Snooky Serna tired of answering issues hurled at her

by Rommel R. Llanes
Jun 16, 2008
"So, sabi ko, 'Huwag na, tama na,' napapagkamalan pa akong gumigimik... ‘Di ba, na negative? Napaka-below the belt na naapektuhan na yung mga anak ko. So sabi ko this time, tama na," says Snooky Serna.

Nakarating na pala kay Snooky Serna na may girlfriend na ang ex-husband niyang si Ricardo Cepeda. Pero okey lang yun sa kanya. Hindi naman daw siya nasasaktan.

"Nabalitaan ko lang. Pero okey lang, may magagawa ba ako?" sabi ni Snooky sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, June 15, sa presscon ng pelikulang Paupahan. Pinagbibidahan nina Allen Dizon at Jay Manalo ang pelikulang ipalalabas sa July 2.

"But seriously speaking, naka-move on na kasi ako, so, okey lang, tanggap ko
na. In the first place, wala naman akong karapatan ding magdyeling [jealous] pa because ako naman ang naunang na-in love, nag-asawa nga ako ulit. Because I thought I found the right man, hindi pa rin pala. So, okey lang, tanggap ko. We both moved on, thank God."

LOVELESS SNOOKY. Kung si Ricardo ay may bago na, si Snooky ay loveless ulit ngayon.

"I am very, very peacefully single. I'm so unattached but then I'm very happy. ‘Di ba nababali-balita nga na may model-model ako, kung sino-sino? Pero hindi totoo yun. Zero balance ang aking love life. But I'm happy, honestly. Pinagpapahinga ko muna ang aking emotion. Tama na muna, ‘noh!"

Continue reading below ↓

Lagi na lang nauuwi sa wala ang pakikipagrelasyon ni Snooky. Hindi kaya dahil na-trauma na siya na muling magmahal?

"Ito ang totoo, magpakatotoo tayo. Siguro may kahalong trauma ng konti. Plastik ang magsasabi na, nanggaling sa dalawang traumatic experiences, yung talagang heavy, dramatic experience sa life nila na sabihin nila, 'Naku, di ako na-trauma ni konti.' Meron. May sugat na forever nang nandun sa heart ko. Kumbaga mahirap nang gumaling.

"Yun nga na-trauma nga ako. There are some things in your life talaga kasi na nakaka-trauma. And of course, having had two failed marriages or have been through two failed marriages, siyempre ano..traumatic naman. Sino ba naman ang may gustong mahiwalay sa asawa? Yung hindi mabuo yung pamilya?"

DISMENORRHEA. Sabi ni Snooky ay wala siyang boyfriend ngayon, pero bakit napabalita na diumano'y buntis siya? Nagpunta nga raw siya sa hospital kamakailan.

"Walang katotohanan yun! Ang nangyari kasi, sumakit nang sumakit yung tummy ko. May appendicitis na nag-bleed. Nag-bleed ako. And it's because I had period that day. Kaya lang ako, every time may period ako, nagdidisminorya ako. And that's what happened. So, na-rush ako sa hospital kasi ang sakit-sakit ng tiyan ako.

Continue reading below ↓

"Ang pangit i-explain kasi it's too personal na. Basta, nagkadisminoriya ako. ‘Tapos ayun na, nanganak na yun, nagkaisyu na, na kesyo ganun-ganun, ganito, nagpa-abort, nakunan. Hindi naman totoo yun. Kaya huwag na nating patulan, ang cheap!"

TIRED OF EXPLAINING. Dati tuwing may usap-usapan tungkol kay Snooky ay agad itong nagpapa-interview sa mga talk show para ibigay ang kanyang panig. Pero ngayon sa latest rumor nga na buntis siya ay hindi siya lumabas sa mga talk shows.

"Kasi na-realize ko, sinabi ko, 'Eto ako, trying to be honest. Na kapag mayroong issue, I will either deny it kung hindi totoo, or admit it, kung totoo because I've always been honest.

"Pero napansin ko, parang napapasama. Saka ang mga tao na-realize ko—‘eto, hindi ko sinasabi na masama tayo, huh!—pero let's face it, tayong mga tao, may sarili tayong pag-iisip, may sarili tayong opinyon, di ba?

"So, kung ang opinyon mo, o let's say ng isang tao, feeling niya, 'Ay nagka-miscarriage si Snooky.' Whether I say 'No' on TV, kung ano ang opinyon mo, dun ka mag-i-stand. So, parang feeling ko, in short, parang useless lang na magpa-interview pa ako na hindi rin naman seseryosohin in a way dahil nga may kani-kanya tayong opinyon.

Continue reading below ↓

"So, sabi ko, 'Huwag na, tama na,' napapagkamalan pa akong gumigimik. Napapagkamalan pang showbiz. Napapagkamalan pa ng kung anu-ano. ‘Di
ba, na negative? Napaka-below the belt na naapektuhan na yung mga anak ko. So, sabi ko this time, tama na."

Read Next
Read More Stories About
Snooky Serna, Ricardo Cepeda
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"So, sabi ko, 'Huwag na, tama na,' napapagkamalan pa akong gumigimik... ‘Di ba, na negative? Napaka-below the belt na naapektuhan na yung mga anak ko. So sabi ko this time, tama na," says Snooky Serna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results