Karylle on issues involving Dingdong:"Never mong papakinggan ang tsismis."

Jun 13, 2008
"All the time kapag may tsismis na lumalabas, siya agad yung kakausapin ko, and vice-versa... Mahinahon kami mag-away. Parang discussion," says Karylle about how she handles the showbiz issues that involve her boyfriend Dingdong Dantes.

Nagbabalik si Karylle sa pagpe-perform on stage through the musical play na West Side Story. She will play the female lead role of Maria, alternating with Joanna Ampil. First time ulit magpe-perform ni Karylle in theater after eight years. Huli siyang lumabas sa Little Mermaid in 2000 bilang si Princess Sapphire. Ka-alternate naman niya bilang Princess Sapphire noon si KC Concepcion.

Incidentally, kasama rin noon sa Little Mermaid ang singer na si Christian Bautista. And this time sa West Side Story, sila na ni Christian ang magkapareha.

"This is the first time we'll work together as partners, but we've been friends for a long time [because of the theater company Trumpets], kaya hindi naman kami nagka-problema adjusting sa pagtatrabaho," pahayag pa ni Karylle sa presscon niya sa Centerstage sa Timog Avenue, Quezon City, kahapon, June 11.

Bakit ngayon lang niya naisipang mag-perform sa isang musical play?

"Ngayon lang ulit nagkaroon ng opportunity. Although I did a mall play last December. Pero sa mall lang yun. Yung Cat in the Hat, yung Dr. Seuss."

Continue reading below ↓

GROWING UP WITH MUSICALS. Mas gusto ba niyang umarte sa stage kesa sa pelikula at telebisyon?

"Hindi naman, pero masaya rin. Iba yung...buti nga sabi ko nakapag-Cat in the Hat ako. Yung anong tawag dito? Kasi pagdating mo doon, ‘eto na yung music sheet. ‘Tapos every day ang rehearsal. Syempre bawal ang ma-late. Parang one to five, mga ganun. ‘Tapos kailangan lahat ng cues alam mo. Kasi ‘pag isa lang ang na-off, parang sira na ang lahat.

"And the funny thing with the play, everyone's excited. Matagal nang walang big, big play. When I was younger, kasi OB [Montessori] ako, e. So, sa OB sobra kaming exposed sa play. Si Lea Salonga kasi is from OB and then si Mrs. Soliven, parati kaming pinapanood ng mga kung anu-anong Broadway [play]. Kahit music play we have to memorize not so popular Broadway songs. So, even as a child because of my school and ‘tsaka yung dad ko, nanghihiram siya ng mga laser disc."

Continue reading below ↓

Nanood ba ng play ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

"Nanonood naman siya. Napanood niya yung play ko sa mall lang."

WHEN IS THE WEDDING? Tatlong taon na rin silang magkarelasyon ni Dingdong. At this point ba hindi pa nila napapag-usapan ang kasal?

"Wala, ‘pag may presscon lang," sabay tawa ni Karylle.

Nag-offer na ba si Dingdong sa kanya ng kasal?

"Ayokong mag-answer ng tungkol diyan."

Kahit mag-offer si Dingdong sa kanya ng kasal ngayon, malabong tanggapin niya?

"Ayoko pang mag-answer pa. I'm not yet prepared to answer."

Dahil sa sagot ni Karylle, feeling ng ilang member of the press, once alukin siya ni Dingdong ng kasal she would readily say yes.

"Huwag naman this moment," nakangiting sagot ni Karylle.

SEXY DINGDONG. Ano ang reaksyon niya sa seksing billboard ni Dingdong?

"Okey naman. Pinipiktyuran ko siya minsan kasama ng billboard."

Hinihinto nila ang pagtakbo ng sasakyan?

"Hindi, binabagalan lang niya."

Continue reading below ↓

Saan niya kinukunan si Dingdong with his billboard?

"Yung sa Edsa, sa may Balintawak, at yung dito dati sa may Cubao. Pinipiktyuran ko siya habang nagda-drive siya."

Na-shock ba siya nung una niyang nakita ang billboard ni Dingdong?

"Nung una kong nakita kasi, parang right after pictorial, pumunta siya sa house. So, naka-ready na yung food kasi parang one month na siyang hindi kumakain masyado. Lahat ng food na gusto niya naka-ready na. Kawawa, e.

"So, pagharap sa food, ‘tapos nakita ko na yung picture, e, di, wow! Siyempre, supportive muna...ganda. ‘Tapos siguro, mga pang-fifth na, ‘My God! Ang dami naman nito!' 'Tapos lahat naka-brief. E, di nagulat din naman ako. Sabi ko, ‘Wait lang, break muna.' ‘Tapos tumayo muna ako, ‘tapos tiningnan ko ulit."

Hindi raw kasi sanay si Karylle na nakikitang naka-brief lang si Dingdong.

"Nakakagulat kasi lahat ng photos, ‘tsaka ngayon kasi, nung ginawa niya yun first time talaga na ganun siya kapayat. So, wala naman. Happy naman ako kasi dati diet siya nang diet. Di kunyari kakain kami sa labas, so, parang feeling ko, konti lang din ang kinakain ko. E, matakaw ako.

Continue reading below ↓

"Pero kunyari diet siya, diet din ako. Pero parang hindi naman siya pumapayat. So, ngayong pumayat na siya, ‘di ba worth it din ang pagda-diet ko?"

Magpo-pose din siya ng sexy sa billboard?

Natawa muna si Karylle bago sumagot.

"Pero at least ‘pag sa SOP kasi before, nagtatago ako sa kanya, e. Ngayon okey na. Kasi ano, medyo conservative siya. Pero ngayon, sasabihin niya, ‘Ay, ang ganda niyan, sexy.' Ina-appreciate niya."

MEN "FANTASIZING" DINGDONG. Hindi ba siya nagseselos lalo ngayon na ang dami nang nagpapantasya kay Dingdong dahil sa billboard?

"Pero alam mo, ang nagsasabi sa akin, more of guys. ‘Tsaka yung iba, guys talaga, huh."

Baka naman mga closet queens yun, sabi namin kay Karylle.

"Hindi, hindi. Yung iba nagulat ako. Na-inspire sila na mag-workout. Kasi parang nagkaroon sila ng hope. Kasi siyempre alam niya before, he had parang...he was a bit fat. And then parang may hope pala sila, ‘di ba?"

Continue reading below ↓

ON POSING SEXY. Gusto ba niya yung ginawa ni Dingdong na pag-pose ng naka-brief sa billboard?

"Choice naman niya yun, e."

Sa himig ng sagot ni Karylle parang hindi niya gusto ang ginawa ni Dingdong na pag-pose ng naka-brief sa billboard?

"Ako? Ayokong magsabi. Ayokong magsabi dahil baka ako, hindi rin niya ako payagan."

May plano siyang mag-pose ng seksi?

"Hindi, wala, wala. Ayoko lang nung pinagbabawalan. Siyempre ‘pag ayaw mo na pinagbabawalan ka. Ayaw mo rin magbawal ka."

DONG AND SHOWBIZ ISSUES. Mahirap ba ang maging kasintahan ng isang Dingdong Dantes?

"Normal lang. I mean, kasi nagka-boyfriend naman na ako before, never naman siyang super weird."

What about sa leading lady ni Dingdong na si Marian Rivera, hindi ba siya nagkaproblema o nagselos kay Marian?

"Wala namang problema. Ang sa akin kasi, growing up with my Mom [Zsa Zsa Padilla], sanay ako na madaming tsismis. ‘Tsaka parang natutunan ko na ‘pag maraming tsismis, never mong papakingggan ang tsismis. Kung meron man, tatanungin mo yung tao talagang involved. Kasi otherwise, baka maloka ka naman."

Continue reading below ↓

Nagkaroon ba sila ng misunderstanding ni Dingdong dahil kay Marian?

"Hindi naman. Mostly about write-ups," pigil na tawa ni Karylle.

Ano ang pinakamatinding write-up na pinag-awayan nila ni Dingdong?

"Hindi, ‘di ba usually ganun lang ‘pag kunyari may na-misinterpret na sulat or, ‘Nasabi mo ba talaga ‘to? Hindi ko na maalala."

Na-confront na ba niya si Dingdong?

"All the time kapag may tsismis na lumalabas, siya agad yung kakausapin ko, and vice-versa. ‘Pag kunyari may ganito [presscon], sasabihin na namin ang pinag-usapan. Ano yung mga posibleng lumabas? Ano yung posibleng ma-misinterpret? Lahat naka-discuss na."

Matindi ba sila mag-away ni Dingdong?

"Hindi naman, Mahinahon kami mag-away. Parang discussion. Parang...E, may ganun, ‘tapos ‘eto yung explanation. So, ganun."

Hindi raw natatapos ang isang araw na hindi nila inaayos ni Dingdong ang anumang gusot sa kanilang dalawa.

"Pero ang pinaka-agreement namin kung may misunderstanding kami, wala kaming gagawing any....parang, hindi naman talaga kami maano. Hindi ilalabas unless na-resolve na or something."

Continue reading below ↓

Although, may nakakapansin daw sa kanila ni Dingdong sa SOP kapag meron silang tampuhan.

"Hindi naman kami nag-aaway sa SOP," paglilinaw ni Karylle.

Hindi raw kasi sila nakikitang magkadikit ni Dingdong sa show kaya akala ng iba, meron silang gap.

"Hindi ko alam. Na hindi kami magtabi? Ang corny kasi, e. Parang alam na ngang kami, ‘tapos magkakatabi pa kami."

DATE WITH DONG. Ayaw din daw kasi nila ni Dingdong ang sobrang PDA (public display of affection). In fact, ‘pag magdi-date nga raw sila ni Dingdong, madalas sa Centerstage lang sila pumupunta na pag-aari ni Karylle.

"Nagkakantahan kami. Meron kasi kaming duet na playlist dito [Centerstage]. Puwede ring manood ng movie dito. Mga duets lahat inuubos namin."

Ano ang favorite na kinakanta nila ni Dingdong?

"'Bed of Roses.' Rock parang sumisigaw."

Dahil ba wala sa tono si Dingdong?

"Hindi naman. Lahat dinu-duet namin usually. Yung ‘Bed of Roses' kasi masaya, maingay. Meron din kaming song na iba."

Continue reading below ↓

THE TWO-YEAR ALBUM. Hindi ba niya nami-miss na makatrabaho ulit si Dingdong sa isang drama show sa GMA-7?

"Oo, pero ngayon kasi like ang focus ko yung Pinoy Idol Extra. At yung play, ‘tsaka yung album. Kasi I have a new band. So, sila yung kasama ko sa album. It's almost done. Mga finishing touches at mga two more songs.

"I'm happy with the way things are going for my career now. Kasi before, for about two years, I was working on my album. Lagi akong tinatanong, ‘What are you doing? What are you doing?'

"Hindi ko naman ma-explain kasi mahirap magsulat. Two years because I wrote 12 songs. Ako lahat ang nagsulat although may ka-collaborate ako. But it was hard to explain na matagal magsulat. Kasi kunyari nasulat ko na, may tune na, pero hindi naman ako marunong mag-play. So, pupunta pa ako sa ibang musicians at sila ang gagawa ng accompaniment."

Continue reading below ↓

Tumulong din daw si Dingdong sa pagsulat ng ilan sa mga kanta niya. Bukod diyan, may songs din sila na ginawa para sa isa't isa.

"Hindi siya kasama sa album."

Bakit?

"Hindi ko alam. Pang-personal na lang. Pero nasa iPod ko siya. Papalitan pa namin yung title kasi parang kulang."

Sa 12 songs na ginawa niya, alin doon ang dedicated for Dingdong?

"Siguro mga 10. Ha-ha-ha!"

PINOY IDOL CRITICISMS. Since na-mention na niya ang Pinoy Idol, ano ang masasabi niya sa negative comments on the show like hindi credible ang jurors at mas maganda pa raw yung Philippine Idol ng ABC-5 kesa sa show nila sa GMA?

"Talaga? Ano ang sasabihin ko?

"Hindi. Well, lahat naman ng mga criticisms ngayon, I think, like kami, nagsa-suggest din kami. Syempre gusto namin gumanda't gumanda siya. So, kahit ako sinasabi ko baka pwede nating gawin yan?

"Even doon sa Extra gumagawa kami ng...I mean, kunyari, ‘eto lang yung agreed na ginagawa namin. Dinadagdagan pa namin like pinapaganda pa namin lalo, like yung isang gabi nag-pajama party. ‘Tapos pupunta kami ng Embassy. Kung anu-ano ang ginagawa namin para lang mapaganda siya," depensa ni Karylle.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Karylle, Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"All the time kapag may tsismis na lumalabas, siya agad yung kakausapin ko, and vice-versa... Mahinahon kami mag-away. Parang discussion," says Karylle about how she handles the showbiz issues that involve her boyfriend Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results