manila si Ejay at nakilala niyaang showbiz hairstylist na si Benjie Alipio. Kasunod nito ang pagsali niya satalent search na Circle of 10, na pinanggalingan din noon nina Rainier Castilloat Dion Ignacio. Hindi siya nakakuha ng anumang puwesto sa naturang talent search,pero natulungan siya ni Benjie na mag-guest sa mga show ng GMA7.

"Sa ngayon po, hindi ko alam kung ano ang plano ng ABS-CBNsa akin. Wala pa po silang sinasabi. Pero gusto ko po sana kung mabibigyan ngchance na mapasama sa teleserye. Siyempre po, gusto ko sa mga action."

Paano nga pala sila nagkakilala ni Benjie?

"Yung friend po niya na taga-Pandacan, kinukuha akong modelsa buhok. Kaya lang, ayoko pa noon. ‘Tapos bumalik ako ng Maynila, ‘ayun ngapo. May mga pangarap talaga ako. Then, nakilala ko siya," kuwento niya.

Nagpasalamat ba siya kay Benjie pagkatapos siyang tanghalingBig Winner ng PBB Teen Edition Plus?

"Nakausap ko na po siya kanina and siyempre, sobrang....medyoano po, sobrang masaya pero naiiyak. Ganun po."

Hindi pa raw niya nasubukang rumampa sa isang fashion showna naka-underwear. Pero okay ba sa kanya kung kunin siya para maging underwearmodel?

"Kaya ko po," walang kagatul-gatol na sagot ni Ejay.

Naka-ilang girlfriend na siya?

"Dalawa pa lang po. Isa sa Mindoro, isa sa Pandacan. Pero matagalna kaming wala."

Itinanggi naman ni Ejay ang intriga sa kanya na dati siyangcall boy.

"Diyos na ang bahala sa inyo. Basta alam ko sa sarili kohindi ako yun," sabi ni Ejay.

Nakahanda na ba siya sa mga mag-aakusa sa kanya na lalamatsa kanyang pagkatao?

"Ako, parang napakita ko na yung lahat sa loob ng Bahay niKuya. Kung hindi siya totoo, yung mga naglalabasang intriga, hindi ko papansinin.Kasi yun nga, nandun na hindi totoo. Wala na po sa akin yun. Kung totoo naman, so totoo, okey lang po. Tanggap ngtanggap. Alam ko na po yun," pahayag ng PBB Big Winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN