Lorna Tolentino begins new chapter of her life now that Daboy is gone

IMAGE 0


"Kailan ko pa haharapin yun, di ba? Might as well, sige na, face to facena. Kung doon man ako,kahit magsisigaw man ako doon, umiyak ako doon nang halos mamatay ako, afternaman nun, siguradong matatapos din, di ba? Meron namang pagtigil lahat ngbagay. Parang I feel na parang pause na muna for myself. Yun bang, dito lang.Be quiet for a while and fix so many things. Marami pa ring ibinilin sa akin siRudy," says Lorna Tolentino about facing life without he



Inihatid na ang mgalabi ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez kahapon, June 12, sa Heritage Park.Ngayong araw, June 13, naman ang simula ng pagharap sa panibagong buhay ng biyuda ni Daboy na si Lorna Tolentino.

Pero bago maganapang libing ni Daboy ay muling nagpaunlak ngpanayam si Lorna sa ABS-CBN via the morning show Boy & Kris nina Boy Abundaat Kris Aquino. Pumunta si Kris mismosa Heritage Park upang i-cover ang mga huling oras bago ang libing ni Rudy.

"Eto na yungreality, yung katotohan," lahad ni Lorna kay Kris. "Hindi ko na makikita, hindiko na makakatabi. Yung memory, yung mga iniwan niya sa akin, unti-untinagpa-flashback sa isip ko, sa mga bagay na nakikita ko. Yung mga itinuturoniya sa akin, yung mga naituro niya sa akin. ‘Tapos kapag medyo parang doubtfulka sa sarili mo, ano ang dapat mong gawin,sobrang dami."

Tinanong ni Kris siLorna kung kailan niya na-reach ang point at sinabi niya sa sarili na, "Come what may I'llstick it out with him."

"Siguro kasi, maymga nangyari before na naghiwalay din kami, like a month, mga ganun lang. Hinditalaga umaabot ng matagal. And then, kumbaga, parang God's way againnagkaka....kami pa rin ulit.

"Inisiip ko pa rin,doon sa tanong mo, palagay ko mula nung nagsimula yun na yung commitment ko.Parang yun na yung promise ko na it's gonna be him. Parang inisip ko na kungmaghiwalay ako, makakuha man ako ng iba, parang ganun din ang dadaanan ko, e.Bakit pa? So might as well dito talaga sa tao na ang pakiramdam ko ay para saakin talaga and that we're meant to be," paliwanag ni Lorna.

DABOY WAS WELL-LOVED. Damang-dama sa burolhanggang libing ni Daboy na mahal na mahal siya ng kanyang mga kaibigan,especially si Sen. Jinggoy Estrada na very emotional. Grateful naman siLorna sa mga kaibigan ni Daboy na hindi sila pinabayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it's...again,the credit is kay Rudy," sabi ni Lorna. "Sa kanya talaga. Siguro napakagandatalaga ng mga itinanim niya para magkaroon ng napakaganda at napakabuting mgakaibigan. Para sa akin nga, kulang ang pasasalamat sa pagdamay na ginagawa nilapara sa pamilya namin."

Sa hirap ng buhayngayon, kahit malayo ang Heritage Park ay dinayo pa talaga ito ng mga fans niDaboy para lang makita siya sa huling sandali. Ano ang reaksiyon dito ni Lorna?

"Yun ang nagpagaanng loob sa akin," pag-amin ng biyuda ni Daboy. "Kumbaga, yun ang hiling ni Rudy, e, na makita siya. And doonsiguro napatunayan din niya na marami talaga ang nagmamahal sa kanya. Na maramisiyang tagahanga na gustung-gusto na makita rin siya, na makasama siya sahuling sandali niya. I feel, kung nandun siya sa langit, ngumingiti siya withthat giggle na alam mo yun, na parang pati ikaw, e, matutuwa at matatawa kapagnaggi-giggle siya."

LORNA'S ADVICE. Humingi ng mensahesi Kris kay Lorna para sa mga tulad niya na may miyembro ng pamilya na maysakit din na cancer, tulad ng kanyang ina at ex-President Cory Aquino. Inalamni Kris kung paano titimplahin na hindi sosobra ang kalinga at pagmamahal naibinigay ni Lorna kay Daboy sa mga taong dumaranas din ng ganitong sitwasyon.

"Siguro it's beingselfless," sagot ni Lorna. "It's giving yourself 100 percent. It's knowing,first of all, the sickness. Siguro ang hirap nga nung sa amin because inRudy's case, it's [periampullary cancer] so rare. Parang humahanap ka talaga ng mga bagong paraan paralalo... You just really have to accept yung you can't find the cure anymore.

"Ang cure ay nasaDiyos. Nasa Kanya yung milagro, nasa Kanya yung pagbibigay ng posible. But ifyou want to prolong and siguro enjoy the quality ng buhay na puwedengibigay mo sa maysakit at sa pamilya rin, yun yung siguro pinakadapat mongisipin. And at the same time, serving the person. Kasi ‘pag may sakit tayo, lahat ng klaseng paglalambing, lahatng klase ng pagmamahal, gusto nating maramdaman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE LIFE AFTER. Ibinahagi naman niLorna kay Kris ang mga plano niya pagkatapos ng libing ni Rudy.

"I just wanna pausefor a while with my children," sabi niya. "Yun na muna siguro. Parang actually,you're asking me kanina if I'll go home after this [burial]? And naisip ko lastnight, kailan ko pa haharapin yun, di ba? Might as well, sige na, face to facena.

"Kung doon man ako,kahit magsisigaw man ako doon, umiyak ako doon nang halos mamatay ako, afternaman nun, siguradong matatapos din, di ba? Meron namang pagtigil lahat ngbagay. Parang I feel na parang pause na muna for myself. Yun bang, dito lang.Be quiet for a while and fix so many things. Marami pa ring ibinilin sa akin siRudy."

Tinanong ulit niKris si Lorna, "During your darkest moment, sinasabi nila na that's the time weshould think of what we are most grateful for. Dahil doon maaalala mo na mahalka ng Diyos. Sino at ano ang dapat mong ipagpasalamat ngayon?"

"Unang-unang siRudy," sambit ng aktres. "Kumbaga, maraming salamat na nahiram ko siya.Pinahiram lang siya sa akin. Ang may-ari talaga sa kanya ang Panginoon. Pinahiram siya sa akin, so nagpapasalamt ako doon.

"Ang mga anak ko.Ang pamilya ko. Ang mga kaibigan na hindi tumigil, hindi huminto, sumabay sapaglalakbay namin. Even if it was a tough, really tough journey, nandudun sila.

"Yung mga tagahangana minsan-minsan na lang natin nararamdaman yung pagtangkilik nila sa atindahil bihira na nga ang paggawa ngpelikula. Doon natin nage-gauge na talagang mahal ka ng publiko dahilpinapanood ka nila. Dito siguro, yung trying times na ganito, nandiyan lalosila. Yung messages na hindi mo matatawaran habang dinadaanan mo yung pagsubokna nandidiyan, nagdarasal silang lahat.

"Kaya nga sabi niRudy nung last ano niya, sinabi niya, nagpapasalamat siya sa sambayanangPilipino na talagang pinagdarasal siya, lahat ng relihiyon. I feel talaga na,alam mo yun? Gusto niya walang nag-aaway, lahat magkakabati. Hanggang sa huliparang ganun ang gusto niyang mangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking credittalaga ang dapat ibigay sa pamilya ni Rudy dahil pumayag sila na i-share salahat at naintindihan nila na gusto ng samabayang Pilipino na maging bahagi samalungkot na sandaling ito at i-express sa kanila na mahal na mahal sila ngaktor.

"At hindi rin namannamin itinago at ipinagkait sa kanila nung dumating ang panahon na nalamannamin. As much as we can ini-inform din, pero meron din sa bandang huli naparang kailangan naman para sa pamilya," saad ni Lorna.

RUDY'S SONS. Kabilang sa legacy ni Rudy ang kanyang tatlong anak na lalaki na sinaMark Anthony, Ralph, at Renz. Si Mark ay anak ni Rudy sa kanyang dating ka-live-in na si Alma Moreno.

Sa necrologicalservice nung Miyerkules, June 11, sinabi ni Mark na biggest failure siya ngkanyang ama ayon sa iba. Pero sa daddy raw niya, he was so proud of him.

"Totoo yung sinabiniya na kumbaga, siguro dumating yung panahon na iniisip ni Rudy na parang as afather, nag-fail siya because marami ring pagsubok na dinaanan si Mark. Peronalampasan naman ni Mark yun at nagawang malampasan ni Mark yun dahil na rinsiguro sa tulong ni Rudy na mapabuti siya at mapadiretso siya. Rudy gave atough job kay Mark, di ba?

"At nagpapasalamatako kay Mark na alam niya at inintindi niya na yung ganoong klase ng pagmamahalay tama para sa panahon na yun. And sa ngayon, di ba, nagtatrabaho siya,mahusay siya, nahuhugutan niya ng tamang emosyon ang lahat ng papel niya? It'sbecause yun na nga yung achievement na yun. Siyempre ‘pag bumagsak ka atumangat ka, isang malaking achievement yun. Kaya talagang achievement na siyang father niya ngayon

"Kay Ralph, yun angpinapangarap niya [maging direktor tulad ng kanyang lolo]. Kaya unti-untinaman, kahit tapos na siya, unti-unti, marami pa rin siyanga inaalam tungkol salikod ng industrya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Renz, sa tinginko papunta rin siya sa pag-aartista. Siguro lahat ng mannerisms ni Rudy, makikitasa kanya. Pati sa pananalita," nangingiting pahayag ni Lorna.

Payag naman daw siLorna na mag-artista si Renz.

"Okey sa akin bastamatapos lang nila ang pag-aaral. Yun naman ang pangarap namin ni Rudy, e."

Sa huli, sinabi niKris na may mga tao na alam daw nila kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niLorna. Pero minsan ba nasabi ni Lorna na, "Hindi totoo ‘yan"?

"Actually, minsan nga iisipin mo, sasabihin moparang, ‘Can I take it back?' Kumbaga, ‘Lord', sinabi kong, ‘Okey na. Puwede kongbawiin ulit?' Pero hindi na, e, wala na. Alam mo yun? Ang dami, mixed emotionstalaga," pagtatapos ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN